Chapter 1: Ang bakasyonista

71 2 0
                                    

Alas singko ng umaga,Napukaw ang  pagtulog ni Mariel nang may marinig siyang tunog at sigaw. Pot pot pot...Pandesal...Inulit pa ng dalawang beses ni Robert ang pagsigaw upang makasiguro na magigising ang nirarasyunan niya ng pandesal.Nakaugalian na ni Robert na iwan na lang ang rasyon niyang tinapay at takpan na lang ng timba upang di makain ng alagang si Bantay.

Marami pa kasi siyang rarasyunang mga bahay-bahay. Ilang saglit lang ang nakaraan at napansin ni Mariel na gising na din ang kanyang kaklase at kaibigan.Taga Maynila si Mariel.

Tiyempong Christmas vacation,kaya't sumagot siya sa anyaya ni Aimee na doon na mag spend ng christmas sa probinsiya nito sa Batangas. At ito ang unang umaga na naexperience niya sa bahay ng kanyang kaibigan.

 "Hi good morning, gising ka na rin pala" bungad na bati ni Aimee kay Mariel.

"Bakit ang aga mong magising?

"Good morning din. Kasi may nagsisigaw diyan sa labas, sino ba yon?.

 "A si Robert yon pinsan ko, siya kasi ang nagrarasyon ng pandesal dito".

 Habang abala si Aimee sa pag papakulo ng tubig ay panay ang kwentuhan ng dalawa.

 "Alam mo ang sipag ng pinsan kong iyan. Pwede naman siyang hindi magtinda, Kasi may maganda namang trabaho ang parents niya."                                                                                          

 "Likas lang na masipag siguro.? Naputol ang kanilang usapan nang lumabas na rin ng kusina si aling Julie ang mama ni Aimee.    

 "Gising na pala kayo, Ma, tamang tama, kumulo na ang tubig pwede na kayong magkape "bati ni Aimee.

 "Naku huwag  mo akong alalahanin anak, si Mariel ang estimahin mo siya,  itimpla mo siya ng Milo. Nasan ga yong pandesal, dumating na ga?"                                                                                          

 "ala eh, oho mama, heto ho o kumain tayo habang mainit-init pa."

 Nangingiti si Mariel sa usapan ng mag-ina. Kasi sa halip na "ba" ang  "ga" ang kanilang ginagamit. Natatawa rin siya sa punto ng usapan ng mag inang Batanggenyo.

 Alas otso ng umaga, abala sa pag lilinis ng bahay si Aimee at mama nito, maging si Mariel nang may dumating si Robert.

 Ala eh, may maganda palang tsiks dine, nariyan ga si tiya Julie? tanong ni Robert kay Mariel.Narinig ni Aimee ang boses ni Robert. Siya na ang lumabas para kamustahin na rin ang pinsan.

 "Aba ay insan narito ka na pala, kasama mo ga ang magandang dalagang ire? Ipinakilala ni Aimee kay Robert ang kaibigang si Mariel.

" Dito siya magpapasko, Robert at sana massamahan mo kami dito sa magagandang tanawin dito sa atin. Gusto ko'y maging sulit ang pagbabakasyon ng kaibigan ko dito sa atin."

  "Abay, oo karangalan kong makasama ang magandang dalaga tulad ni Mariel." Binalingan nito ang bisita ng kanyang pinsan. "E, Mariel, ikaw ga'y nasakay sa kalabaw? pasyal tayo mamaya ha.

 Maya-maya pa'y saglit na namaalam si Robert marami pa kasi siyang sisingiling bayad sa pandesal.

Nakaugalian na ni Robert na i-deliver munag lahat ang lako niyang pandesal, at pagbalik na lang niya ito sisingilin.

 "Ang ingay ng pinsan kung iyon,  pasensiya ka na sa kanya, ha"    "ay ok lang. nakakatuwa nga eh. Kung magbiro e prang matagal na kaming magkakilala. "Sinundan pa ng tawa ni Mariel.

 Mula kay Aimee ay nalaman ni Mariel, ay sa Maynila na rin mag aaral si Robert, graduating na ito ng high school at high school with honor pa.

 Ang di alam ni Aimee ay unti unti nang humahanga si Mariel sa kanyang pinsan. Sino ba naman ang hindi bibilib kay Robert, masipag na matalino pa. Bukod sa may sense of humor ang binata  napakamaalalahanin nito.

 Madaling natuto si Mariel sa pagsakay sa likod ng kalabaw. First time niyang ma experience ito kayat walang pagsidlan sa tuwa ang dalaga.

 "Sige nga patakbuhin mo na kung pwede ka nang makipaghabulan sa akin", sulsol ni Robert sa kasamang bakasyonista. Tig isa silang kalabaw na sinasakyan.

 "Hindi pa pwede Robert, baka mahulog ako pag matulin ang takbo, Hinay hinay lang dapat" sagot ng dalaga. 

 Binagtas ng dalawa ang malawak na pilapil. Tuwang tuwa si Mariel sa tanawin sa magkabilang pilapil ay ang malawak na bukirin, mga luntiang pananim sa dako pa roon ang kanyang nakikita, masasayang mga ibon  ang nag sasalubungan na para bang wala ng kapaguran sa paglipad.

 Ang ganda ng place nyo, at fresh na fresh ang hangin "di tulad sa Maynila" puna ni Mariel habang sakay pa din sa kalabaw.  Nag sight seeing naman siya ng mga oras na iyon.

 Narating ng dalawa ang bukirin  nina Robert. Bago bumaba ng kalabaw si Mariel ay kinuha muna ang cellphone sa dala niyang bag'

 " Akyat  ka muna rito Robert, selfie-selfie tayo dito sa ibabaw ng kalabaw" nakangiting sabi ng dalaga. maganda ang post natin kung dito tau mag seselfie.

 Nakapalagayang loob na ni Mariel ang binata sa maikling panahon ng kanilang pagkakilala. Palibhasa'y bakas ang kabaitan sa mukha ni Robert at isa pa'y pinsan ito ng kanyang kaibigan, kaya ganoon na lang ang kanyang pagtitiwala dito.

  Magkaangkas sa kalabaw ang dalawa, nakahilig pa si Mariel kay Robert habang nagsa shot ng picture.Kapagkuwa'y bumaba ang binata. Ibinidyo naman ni Robert si Mariel habang sakay pa din ng kalabaw.

 Inalalayan nito ang dalaga sa pag baba "Nakakapagod din pala kahit sakay ka, puna ni Mariel habang namamahinga na sila sa ilalim ng isang puno.

 Nakaupo ang dalawa sa bangkong kawayan na ginawa ng papa ni Robert bilang kanilang pahingahan sa tuwing pupunta sila dito sa bukid 

 "Nasan nga pala ang papa mo ati ang father ni Aimee parang wala rin" tanong ni Mariel nag ikwento ni Robert ang tungkol sa kanyang ama.

 Bukas darating na mga iyon, nasa Maynila nag dadala ng mga produkto dito sa bukid upang ibenta" paliwanag naman ng binata.

 "Siguro ang yaman nyo ano ang lawak kasi ng bukirin nyo tapos mga parents nyo na rin ang nag mamanage nito.

 "Ala eh, hindi naman nakakaluwag lamang sinundan ng hagikgik ng binata. Nadala na rin sa pagtawa ang dalaga.

  Kaya pala ang sabi ni Aimee ay kahit hindi na magtinda ng pandesal si Robert, nakakaluwag nga pala sila. Sa paligid ng punong kinauupuan nila ay nakatanim ang maraming uri ng prutas, at namumunga na ang mga ito.

 Ang tamis pala ng suha nyo at ang sarap, sayang kung kasama lang natin si Aimee...

 "Tutulungan daw niya si mama niya, sa paglilinis ng bahay e, gawa ng marami silang bisitang darating sa pasko;

 "Naulit nga sa akin ni Aimee yan. every Christmas pala e marami silang panauhin.

 "O ano gusto mo pa ng mura, ikuha kita? "anong mura? tanong ng dalaga, ay oo nga pala.Dito sa Batangas ang tawag sa buko e "mura" tawa pa nito. ganoon e hindi muna sa ibang araw na lang baka kasi masira ang tiyan ko, na binuntunan ulit ng tawa ng dalaga.

Walang problema maraming diatabs sa kubo, nakatawang pagbibiro ni Robert

                          .... ITUTULOY.....Subaybayan ang kwento ni Robert at Mariel...May namumuo kayang pag iibigan sa kanila.

                                                           

In the name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon