is can'T handle,

7 0 0
                                    

riiiing

tumatawag ka, kinakabahan akong sagutin ang tawag mo pero sinagot ko parin “hello?” hindi ka nagsalita ,” hello” galit ka ba? Nandun ka ba nung tumawag ka sa akin? “I love you” feeling ko may malaking bagay o kung ano man ang bumara sa lalamunan ko, bumilis ang tibok ng puso ko, na mental block ako at nauutal sa sasagot ko sayo,, anu nga bang dapat isagot ko diba? “a-ako din namn,, hehe besfriend tayo d-diba?” nanginginig ang katawan ko nun kasi naalala ko ang mga nararamdaman ko nung nakaraan araw, na ikinagugulo ng isip ko, ikaw lagi ang gusto kong makita at makausap,, tuwing may gusto akong sabihin ikaw lagi ang naiisip kong pagsabihan pero sinasabi ko ay kaibigan lang ang turing ko sayo siguro, kasi yun naman dapat ang gawain ng kaibigan,, pinilit ko ang sarili ko na kaibigan lang DAPAT ang rason ng pag iisip ko nun nung nagdaang araw pero ngayon?

 “you know what I mean” sabi mo sa linya….ni minsan hindi ko inisip na magmaangmaangan ako, lito ako ngayon dahil narerealize ko na ang dahilan ng nangyayari sa sakin nitong araw,, parang bulkang sumabog ngayon ang puso ko at naiiyak ako? Bakit? Sa saya? Na mahal mo din ako? Na hindi na ko mangangamba na isang araw humingi ka sa akin ng advice kung pano manligaw ng ibang babae? Takot? Na baka mawala ang lahat dahil binibiro malong ako?na baka sa bandang huli ay iwanan mo din ako dahil hind ka naman sa lupa at bansa namin talaga nakatira? Niyerbyos? Dahil ang pinsan mo ay sinabihan din ako ng nararamdaman niya? Anu na bang nararamdaman ko ngayon? Namamanhid ang dibdib ko at kinakapos ako sa hininga, ang sakit, parang may pumipigil sa pag hinga ko “aaaaaaa!” hindi ko na nakaya at bumigay na ko nalaglag ko ang telepono kung nasaan ka at nag sasalita,, nanghihina ako at naalala ko ang dahilan ng nararamdaman ko nitong araw, hindi lang dahil sa iyo kung hindi dahil din sa bagay na ito,, sa bagay na ito na naging dahilan ng kawalan ko ng kaligayan sa pag kabata ko

Missing the chancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon