4-Two Men.

27 0 0
                                    

(Chassie's mystery man)

CHASSIE'S POV

Buong araw tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari.

Kahit anong pilit ko na kalimutan, NGA-NGA.

Paano ba naman kasing hindi ko makakalimutan eh pinag uusapan sa buong campus yung pag Busted ko sa prinsipe nila. Naaalala ko tuloy 'yung lalaking iyon.

"Psst"

Sanay naman na ako sa mga ganoong mga lalaki. Yung tipong proud na proud sa sarili. Pero may iba sa kanya eh.

"Psst! Bess!"

Kaya lang. Hindi manlang siya nagpakilala.

I'm interested. Haha. He thinks he can make me fall inlove with him? Well naah. Nobody can. Not without my concent.

*BOGSH*

"AAWW!" ( ̄^ ̄)

WHAT THE HELL? Humarap ako kay Thalia na siyang nakaupo sa table sa likuran ko.

"Bakit ba?!" Pabulong na sigaw ko.

"Kanina pa kaya kita tinatawag!"

"Tss. Eh bakit nga?"

Hindi siya sumagot and just pointed out the window.

Tumingin ako and I saw the person I've been thinking of all day. What the fuck? Naka tayo siya sa corridor, malayo sa classroom namin pero sapat na para magtagpo ang mga mata naming dalawa. Naka suot siya ng school uniform and he looks so hot in it.

I looked closer. May kahawig talaga siya eh. He is a tall young man. May be 17. Firm body. Pink lips. Hot eyes. Parang nang aakit yung tingin niya. Nginitian ko siya at hinawi ang buhok ko. BOOM. MAAKIT KA!

He smiled and walked away. I think i'll have fun with this.

*bell rings*

"Alright class. See you." Pagpapaalam ng last subject teacher namin. Kinuha na ni Ms. Dimataray ang mga gamit niya at lumabas. Nagsitayuan na sila pero ako, uupo lang muna. Iisipin ko kung sino yung kahawig niya.

"Bess."

Nakita ko si Thalia na nakaupo na ngayon sa upuan sa harapan ko at si Kaye naman ay naka sandal sa lamesa sa gawing kaliwa ko.

Nasa ikalawa sa dulong row ako at bintana ang katabi ko. Malaya ang students dito na pumili ng seats pagkatapos ng first grading.

Kulay puti ang classroom at black naman ang mga tables and chairs. Nasa star section kaming tatlo. Ang pag alam ng sections ay base sa kulay ng tie at classroom door. The darker it is, the lower their sections are. For example, kapag white, star section. Kapag baby blue, section A, tapos pagka dark blue, section E. Pano naman malalaman kung anong grade or year? Sa ID naman iyon. Green sa Freshmen, Red sa Sophomore, Yellow sa Junior at Blue sa Senior.

"Inlove ka?" Seryosong tanong ni Kaye na dahilan naman ng mabilis na pagkunot ng noo ko.

"Eew!" Hinawi ko ang buhok ko at umirap. Inlove? Ha? Sino ba yun? Kilala ko ba yun? Nakakain ba yun?

"Sus! Si Chassie maiinlove? Wow! BIG WORD!"

"Tama ka Thalia. I'm simply interested sa lalaking iyon. Parang chinachalenge ako eh. Hahaha" and my evil face formed. I'm into making men cry. Gusto ko silang ipinapahiya, pinapaasa, pinagmumukhang tanga at iniiwan. Why? Gusto ko lang. Bakit ko pa hihintaying masaktan ako kung pwede namang ako nalang ang manakit? Jeez.

Sweet PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon