White at gold ang motif ng kasal nina Lem at Aya, at Carvin at Thea. Pero sa dalawang kulay, mas dominated ang white at ang gold ay parang accessory lamang. Loise was wearing white-tube gown na may gold beads designs. Abay din siya sa magaganap na kasal. At kamalas-malasan ay ka-partner pa niya si Choco sa entourage.
"Pretty woman, walking down the "aisle," pretty woman..." Kinakantahan pa siya nito na ewan niya ba kung pinupuri siya o inaasar lang. Wala kasi sa tono e.
Binalingan niya ito. "Puwede ba, Mr. Sandoval 'wag kang kumanta okay. Ang laki ng hirap ko sa kasalan na ito. Baka umulan pa at masayang ang trabaho ko! Magaling sana kung kasinggaling mong kumanta si Florenz kaso hindi eh. Alam mo iyon." Si Florenz ang wedding singer ng kasal.
"Sungit!" hirit ni Choco.
"Tse!" sabi niya sabay irap dito.
Nang sila na ang maglalakad sa aisle bigla nitong hinawakan ang kamay niya at masuyong ipinulupot sa braso nito. Bakit mo ako hinawakan?! Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na siya nakapalag pa, natigilan na lang siya.
Naniningkit ang matang binalingan niya ito.
Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya. Bakit? Bakit ako nagkakaganito?
"Ngumiti ka nga. Sige ka, magiging pangit ka sa picture," bulong nito. Matapos ay ibinaling na nito sa altar ang mga mata.
Napabuntong-hininga siya bago ngumiti at nagpa-cute sa photographer habang naglalakad sila.
Hanggang sa reception ay kinukulit siya nito. Kung anu-anong out of this world ang pinagtatanong nito sa kanya. At ang hindi niya mawari ay kung bakit hindi na naalis sa sistema niya ang consistent na pagkabog ng kanyang puso habang nasa paligid lang si Choco.
"Loise, musta na ang singaw mo? Masakit pa ba?" usisa nito.
"Hindi na," pilit na tugon niya. Binaling niya buong atensyon sa kinakain. Magkasama rin sila sa iisang mesa.
"May problema ka ba? Bakit ang sungit mo? May monthly period ka ano."
Pinandilatan niya ito. "Alam mo, nakakaimbey kang kulafu ka! Dumisapir ka na nga!"
Kuntodo ang pagkakunot ng noo nito. "Ha? Ano iyon? Kulafu? Pagkain ba iyon?"
Di niya alam kung matatawa ba o lalong maiimbyerna. Sasabat pa sana siya nang hilahin ito ni Florenz.
"Pare, dahil single ka obligado kang sumalo ng wedding band." Sa isang iglap ay naglaho na ito at naiwan siya kasama ni Hyde. Saka lang nakalma ang puso niyang kanina pang bumibilis ang tibok.
"Nakakatuwa naman, close na kayo ni Choco," komento ni Hyde sa kanya.
"Nakakatuwa? Ako, hindi ako natutuwa. Naaasar ako," matabang na sagot niya.
Tinawanan lang siya nito. "You know what? Bagay kayo. Ang cute n'yong tingnan."
"Utang na loob, Heidelyn tigilan mo ako." Inismiran pa niya ito.
Umugong ang ingay. May nakasalo na ata ng garter pero wala na siyang pakialam do'n. Tinawag naman ng emcee ang mga single na babae para naman sumalo ng wedding bouquet ng bride.
"Woi, madaya ka Maria Luisa. Single ka rin kaya. Tumayo ka nga dyan at pumunta ka na ro'n." Itinuro pa ni Hyde ang umpukan ng mga babae malapit sa makeshift stage.
BINABASA MO ANG
Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)
RomanceLoise was a broken-hearted events coordinator. Maganda ang career niya pero hindi ang love life. Her ex-boyfriend married her friend at siya pa ang wedding coordinator. Choco, on the other hand, was a broken hearted school principal. Never had a gi...