Chapter 1: EX

12 0 0
                                    

Chapter 1:
EX
Sabrina Pov

"Uy ano na?" Hindi napakaling sambit ni Myra habang pasulyap-sulyap sa bintana.

"Anong, Ano na?" Iritadong tungon ko sabay umirap sa kanya. Siya lang yung nakita kong ganyan, hindi napakali. "Tsaka pwede ba, Kumalma ka dyan sa iisang upuan? Kakahilo ka eh!" Sabi ko ulit sa kanya.

"Anong Kumalma? E, kanina pa wala si Jessie Tas sasabihin nong kumalma lang?! Are you out of your mind? Sabrina?!" Tignan mo toh napaka-OA magreak. Kitang may binili nga si Jessie sa may labas tas— masasapak ko toh, ah!

"Alam mo, Unnie? Babalik din yung babaeng yu—"

"Paano kapag hindi?! Edi ako malalagot?! Edi ako makukulong kung makidnap siya?! Edi ako yung magiging masamang tao sa mga magulang niya!? Omaygawd, Sabrina!" Putol niya sa sasabihin ko. Napailing-iling nalang ako, kaya siguro naging ate namin ton kasi over siya kung nakareak.

Nga pala, im Sabrina Montero ang pinaka-bata sa squad namin, tatlo lang kami sa Squad at ang pinakamatanda at ang pinakaleader namin at si Myra na ngayon ay kausap ko. Her name was Myra Lopez, Kapatid ni Jeydon charing! Kapatid ni Coby Lopez ang super duper crush na crush ni Jessie. Ako? Sino crush ko? Haha! Umasa man kayo, pero wala akong crush! I promise. Cross my heart.

"Oa mo talaga Unnie!" Natatawa kong tungon pero tumaas lang yung kilay niya, minsan talaga hindi ko maintindihan tong si Myra eh, minsan nakangiti minsan naman ay nakasimangot pero minsan talaga Tatanga-tanga din toh eh. "Oh nandyan na pala si Jessie eh!" Sabi ko nung pumasok si Jessie sa Dorm namin habang hawak-hawak ang tatlong eco bag.

"Oy! Myra, eto na tung pinapabili mo sa akin! Pasalamat ka, mabait akong tao kundi kanina ko pa to itinapon sa baha!" Masungit na sambit ni Jessie. Ito nga pala si Jessie, Jessie Santos ang pangalawa sa unnie ko. As expected ay parehas din silang masungit pero di super ah? Medyo lang, pero hindi Tatanga-tanga si unnie jessie! Araso? Si unnie myra lang yun. "Nga pala, Sabrina! Nakita ko kanina si Kevin sa Pure Gold! Hinahanap ka." Dugtong pa nito.

Si kevin? Hinahanap ako? Gosh! "Bakit daw?" Nacucurious na ako eh bakit ba? "Ewan ko dun sa kevin na yun." Tanging sagot lang sa akin ni Jessie.

Bakit kaya? Hmmm...

"Tulala~ kasalanan ba~" napatingin ako sa kasama namin ngayon, bakit nandito tong si Coby— dorm nga pala nila tong mag-kapatid. -_-* "uy! Muhkang may iniisip si mareng sab ah? Anong ganap?" Umupo siya sa may tabi ko at inakbayan akonpero agad ko din tong inalis sabay batok ng malakas sa kanya. "Ouch"

"Yung kaibigan mo kasi, Hinahanap daw ako sabi ni Jessie!" Sabi ko sa kanya without looking at him, kakairita kasi yung muhka niyang tae. "Anong ba nagyayaru kay Kevin?" Tanong ko.

"Manhid." Bulong niya sa sarili niya pero narinig ko din naman. "Alam mo, sab, kung ako sayo? Sisimulan ko na ang pagiimbestiga!" Huh? Imbestiga? Bakit ko naman gagawain yun? Anong ganap? "Kasi baka pagdating ng araw, makuha siya ng iba sayo." Wow! Ngayon ko lang siya nakitang sumeryoso ah?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tungon pero umiling lang siya sabay ngiti na kita yung ngipin niyang may brace. Nagtitiktok ata to eh? Haha! "Tsaka anong pagiimbestiga ang pinagsasabi mo?"

"Wala!" Tinapik-tapik niya yung likod ko. "Basta goodluck nalang sa pagiimbestiga mo ah? Sana malaman mo na yung totoo." Tsaka siya umalis patungo sa kusina kung nasaan ang dalawa kong unnie.

Anong imbestiga? Grr!

Habang nakatulala ako, bigla naman akong napatalon nung may nagvibrate sa may pwetan ko tas nung pagtingin ko, cellphone lang pala, may natawag, pero sino toh?

09726**** is calling...

Yes | No

Sino tong tumatawag sa akin? Wala naman nagyayari kung sasagutin ko diba? Pero baka nga budol-budol lang toh, pero baka nga hindi. Sagutin ko nalang.

"Hello? Sino po sila?" Tanong ko agad sa tumawag pero lumipas ang ilang minuto, hindi padin siya nasagot. "Hello? Wrong Number po ata kayo? Ts—" naputol yung sasabihin ko nang bigla nagsalita yung caller.

[Sabrina...] ay wow! Kilala niya ako ah, pero sino toh at bakit niya alam ang number ko?

"Sino po sila?" Tanong ko muli na ikinatahimik niya ulit. Aish! I hate this game ah! Di nakakatuwa! "If gusto mo ng laro, wag sa akin. Hindi mo ako maloloko sa mga patawag-tawag mo sa akin!"

[sabrina, it's me. Jacob.] whuuuuut?!

Parang tumigil ang mundo ko nung narinig ko ang pangalang Jacob. Shocks! Paano niya nalaman ang new number ko? Hindi ko naman sinasabi sa mga close friends niya yung new number ko ah? Pero paano?!

"Let's end this shit call." Inis na sambit ko habang yung kamao ko parang ilang saglit nalang ay susuntok na.

[No, wag muna sabrina! I want to tell you this pero pinangunahan ako ng takot at kaba.] sambit niya dahilan ng mapatigil ako at nanatiling seryoso.

"Say it! Ayoko ng pinapatagal." Inip na tungon ko.

[Mahal pa kita.] Wow! Matapos niya akong siraan, saktan tapos sasabihin niya lang na mahal niya pa ako?! Nababaliw ba siya?!

"That's all? Then, i have to go." Sabi ko at akmang ieend yung call pero nagsalita ulit siya.

[Ikaw, sabrina, mahal mo padin ba ako?] anong klaseng tanong yan? Nakakabobo kasi.

"Of course, NOT! Hindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga. Sinaktan mo na nga ako tas mahal padin kita? Yuck! So bye na, magkikita pa kani ni Kevin!" Sabi ko habang yung mga tangang luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng bumagsak.

[who's kevin?] tanong niya.

"Wala. Ka. Nang. Pake. Don." Then sabay end ng call, finish ang walang kwentang paguusap namin!

Ang kapal ng muhka niyang mapatawa ule eh noh?! Ang kapal... super kapal... haaayst...

Kelan ba ako makaka-kamit ng kapayapaan? Kelan?

SANA Where stories live. Discover now