Chapter Seven

265 12 1
                                    


Nakahiga si Loise sa sofa sa loob ng opisina niya. Habang may kausap siyang kliyente kani-kanina lang ay biglang siyang nahilo. Alam niyang dahil iyon sa kakulangan niya ng sapat na tulog at pahinga dahil na rin sa napakaraming events na inaasikaso niya. Halos nakakalimutan na nga rin niya ang kumain. Nasagad na siguro ang kakayanan ng katawan niya kaya bumigay na rin iyon. Mabuti na lang at kasama niya ang ilan sa staff niya nang mga oras na iyon. Agad nilang tinawagan si Hiro para matingnan siya.

"Loise, eto twice a day for seven days." Iniabot ni Hiro ang gamot sa kanya. "At eto naman, vitamins pala rakas body resistance and immune system mo." Iniabot rin nito iyon sa kanya. "Ikaw kasi, tlabaho na tlabaho. Di mo inaingatan saliri mo."

"Iniingatan hindi inaingatan! Oo na, 'wag mo ako sermunan okay. Maawa ka naman, nahihilo pa ako."

"Hay... ako di na pahinga. Ragi na rang may sakit sa pamirya ko. Noong isang alaw, si Hyde ko, tapos sunod Setty, tapos, ngayon ikaw naman sakit," litanya ni Hiro habang inililigpit ang ilan sa gamit pang-doctor na ginamit nito para ma-check up siya.

"Sorry naman, tao lang naman kami. Nagkakasakit din."

May kumatok sa pinto at bumungad sa kanila ang si Russel. "Ma'am, andito po si Sir Choco."

Nang marinig ang pangalan ng nag-iisang buhay na tsokolate sa buhay niya, ay agad siyang nakadama ng kilig. Nag-init pa ang kanyang pisngi nang maalala ang ilang beses na paghalik nito sa kanya nito lamang nakaraan.

Oh, my Choco!

Hindi pa siya nakakatugon ay basta na lang pumasok sa opisina niya si Choco. Agad siyang nilapitan nito at hinawakan ang kanyang kamay.

"What happened to you? Namumutla ka!" bungad nito.

"Ha? ...Eh..."

"Tigas uro niya eh," sabat ni Hiro. "Pagsabihan mo nga iyan. Tlabaho ng tlabaho! Ikaw na bahara dyan, Choco. Aaris na ako." Binalingan ulit siya nito. Sa mukha palang ni Hiro, alam niyang asar na ito sa katigasan ng ulo niya. "Uwi ka na."

"Yow, geh after business hour," tugon niya.

Pinadilatan siya nito. "Loise!" Kapag talaga pagiging doctor na ang pinag-uusapan ay nagseseryoso ng husto si Hiro.

Nag-peace sign siya bago makalabas ng silid ito. "World Peace!"

Napapailing na bumaling ito kay Choco na tahimik lang na nakamasid sa kanya. "Take her home, bro. I owe it to you." At saka nga ito nag-bow at lumabas ng silid. Naiwan sila ni Choco doon.

Mataman na nakatitig lang ito sa kanya.

"Nararamdaman kong may reklamo ka na naman, Choco. Ano iyon? Siguraduhin mo lang na hindi ko iyon ikakamatay ganitong masama ang pakiramdam ko."

Hindi na naman gaanong masama ang pakiramdam niya. Ang lagay ay hindi niya makalma ang puso niya ngayong nakasanayan na niya ang paghawak-hawak nito sa kamay niya. Wala na siyang violent reaction. Pero lalo lang tumitindi ang pagwawala ng puso niya.

"Why are you working that hard? Sa tingin ko naman magagaling ang mga tauhan mo dito," tanong nito. Nakita niyang bumakas sa expressive nitong mga mata ang lubos na pag-aalala.

"Hmmm, I don't know. Dahil siguro mahal ko ang trabaho ko. Bakit ka naligaw dito?" Hindi na siya nahihilo kaya sinubukan niyang bumangon at umupo ng maayos sa sofa. Inalalayan siya nito at tumabi na rin ito sa kanan niya. Binitawan na nito ang kanyang kamay.

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon