REAJ
"MAGPAPAKASAL tayo sa ayaw o sa gusto mo"pinal niyang sabi. Napatuwid ako ng upo sa sinabi niya.
I gulp." A-ahhh ano... bakit ba kailangan pa kitang pakasalan?"utal na tanong ko. Napapisil ako sa daliri ko ng makita ko ang pag dilim ng mukha niya.
"Talagang sinusubukan mo ako nuh?" galit na tanong niya pero nanatili pa run siyang kalmado kahit sobra na ang pagpipigil niya.
Napatingin ako sa kanya ng deretso sa kanya." Nako h-hindi ahhh kasi....yung pagpapakasal ay para lang sa mga totoong taong nagmamahalan-"
"It won't matter ,then let's pretend that we love each other ,that we are madly in love. Ano sa tingin mo?" mahabang turan niya. Para akong sinaksak and puso ko dahil sa sinabi niya. Ayokong makasal sa isang tao na hindi naman ako mahal.
Ayoko makulong sa isang relasyon na kahit kaonti ay walang pagmamahal na namamagitan. Gusto maging successful ang marriage namin gaya ng sa mommy at daddy ko.
Umiling ako bilang sagot." Maghanap ka nalang ng ibang babae na papayag sa gusto mo. Ayokong makulong sa isang relasyon na walang bahid ng pagmahalan. Ayoko mag hirap at pagsisihan ang lahat"deretsang sabi ko.
Nakita ko ang pag igting ng bagang niya yung kamay niya halos mag labasan na ang ugat doon dahil sa pagkakuyom niyon.
He throw the wine glass at my side. Napapiksi ako ng tumama iyon sa head rest ng upoan kaya tumalsik ang bubog sa pisngi at balikat ko.
"Yun nga ang gusto ko e ang mahirapan ka"
Napahawak ako sa balikat ko ng maramdaman ko ang hapdi doon. Nakita kong dumugo iyon kaya pakislot ako sa sakit.
I stood up.
"Hindi mo naman kailangan maging marahas sa lahat ng pagkakataon na tatanggihan ka. Maging totoo ka nalang sa nararamdaman mo,Vince" sabi ko sa kanya.
Hindi pa man din ako nakaka hakbang papalayo nang bigla niya akong higitin.
"Gusto mo maging totoo ako sa nararamdaman ko? Pwes ito"
Napasinghap ako ng bigla niya along halikan. Mariin at masakit,punong puno ng galit. Pinagpapalo ko ang braso at dibdib niya pero nahuli niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
Hindi ko mapigilan and pag agos ng mga luha ko.
"T-tama na..." pagmamakaawa ko. Sobrang sakit na ng balikat ko dahil sa bubog na bumaon sa balat ko.
Mas lalo akong nagpumiglas ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napasigaw ako ng mariin niyang kinagat ang leeg ko.
Malakas na binawi ko ang kamay ko at malakas na sinampal siya.
"K-kung ano man ang kasalanan ng papa ko h-hindi ko kargo yun. Kung lagi mo lang akong sasaktan , mas mabuti pang ibalik mo nalang ako sa mommy at daddy ko" hindi ko na siya pinag salita mabilis along tumakbo papunta sa kwarto namin.
YOU ARE READING
The Escape
General FictionAng tanging gusto lamang ni Reaj ay makalaya sa mga kamay ni Vince. Gusto niyang matamasa ang buhay niya dati, ayaw niyang may komokontrol sa kanya. Ngunit malabo na iyong mangyari dahil kahit anong pagtakas ang gawin niya ay hinding hindi na siya m...