Chapter 4:

8 0 0
                                    

Magtitinda ka rin ba ng pandesal Robert? bigtime ka na eh, naka wheels ka na si Aimee na ang tinutukoy ang motorcycle ni Robert. Kumakain sila noon.

"Ala eh, ay kailangan pinsan.......installment lang iyan kaya kailangang araw-araw eh magrasyon ng pandesal"

"Bakit hindi ka na lang sa Papa mo humingi kaya naman niyong bumili ng cash."

"Ay maganda na yong sarili kong kayod, pinsan kaya ko naman sa tingin ko." Nakamasid lang si Mariel sa usapan ng mag pinsan, nadagdagan ang paghanga nito sa binatilyo.Bukod kasi sa may angkin itong talino at ika nga'y medyo guwapito ay masinop din pala sa buhay.

"Ay oo nga pala Roberttuloy ba ang swimming natin sa Sunday" tanong ni Aimee.

"Of course naman, naunahan mo lang akong magtanong eh, kasi hindi ko pa nga nauulit sa iyo si Robert."

"At last makakasama rin natin si Aimee." sabi naman ni Mariel. Lalong nagiging happy ang lakad natin."

"Sana nga  mag enjoy tayo sa Sunday" si Aimee

"Ala-eh ang mabuti pa'y ituloy na  natin ang pag decorate ate Aimee, para sa sunday eh wala ka ng maidahilan na hindi ka makakasama yaya ni Robert.

Ngiti ang itinugon ni Aimee. Kumilos na rin ito para sumunod sa sinabi ng pinsan. Pati si Mariel ay tumulong na rin.

May darating pa gang taga Maynila sa Pasko? tanong ni Robert kay Aimee

"Oo yung dalawa pa naming ka board mate ni Mariel, susunod daw sila dito".

"Maganda ang dalawang iyon Robert, kaya ituloy mo na ang pagbibinata mo. Sigurado ako na magugustuhan mo ang dalawa naming boardmate."

Nagtawa si Mariel at Aimee. Nagblush naman si Robert.

"Ang laga'y pala binata na itong si pinsan" natatawang sabi ni ni Aimee.

"Wala ka palang alam eh, si Mariel" feeling binata na raw siya at inlab na. Ayaw lang sabihin kung sino ang napakaswerteng babaeng yon kanyang minahal."

Lalong pinamulahan ng mukha si Robert. Ramdam nya'y para na siyang naka shot ng isang basong lambanog. Kahit may kalamigan na ang panahon ay pinag papawisan ito. Alam niya kasing malakas mang alaska ang kanyang ate Aimee. Tiyak kukulitin siya nito.

"Gusto mo paaminin natin kung sino".....si Aimee." "Aba'y binata na pala ang mokong na ito." sinundan pa nito ng malakas na halakhak.

"Sige Aimee, pilit ko mang tinatanong kung sino eh, ayaw namang sabihin." kumpisalin mo nga kung sino".

Ang dating maingay na si Robert, di ngayon makapagsalita kahit tingin ay ayaw niyang tingnan ang dalawa niyang kasama.

"Hindi ba taga rito insan, pero narito at nagbabakasyon lang,"halos diretsahan na ang tanong ni Aimee, hindi lang nito tinukoy ang pangalan

"Ano" halos napasigaw si Mariel bagamat natutunugan nga niyang siya ang nagustuhan ni Robert. "Ako ba iyon Robert" ang kaibigan naman ni Aimee ang nagtanong.

Hindi malaman ni Robert ang sasabihin. Plano nyang umuwi na lamang ng kanilang bahay para matakasan ang pagpapaamin sa kausap ng dalawa.

"Close mo ang door, Mariel tatakasan tayo para hindi maamin oh."

Tatawa tawa ang inutusan  at dali daling isinara ang pinto.

"Ano bang kaguluhan iyan?" ang ina ni Aimee, "bakit ayaw niyong pansini si Robert?" dugtong pa nito.

Nakakita ng kakampi ang binatilyo.

"Iyan hong dalawang iyan, Aunty...kanina ko pa gustong umuwi eh, ayaw akong pauwiin.

In the name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon