Elizabeth Rose Taylor
Isang linggo ang nakalipas mag mula nung namatay ang pinsan ni Rei Xiu na si Adelyn, pero hindi pa rin nya nakikita ang bangkay ni Adelyn at Amren. Nandito ako sa kwarto ni Kristine ngayon at gumagawa ng assignment.
Galit na galit si Rei Xiu, pero hindi nya ako sinisisi dahil iniligtas ko raw sya kay Kyme. Nung ililigtas kasi namin sila Adelyn ay pinahawakan sa akin ni Kyme si Rei Xiu at binulungan ko sya na maging kalmado lang dahil baka malaman nila na bampira si Rei Xiu.
Masaya ako na bumalik na ang pagsasamahan namin sa isa't isa, pero malungkot at nasasaktan pa rin ako dahil hindi pa kami nag kakaayos ni David.
Habang nag sasagot ako ng assignment ko ay naramdaman ko na biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Kristine. Ang pagkaka alam ko ay wala sila ngayon dito. Lahat sila, at ako lang ang naiwan dito.
Kaagad naman akong tumayo at kinuha ang pocket knife ko saka itinutok sa taong nasa pinto, at parehas kaming nagulat ng makita namin ang isa't isa.
Si David ito! What is he doing here?
Kaagad ko namang ibinaba ang pocket knife ko at itinabi iyon sa bulsa ko. Matapos kong itabi iyon ay bumalik na ako sa ginagawa ko dahil alam ko naman na hindi ako ang sinadya nya rito.
Eli. Rinig nyang tawag sa akin, at ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya. Matamlay ang mga mata nya at halatang kaiiyak nya lang kaya kinunutan ko sya ng noo.
What are you doing here? tanong ko sa kanya at akmang sasagot na sya ng mag salita ulit ako. If you're checking me, I'm doing well, without you. Panggagaya ko sa sinabi nya sa akin isang linggo at tatlong araw na makalipas.
Nakita ko naman ang pagkagulat nya at ako ay tumayo saka bumuntong hininga. Wala akong balak na saktan ka, kaya kung maaari ay umalis ka na dahil marami akong ginagawa. Sumbat ko sa kanya at kita ko sa mga mata nya ang lungkot kaya nakaramdam ako ng kunting awa sa kanya.
I'm about to say a word, but he pushed me against the wall and he chuckled as he held my face. Hey Eli... I miss you! Bulong nya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon! Masaya ako! Gusto kong umiyak. Nang hindi sya mag salita ay nag lakas loob ako na tanungin sya.
Those things you said last week... Did you mean them? Tanong ko sa kanya at tumawa naman sya saka inilapit ang muka nya sa muka ko.
Of course yes! But Let's forget it, okay? I'm glad...! So glad that you came into my life. He answered, at ramdam ko ang malamig nyang hininga at naaamoy ko ang mabango nyang hininga.
Sinabayan ko naman sya sa pag tingin sa akin at saka nag salita. Para akong bomba na ano mang oras ay maaari na akong sumabog dahil ikaw ang nag tri - trigger sa akin. Makabuluhang sabi ko sa kanya at tumawa naman sya at hinigit ako papalapit sa kanya.
Ako naman ay mahigpit na niyakap sya, at ganun din sya. Habang mag kayakap kami ay may mga pumalakpak sa labas ng pinto at nang mag bitiw kami sa pagkakayakap ay nakita namin sila Kristine na masaya para sa amin.
Putcha! Makakatulog na rin ako sa kwarto namin ni Honeybee! Masayang sigaw ni Andrew at nag sigawan naman ang iba naming kaibigan.
Dahil dyan ay mag pi - picnic tayo sa Garden ng Themis! Kaya mag ready na kayo Girls! Sigaw ni Heart at kaagad na hinatak si Rei Xiu papunta sa kwarto nila at kami naman ni David ay lumabas na sa kwarto nila Andrew.
Ikaw Nathan? Kailan mo balak ligawan si Heart, Mate? Nakakalokong tanong ni Ace kay Nathan at batid ko naman na nagulat sya kaya nag tawanan kami.

BINABASA MO ANG
Cadaver University
Viễn tưởngCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...