46.

31 0 0
                                    

❝bakit biglang alis kayo?❞ malungkot na tanong ni kuya junho.

❝babalik agad kami, kuya. ayon ang sabi ni mommy.❞ sagot ko at hinawakan ang kamay ni hangyul.

❝hindi naman kami magtatagal, ilang days pa naman tayo dito, 'diba? malay niyo bukas nakabalik na kami.❞ saad ni hangyul. napabuntong hininga si midam.

sige na, mag-ingat kayo. bumalik kayo, ha?❞ sambit ni dam. nginitian ko naman siya.

sa kabilang banda, nakita kong nakatingin sa akin si yunseong. hindi naman na bago sa akin iyon pero bakit iba 'yong nararamdaman ko kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin?

bumalik sila sa pagdadaldalan, habang kami ni gyul, hinanda nalang iyong plane ticket. iilang damit lang ang dala namin na hindi lagpas ng lima.

nagpaalam kami sakanila atsaka na tuluyang umalis, napatingin ako kay hangyul na pinisil ang kamay ko.

❝bakit hindi nalang natin ipatuloy 'yong kasal?❞ biglang lumabas iyon sa bibig ko. dahilan para tumingin siya sa akin.

❝bakit mo naman naisip 'yan? hindi mo naman ako mahal.❞

❝bub, alam kong iniisip mong nasasabi ko lang 'to kasi gusto kong makalimot kay yunseong. iniisip mo din sigurong gagamitin lang kita para maka-move on.. pero-❞

❝ayos lang 'yon sa 'kin, walang kaso 'yon. okay na okay lang.❞

hindi kita deserve, hangyul...

ako padin 'yong inuna mo kahit pa ilang beses na kitang nasaktan, anong nagawa ko para maging akin ka? para makilala kita?

naalala ko 'yong mga salitang binitawan niya sa akin kagabi.

❝kahit pa ilang beses patunayan sa atin ng tadhana na hindi tayo para sa isa't-isa, sa 'yo parin ako.❞

❝pangako, kahit makuha na tayo ng ibang tao, sana pagmamay-ari parin kita kasi kahit kailan, sa 'yo lang ako.❞

❝sa 'yo lang ako, psyche.❞

bakit ka gan'yan, gyul?

❝sana ikaw nalang, 'noh?❞ mahinang saad ko.

❝pero hindi ako si yunseong.. kaya sana, ako nalang siya, 'noh?❞

❝sorry, gyul..❞

• 𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒆 | ℎ𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛𝑠𝑒𝑜𝑛𝑔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon