Chapter 2 : New Friend

3 0 0
                                    

Chapter 2:
New Friend
Sabrina Pov

"Ang tatagal. Tsk. Tsk." Reklamo ko habang nakacross arm. Kanina pa kasi ako dito sa kusina habang nakain mag-isa, mamaya pang 6:30 ang pasukan namin pero mas pinili naming magising ng 5:00 am para hindi malate pero kanina pa akong 5:10 dito. Tas sila rinig na rinig padin yung hilik nilang Tatlo. Tsk!

Napatingin ako sa may kwarto nila Unnie at iniluwa nun ay si Myra na kakagising lang, dala-dala pa nito ang unan niya at parang inaantok padin. "Ang aga mo naman magising, Sab!" Reklamo niya at dumiretso sa sofa at doon humiga.

"Syempre para hindi— AHHH!!!" Hindi ko maiwasang mapatili ng may maramdaman akong may pumulupot sa bewang ko. Nakatayo kasi ako dito sa may Tapat ng pinto ng kwarto ni Coby.

"Morning, Babe." Malanding tungon ni Coby habang nakapulupot sa bewang ko na ako naman tong tinatanggal yung kamay niya. Nakaka-irita! Ah!

"Ang landi mo talaga, Coby! Ahhh!" Sigaw ko muli pero tumawa lang siya at tumakbo patungo sa CR habang natawa. "Lumabas ka lang dyan sa cr, Kupal ka!" Sigaw ko pa dahilan ng makaramdam ako malakas na batok.

"Ang ingay mo! Tsaka bakit ganon kayo ni Coby?! HA?!" Naiinis niyang tungon habang ang sama ng tingin sa akin.

Tignan mo tong mga toh. Umagang-umaga, ang sasama agad ng timpla ng muhka, parang mga ewan eh. -_-* paghahabulusin ko sila dyan eh.

***

"Anong section kayo mga beks?" Tanong ni Myra habang nakatingin sa papel na nakadikit sa May schedule board. "OMG!" Napatingin kaming dalawa ni Jessie kay myra na ngayon ay nagtatalon-talon na.

"Bakit?" Ako/Jessie.

"CLASSMATE TAYONG TATLO!!!" Sigaw ulit nito dahilan ng magtatalon kaming tatlo. Omg! Wahh! Unbelievable~ oha!

"Ang iingay niyo! Tsk." Reklamo sa amin ni Coby na hanggang ngayon ay busy padin sa paghahanap ng pangalan niya. "Section C ako samantala kayo, Section A?! Ang duga naman!" Nagkatinginan kaming tatlo sabay apir.

Well, sorry coby! Haha. Napatigil ako sa pagtawa nang may makita akong babae na tahimik, dinadaanan lang at binangga pa. Para siyang pulubi pero ang ayos naman niyang manamit tas ang ganda pa ng muhka niya na tinatakpan niya. Teka, transfer ba siya dito? Gurang na kasi kaning Tat— i mean apat dito nila Coby, Jessie, Myra at ako pero bakit parang ganito nila itrato ang isang babaeng to?Parang may sariling kaluwawa yung mga paa ko dahil pumunta ako sa direksyon niya.

"Ahm, Ate?" Napatingin naman ito sa akin ng walang emosyon. "T-transfer ka po ba?" Bakit ako nautal nung tinanong ko yung Salitang Transfer?

Tumango naman siya bilang sagot. I knew it! Transfer nga siya! Omfg! "Pwede makipag-kaibigan?" Sumilay sa labi niya yung mga ngiting kanina ko pa hinahanap.

"Ako nga pala si Alexa. Alexa Mondragon." Pagpapakilala niya sa akin, wow! Ang ganda ng apilyedo niya, kadenang gitno ang peg! Haha.

"Sabrina. Sabrina Montero." Ngumiti naman ako pabalik. Hinila ko siya patungo kina Jessie. "BEKS!" Sigaw ko mula sa malayo.

"Yow! Teka, sino siya?" Tanong ni Coby habang nakaturo kay Alexa. "New friend natin?" Tumango ako.

"Siya nga pala si Alexa Mondragon. Alexa, ito nga pala sila Jessie, Myra at ang kapatid ni Myra na si Coby. Wag kang lalapit masyado kay Coby ah? Pakboi yan." Ako.

"Pakyu!" Coby sabay pinakyuhan ako. Pinakyuhan ko din siya pabalik.

Pffffft.

Napatingin ako kay alexa na kanina ay walang emosyon ang kanyang muhka ay ngayon ay tumatawa ba siya. Welcome sa Colosis Squad! Alexa Mondragon!

SANA Where stories live. Discover now