08.

35 0 0
                                    

psyche

❝thank you, yunseong.❞ nakangiti kong sabi sakaniya. hindi siya tumingin sa akin at tumango lang. bastos talaga!!!

kung hindi lang kita crush nasapak na kita gagu.

pero malandi ako e hehehehe

ibinigay niya sa akin 'yong papel na puro math problems, sabay tutok sa phone niya.

inilagay ko na lang sa magkabilang tenga ko ang earphones ko at nagsimulang sagutan ang mga problems na binigay niya sa akin.

sa totoo lang, sobrang basic nito para sa akin. siguro ito lang 'yong naisip kong way para mapalapit sakaniya?

pero mukhang malabo : ((

tignan mo naman, hindi magsasalita kapag hindi ko pa kinausap : ((

sinadya kong maliin ang sagot sa last equation bago ko ito ibigay at ipacheck sakaniya. agad niya namang tinignan iyon at maya-maya pa ay kumunot ang noo.

natawa ako ng palihim. pero tumingin din siya sa akin.

❝anong nakakatawa?❞ masungit na tanong niya. tss.

❝nacute-an lang ako sa bata.❞ sabay turo sa bata sa likod niyang walang kamuwang-muwan na dinamay ko dito hehehe. bakit nga ba may bata dito

❝tama naman 'yong pagsolve mo, pero bakit mali 'yong pinakaanswer?❞

❝huh? anong mali?❞ pagmamaang-maangan ko. bumuntong hininga siya bago tumayo at lumipat sa upuang nasa tabi ko.

inurong niya 'yong upuan ko palapit sakaniya at inakbayan ako.

pUTA HWANG YUNSEONG WALA NAMANG GANYANAN YONG PUSO KO!!!!

nagsimula siyang magexplain ulit hABANG AKO HINDI MAKAHINGA NG MAAYOS KASI PUTANGINA NAMAN HWANG YUNSEONG HUHUHU

❝gets mo na ba?❞ tanong niya. mabilis naman akong tumango. nginitian niya ako bago siya bumalik sa pagph-phone pero agad ding nagsalita. ❝wala ka naman nang klase, diba? samahan mo 'ko sa dance studio.❞

mabilis niyang niligpit ang mga gamit ko kahit ako dapat ang gumagawa no'n. nang maayos na lahat, binuhat niya ang bag ko sabay kuha ng sakaniya.

❝tara na.❞ saad niya at hinawakan ang kamay ko 'tsaka kami nagsimulang maglakad paalis ng cafeteria.

hindi ako pinaglihi sa kamatis pero putangina alam kong sobrang pula na ng mukha ko ngayon dahil sa sobra kahihiyan at sa sobRANG KILIG.

paano ba naman? tinitignan kami ng mga estudyante : ((

agad din kaming nakarating sa studio pero huminto muna kami sa tapat ng pinto kaya't napatingin ako sakaniya.

hindi ba kami papasok?

❝ikaw mag-bukas.❞ kumunot ang noo ko. napangisi siya ng bahagya at itinaas ang magkahawak naming kamay.

ahe

hehehe gets ko na

sorry naman.

dahan-dahan kong pinihit 'yong doorknob hanggang sa mabuksan ko ng tuluyan 'yong pinto.

agad naman akong hinila ni yunseong papasok.

wait

?

??

???

????

?????

aNONG GINAGAWA NI MOONJUN DITO ISYAHDBAKSJANSKQ

pinilit kong tanggalin nang hindi nila mapapansin 'yong kamay kong hawak ni yunseong pero mas lalo lang niyang hinigpitan.

ramdam ko ang matalas na tingin sa akin ni moonjun. oo, magkapatid kami. pero hindi ko siya tinuturing bilang isa.

❝naks may pa-holding hands! HAHAHAHA!❞ tangina talaga nito ni junghwan.

nakita kong napangiti si yunseong. ok whut.

pinaghiwalay ni junho 'yong mga kamay namin ni yunseong at inagaw niya 'yong bag ko sakaniya.

❝j-junho teka-❞

❝tangina!❞ nagulat ako sa pagmumura niya.

❝junho..❞

binitawan niya ako at inihagis sa akin ang bag ko.

anong problema mo?

• 𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒆 | ℎ𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛𝑠𝑒𝑜𝑛𝑔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon