"Hay, life...is like a knife...." Napapailing na sambit ni Loise habang nakahilig siya sa bintana ng sasakyan.
Malalim ang iniisip niya habang nakasakay siya sa bus papuntang Batangas. Isa siyang Events Coordinator at nagmamay-ari ng Dernadez Events Services. Lahat ng events ay pinapatos niya mula sa kasal, debut, binyag, birthday parties, reunion of all kinds, JS Prom, Graduation Ball, at maging mga beauty contests pang lalaki, babae o bading, at kung anu-anong fiesta events. Service ang main course ng business niya kaya bilang proprietor ay hands-on talaga siya sa pag-aasikaso ng mga events na tinatrabaho nila kahit na may mga tauhan naman siyang exemplary ang trabaho.
Ordinary bus ang nasakyan niya at nagpapatunog ng nang-aasar na kanta ang driver. Nakakaasar dahil tinatamaan siya. Kabe-break lang kasi nila ng boyfriend niya.
Bukas na lang kita mamahalin. Sabay sa paglaya ng ating mga pusoooo!!! At sinabayan pa talaga ng sintunadong binatang katabi niya ang kanta. Lalo siyang nainis kaya nilingon niya ito. Naka-shorts lang ito, simpleng tsinelas, at 'flowery' na polo. Nakasuot din ito ng shades at may suot na fisherman's hat. Walang duda na papunta rin itong beach o resort. Pero wala na siyang pake do'n. Mas gusto niyang sakalin ito dahil ayaw talaga nitong magpaawat sa pagkanta.
Binalingan na lang niya uli ang bintana bago pa niya maisakatuparan ang bayolenteng bagay na naiisip niya para sa inosenteng katabi na nage-exercise lang naman ng "freedom of singing" na para sa kanya ay nakakadagdag lang sa noise pollution.
Nag-beep ang message alert tone ng cellphone niya at binasa niya ang message galing kay Lem.
Nasa terminal ako ngayon, I saw her. She rode the bus. Uuwi na siya sa Caliraya for sure and that means the end... Loise, hindi ko pa nasasabing mahal ko siya.
Aray ko naman! Sa totoo lang, naaawa na siya sa ex-boyfriend niyang ito. She promised to be his friend kaya sa kanya rin ito nagsusumbong pag may problema ito kay Aya...tulad ngayon. Pero naaawa rin siya sa sarili niya. Bakit pa nga ba niya sinabing good friends pa rin sila ni Lem gayong nasasaktan siya tuwing ang napapag-usapan nilang dalawa ay si Aya?
Hindi siya nag-reply sa text message na iyon at pinagpatuloy na lang ang pagtulala sa bintana. Nagulat na lang siya nang bumirit na naman ang sintonadong katabi niya.
Kung kaya kong iwanan ka, di na sana aasa paaaa. Kung kaya ko umiwas na di na sana lalapit paaaaa... kung kaya ko saaa-naaa...!
Naiinis na talaga siya. Kung puwede nga lang na ibato dito ang backpack na dala niya. Mukha kasing walang pakialam ang binatang ito kung may magtarak man dito ng balisong dahil sa pag-iingay nito. At talaga namang tinatamaan na siya sa mga kantang ibinibirit nito. Nilingon ulit niya ito.
Feel na feel nito ang sintonadong pagkanta. May pa-sway-sway pa ito sa beat ng kanta na waring damang-dama iyon kahit na masakit sa tenga ang birit nito. Natawa na lang siya. Ang mga tao nga naman sa mundo, sari-sari ang trip sa buhay.
Ibinalik na lang niya ang atensyon sa bintana at nagsimulang magbilang ng posteng dinaraanan ng bus. Napabuntong-hininga pa siya at nagbalik sa malalim na pag-iisip. "Haay, life...is like a knife talaga!"
Biglang nagpreno ang bus. Hindi agad siya nakakapit kaya na-out balance siya. Napapikit siya dahil alam niyang tatama ang noo niya sa bakal na support ng nasa unahang upuan. Nagulat na lang siya nang mainit na kamay ang kinahantungan ng mukha niya at hindi bakal.
Ang bango!!!! Parang kamay ng artista! Dahan-dahan niyang iminulat ang mata habang inaayos ang pagkakaupo. Sinalubong siya ng nakangiting katabi. Isa lang ang naging conclusion niya- "Papable" at gentleman ang sintunadong lalaking nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)
RomansaLoise was a broken-hearted events coordinator. Maganda ang career niya pero hindi ang love life. Her ex-boyfriend married her friend at siya pa ang wedding coordinator. Choco, on the other hand, was a broken hearted school principal. Never had a gi...