Chapter 2: Feeling Binata na daw

23 0 0
                                    

Masaya ang 2nd day ng pagbabakasyon ni Mariel sa bayan ng Padre Garcia, isa itong bayan sa Batangas kung saan nakatira si Aimee.

"Ano saan kayo nakarating?" si Aimee ang kausap ni Mariel. Doon sa sa inyong bukirin. Ang ganda pala ng place nyo." Nakarating ba kayo sa may waterfalls?" "Hindi pa.Pero sabi ni Robert, babalik daw doon sa Sunday kasama ka para mag swimming."

"Iyan talagang pinsan kong yan, hindi pa naman ako nakakausap e kasama na ako sa plano" natatawang sabi nito.

Kumakanta-kanta pa si Mariel habang naliligo sa banyo. Patuloy naman sa paglilinis ng bahay si Aimee. Natutuwa siya sa nakikita niya sa kaibigan. Halatang nasisiyahan sa pagbabakasyon dito.

Pasalamat siya sa pinsan niyang si Robert. Nagsilbing tour guide ng kanyang bisita.

Kinagabihan nagkaroon ng problema si Robert, maghahating gabi na'y hindi pa siya dalawin ng antok. Laman ng kanyang isipan si Mariel. Nagbabalik sa kanyang ala-ala ang magandang mga ngiti ng dalaga, ang mga mata niyang nangungusap at para bang tumatawa sa tuwing ito'y mag sasalita.

Nalanghap pa niya ang mabangong amoy ng dalaga ng magkadikit ang kanilang mga katawan ng magkaangkas sila sa kalabaw.

 Na usal niya sa sarili na sana'y maulit uli mga tagpong iyon. Ang makasama niyang muli ang dalaga.

"Ala eh...ay ano gang nangyayari sa iyo Robert, ikaw ga'y binata na" tanong niya sa kanyang sarili.

"Ay ano pa ga'y di ga'y Oo, in lab na nga siguro ako kay Mariel." siya rin mismo ang sumagot.

Pero Mariel, patulugin mo muna ako. Maaga pa akong maglalako ng pandesal bukas." nagsusumamong usal ng binata sa sarili.

Aroma ng kapeng barako ang gumising kay Mariel ng umagang iyon. Paglabas niya ng kusina ay nadaanan niyang nakahain na sa mesa ang naamoy niyang kapeng barako at mainit na pandesal.

Meron ding sinangag, pritong daing at itlog. May hiniwa hiwa pang kamatis na panterno sa daing. Ngunit ang nakaagaw pansin sa dalaga'y ang pandesal. Naala-ala niya si Robert, kasi hindi niya narinig ang sigaw nito at ang pot pot na ginagamit niya sa paglalako. Binantayan pa naman niya ang binata.

"O Mariel kain na" Alok ni aling Julie, "sabay na kayo ni Aimee. "Asan na po si Aimee" sabi ni Mariel, pagkatapos magmano sa mama ng kanyang kaibigan.

Pumasok sandali sa kanyang kwarto. Umupo ka na at mamaya lang ay lalabas na yon."

"Kahit ako hindi ko rin narinig si Robert kanina, pero nagdeliver naman siya ng tinapay", si Aimee ang nagsasalita. Nag almusal sila ni Mariel noon. "Pero maya maya'y mga eight nandito na iyon. Maniningil kasi siya ng bayad sa pandesal.

Waring nagdiwang ang puso ni Mariel. Nami-miss na niya si Robert. Hinahanap-hanap niya ang presensiya ng binatilyo at dama niya'y matagal na niya itong di nakikita.

"Ngunit past nine na ay di pa rin ito dumarating. Nasa may terrace si Mariel. Halatang may hinihintay at parang inip na inip na ito. Habang nakaupo sa sofa ay naka sapo ang kanang kamay sa baba nito.

"Napansin siya ni Aimee. Di naman niya binigyang pansin ang kalungkutan ng kaibigan. Ang alam niya'y nag iisa lang ito sa upuan kaya ganoon ang ikinikilos.

"Mariel magbasa ka muna ng pocketbook, O sabay abot nito sa kanyang bisita. Tatawagan ko sandali si Robert sa cellphone may ipapabili lang ako sa kanya.

"Naku, pasensiya ka na ate, wala ako diyan sa atin e, nandito ako sa Lipa" sagot ni Robert sa kabilang linya nang makausap ito ni Aimee.

Anong ginagawa mo diyan?  "Secret, ate binuntutan pa ng tawa ni Robert. Ikaw ha, ke bata-bata mo pa; baka mag chi chicks ka na diyan ha....

"Parang kinurot ang puso ni Mariel sa sinabi ng kaibigan.

Baka nga may pinag kakaabalahang  babae ang Robert na iyon, kaya hindi nag papasyal sa kanila.

"Ala'y hindi ah, may nilalakad lang ako. Maya punta ako diyan. Kumusta si Mariel? sabihin mo may pasalubong ako sa kanya pagdating ko ha"..

"Bakit si Mariel lang, ako wala" Pwede ga iyon, syempre meron din. Sige basta maya punta ako diyan.

Ngunit lumipas na ang maghapon ay walang Robert na dumating. Namuti na ang mga mata ni Mariel sa ka hihintay sa kanya.

Mabuti na lamang at kahit paano'y maraming pocketbooks si Aimee. Medyo nalibang siya sa pagbabasa nito.

Kinagabiha'y tumawag si Robert. Humingi ito nang paumanhin sa dalawa dahil hindi ito nakarating.

"Nangako ka na naman, baka bukas di ka na naman dumating. Malungkot nga si Mariel dahil wala siyang makasamang pumasyal.

"Bukas susulit-sulitin ko promise. Pupunta kami sa SM at doon kami bibili ng pinabibili mo. 

"Aba sosyal,tigilan mo na ako Roberto. Alam ko namang sa bayan ka lang bibili. Natatawang sabi ni Aimee sa pinsan.

Nakikinig lang sa usapan ng magpinsan si Mariel hanggang sa maisipan ni Aimee na ibigay ang cellphone sa kaibigan at hinayaang sila ni Robert ang mag usap.

"Alam mo na miss kita" prangkang sabi ni Mariel kay Robert. "Ow talaga? ikaw din na miss ko eh. Hayaan mo bukas babawi ako, maaga akong pupunta diyan. Punta tayo sa SM Lipa."

"Malayo ba iyon, sasakay ba uli tayo sa kalabaw? Hindi a, sabay tawa ni Robert" basta bukas maghanda ka, susunduin kita diyan."

Biglang naputol ang kanilang usapan, Nalowbat kasi ang cellphone na gamit ni Mariel.

Nanghinayang si Robert sa mga sandaling iyon. Gusto pa naman niyang makausap ang dalaga. Kinikilig pa nga siya nang malamang na miss siya nito. Binigyan niya ng kahulugan ang sinabing iyon ng kausap.

Hindi na naman nila narinig ang potpot at sigaw ni Robert ng pandesal kinaumagahan.

Pero nang tingnan ni Aimee ang lagayan ay may tinapay nang nakalagay doon. As usual nagpakulo ng tubig si Aimee at inihain ang pandesal sa mesa.

Bumangon na rin si Mariel nang marinig nitong may kumakaluskos na sa kusina. Sa katunaya'y kanina pa rin siya gising. Binabantayan niya kasi si Robert. Gusto niyang marinig ang potpot nito at sigaw na pandesal

Maaga raw kaming aalis, mamasyal daw kami sa SM, paliwanag ni Mariel kay Aimee, magkasabay silang nag aalmusal habang nag-uusap.

"Aba ay tinutoo pala ng lalaking iyon ang kanyang sinabi; Akala ko'y nagbibiro lang.

"Malayo ba iyong Lipa dito? tanong ni Mariel. "Malapit lang, pero sasakay kayo ng jeep, mga twenty minutes ride hanggang doon;

"Di bat mayor doon si Vilma Santos? Noon yon, si Vilma ay gobernor na ngayon ng Batangas. Sayang kung di lang ako busy sasama ako sa inyo, magpaplantsa pa kasi ako ng mga kurtina e, at ikakabit ko na rin.

"Kung gusto mo tulungan na lang kita." Naku, huwag ka nga, kaya ka narito ay para mamasyal kaya bahala si Robert sa iyo.

Maagang nagpatugtug si Aimee ng Christmas songs habang naglilinis ng kanilang kinainan. Hinayaan niyang tulungan siya ng kanyang bisita.

Magkasaba'y pa silang sinasabayan ang mga kantang pamasko, pumapailanglang sa himpapawid.

"Bakit ganoon, iba ang feeling ko, kapag mga old Christmas songs ang naririnig ko" si Aimee.

Kahit sino siguro lalo kapag ganitong dumadampi na sa balat ang malamig na simo'y ng hangin, ibang iba ang aura. "Medyo kinikilig pa sa lamig Mariel habang nagsasalita.

Kakaiba kasi ang umagang iyon,magbuhat ng dumating siya rito. Pinakamalamig ngayon ang panahon sa pakiramdam niya.

Samantala'y maagang naningil si Robert sa mga nirasyunan niya ng pandesal.

Excited na kasi siyang makita si Mariel. Kagabi pa nama'y nai-imagine na magkakadikit na naman ang katawan nila ng dalaga, at mahahawak-hawakan na naman niya ang malambot na kamay nito.

In the name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon