psyche
❝
hay naku, moonjun! lubayan mo muna akooooo!❞ sigaw ko kay kuya dahil kanina pa siya nakabuntot sa akin.
❝e ayoko nga! na-miss kita tapos lulubayan lang kita? anONG KLASE KUYA AKO?❞
anong klaseng kuya ka?
hahahaha.
naalala ko nanaman 'yong pangyayarin 'yon.
iniwan ako ni kuya sa gubat, ang sabi niya hindi niya ginusto. isang araw akong nanatili kung saan niya ako iniwan, nagbabaka-sakaling babalikan niya ako, may tutulong sa akin.
pero wala.
simula noon, sobrang bigat na ng pakiramdam ko sa kuya ko. hindi ko ba alam. siguro ay ayon ang unang beses na naramdaman kong hindi ako mahalaga.
pinilit kong iwaksi iyon sa isip ko, ang mahalaga ay ayos na kami ngayon, napatawad ko na siya.
❝hayaan mo na 'yang kuya mo, anong gusto mong kainin?❞ tanong ni hangyul habang kumukha ng pagkain.
nandito kami sa canteen, malamang, lunch time.
❝kahit ano nalang diyan.❞
nang matapos mamili si hangyul, agad na kaming umupo sa table ng mga mukhang uling na 'to 'tsaka bnz
❝kainin mo 'to.❞ biglang lagay ni hangyul ng pagkain sa plato ko.
❝ito kainin mo, masarap.❞ nilagyan naman ni kuya ng ulam ang plato ko.
❝mag-gulay ka psyche.❞ akmang ilalagay ni yunseong ang gulay sa plato ko pero hinarang ni hangyul 'yong kamay niya.
❝ayaw ni psyche sa gulay.❞ sambit ni gyul.
baka naman pati gulay pag-awayan niyo pa?
❝yunseong!❞ napatingin kami sa sumigaw. isang babae, ang ganda niya : ((
napatayo si yunseong na para bang gulat na gulat, sino ba 'to?
❝s-sohye..❞ mahinang tawag ni yunseong sa pangalan niya.
❝na-miss mo 'ko? hahahaha! na-miss din kita!❞ sambit nito, atsaka hinalikan si yunseong.
talaga ba, yunseong?
talaga ba?
BINABASA MO ANG
• 𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒆 | ℎ𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛𝑠𝑒𝑜𝑛𝑔
Humor❝how are you? it's been 2 years, i bet you're already married.❞ ❝i called the engagement off. walang nangyaring kasal.❞ ❝gano'n? sayang naman. akala ko tinulungan ka niya?❞ ❝yes, funny right? tinulungan niya ako, kasi mahal niya ako.❞ ❝minahal din n...