Isang matalim na irap ang ibinigay nya kay Harry nang matapos patuluyin sa sala ay humingi ito ng maiinom.
“Dalawang oras na akong naghihintay sa yo, Pippa, maawa ka naman. Kung gusto mo samahan mo na rin ng meryenda.”
“Eh sino bang maysabi sa iyo na pumunta ka rito? At saka paano mo ako natunton?” tanong nya nang maiabot ang tubig.
“Madali ka lang hanapin, kay Mrs. Torres namin nalaman na may tiyahin ka rito sa Mamburao.”
“Anong kailangan mo?”
“Parang ang suplada mo naman, di mo man lang ba ako kakamustahin? Para naman tayong walang pinagsamahan nyan eh.” tila nagdaramdam na wika nito.
“Kilala kita, Harry. Di ka pumunta rito para kamustahin lang ako.” aniyang di pinansin ang sinabi nito.
Tumikhim ito. “My guilt is killing me. My offer still stands, Pippa. Tutulungan kita sa anumang paraan na gusto mo. Pati ang pamilya mo...”
“Tumahimik lang ako...” pagtatapos nya. “May isa pa akong problema, Harry.”
“Nakikiusap ako, Pippa.” anitong tila hindi narinig ang huling sinabi nya.
“Buntis ako, Harry.” Mahinang wika nya.
“Para naman sana sa ikatatahimik ng lahat—wait, anong sabi mo? Buntis ka?” tila noon pa lang rumehistro kay Harry ang sinasabi nya. Tumayo ito ngunit muli ring naupo sa tabi nya.
Tumango sya. Halo halo ang emosyon sa mukha ni Harry at natawa sya.
“Ang sabi ko lang buntis ako, hindi pa ako manganganak.” tudyo nya.
“Let’s get married.” seryosong nito.
Isang malakas na sampal ang ibinigay nya rito.
“Para saan iyon?” hiyaw nito hawak ang pisging nasaktan.
“Ginigising kita. Nananaginip ka kasi. Titigan mo nga ako, gusto mo ba akong pakasalan?’
“Yes.” mabilis na wika nito. “Hindi ba iyon naman din ang gusto mo.”
May bahagya syang lungkot na naramdaman sa huling tinuran nito. Yun ang gusto nya. Tinitigan nya ang gwapong mukha ng binata. Kahit saang anggulo nya tingnan, hindi sya lugi kung pakakasalan nito. Kalabisan na nga marahil kung hingin nyang pagmamahal ang maging dahilan nito para pakasalan sya. Tumayo sya at lumapit sa bintana.
“Gabi na, baka dapat umalis ka na.”
“Pippa, hindi mo pa ako sinasagot.”
Nilinga nya ito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang dalawang kamay nya.
“Anong sagot mo, Pippa?”
“Nang umalis ako sa isla, hindi ko na inisip na pakasalan mo ako. Gusto ko na lang sanang manahimik. Kumbaga, pinakawalan na kita sa lahat ng responsibilidad mo sa namagitan sa atin.” binawi nya ang mga kamay. “At ngayon nandito ka, nag aalok ng kasal…dahil ika mo iyon ang gusto ko. Ang gusto ko lang ay kapanatagan ng loob, Harry. At may palagay akong hindi iyon ang idudulot kung magpapakasal tayo. Naguguilty ka lang. At inaalis ko sa iyo ngayon ang guilt na nararamdaman mo, wala kang kailangang panagutan.” Muli syang naupo sa pang isahang upuan. “Kakalimutan kong inalok mo ako ngayon ng kasal. Mabuti pa sigurong umuwi ka na.” mahabang pahayag nya.
“Pwede bang dito ako matulog?” tanong nito makaraan ang ilang sandaling katahimikan.
“Naku, hindi papayag ang tiyang. May malapit na resort dito.” aniya
“Pwede ko bang makausap ang tiyang mo?” tanong ni Harry.
“Kung ipipilit mong dito matulog, hindi papayag iyon.”
“Hindi iyon...”
“Anong kailangan mo?” ang tiyahin nya na biglang sumulpot. Duda nya ay kanina pa ito nakikinig.
“Gusto ko ho sana kayong makausap tungkol sa sitwasyon ni Pippa.” ani Harry.
“Lumabas ka muna, Pippa.” taboy ng tiyahin sa kanya.
Naupo sya sa may hagdanan at pilit idinikit ang tenga sa dingding. Nang walang marinig ay ipinikit na lamang nya ang mga mata habang nakasandal.
“Kung hindi mo mahal ang pamangkin ko, bakit mo sya inaalok ng kasal?” seryoso ang mukha ng matandang tiyahin ni Pippa.
“Malinis ho ang intensyon ko sa pamangkin ninyo. Hindi ko ho sya planong lokohin. I think I like her.”
“Bakit hindi mo muna siguraduhin saka mo sya alukin ng kasal. Hindi porke buntis sya e kasal agad ang kailangan. At baka nga nakokonsensya ka lang.”
Napayuko si Harry. Nalilito. May bahagi ng isip nya ang nagsasabing nakokonsensya lamang sya kaya nya hinanap si Pippa, ngunit seeing her awhile ago, tila hindi iyon ang nararamdaman nya. It was more than that. At ang malamang nagdadalang tao ito, is simply too overwhelming for him.
“Si Pippa ang magdedesisyon. Gusto ko lang malaman ang intensyon mo sa pamangkin ko at kung anong klase kang tao.”
“Hindi ko ho pipilitin si Pippa kung tatanggi sya.”
Tumango ang matanda. “At bago mo ulit sya alukin, siguraduhin mo kung ano ang nararamdaman mo sa pamangkin ko.”
Hindi na sya hinintay sumagot ng matanda. Tumayo na ito.“Dito ka na maghapunan.” Anito bago sya tuluyang iniwanan.
Nang umalis ang matanda ay lumapit sya sa direksyong tinungo ni Pippa. Nakita nya itong nakaupo sa baytang ng hagdan. Nakasandal at nakapikit. Maingat na lumapit sya rito at tumalungko sa harap nito. Napakapayapa ng mukha nito. Dumako ang tingin nya sa tiyan nito. Wala pa halos umbok iyon. Napangiti sya at hinaplos ang mukha nito. Nagmulat ito at dumiretso ng upo nang makita sya.
“Kanina pa kayo tapos?” tanong nito
“Medyo lang. Dito na raw ako maghahapunan. Baka mamaya pwedeng dito na ako matulog.” kinindatan nya ito.
Gaya ng dati ay iniirapan lang sya nito.
“Namiss kita.” aniyang muling hinaplos ang mukha nito.
“Tigilan mo nga ako, Harry. Hangga rito nambobola ka.”
Hindi makatiis na dinampian nya ng halik ang labi nito. Agad syang hinampas nito sabay linga.
“Makita ka ng tiyang.”
“Wala naman eh.”
“Heh...halika na nga, sa sala ka muna, tutulong lang ako sa kusina.” inalalayan nya itong makatayo.
“O ang baby natin...dahan dahan.” aniya
Natigilang napatitig ito sa kanya. Nagkibit balikat sya at iginiya na ito sa loob.
Sa isang resort malapit sa kanila tumutuloy si Harry. Sa ikalawang araw nito ay nagyaya itong pumunta sa San Jose sa mga magulang nya.
“Bakit, pumayag na ba ako at mukhang mamamanhikan ka na?” biro nya habang pasakay sa sasakyan nito at ngumunguya ng mais.
“Masama bang makilala ko ang mga magulang mo?”
“Di naman. Teka, di ba may girlfriend ka, si Meg? Magagalit iyon pag pinakasalan mo ako.”
Natawa ito. “Matagal na kaming wala nun. Akala lang nya, kami pa rin. Kasalanan ko ba kung gwapo ako.” biro nito. Iniiwas nya ang mais nang tangkain nitong kunin. “ Damot, ako na lang paglihian mo para gwapo baby natin.”
Ngumiti lang sya at muling kumagat ng mais.
Nagulat ang mga magulang nang dumating sila ni Harry sa San Jose. Ang itay nya ay hindi umiimik kay Harry samantala ang inay nya ay maasikaso. Ang mga kapatid nya ay bahagyang naiilang kay Harry maliban sa kuya nya na lantaran ang disgusto.
“Mabait ho si Harry. Bigyan nyo sana ng chance.” aniya sa harap ng itay at kuya nya. Nasa likod bahay sila at si Harry ay nasa kusina kasama ng inay nya.
“Wag kang mag alala anak, hindi naman kami mga bastos. Darating din kami sa gusto mong mangyari.”
“Wag mong madaliin, Pippa.” anang kuya nya. “Buti nga di ko sya inupakan kanina.”
“Kuya, please.”
“Tapos ngayon magpapakasal pa kayo.”
“Hindi pa ako pumapayag, kuya.”
“Pero gusto mo sya. Nakikita naman namin, anak.” anang itay nya.
Bago pa sya makatanggi ay lumabas na ang inay nya at tinawag na sila para maghapunan. Ang hapunan ay tinolang manok. Matapos kumain ay kinausap ni Harry ang mga magulang nya upang pormal na ipaalam ang kagustuhan nitong pakasalan sya.
“Gusto kong maging tapat sa iyo, Harry. Hindi ako kumporme sa alok mo. Ayoko.” sumulyap ang itay nya nang tumikhim sya. “Pero na kay Pippa ang desisyon.”
“Hindi pa ho ako nagdedesisyon.” aniya
“At ayokong magpabigla bigla ang anak ko sapagkat para sa akin ay napaka sagrado ng kasal.”
“Naiintindihan ko po. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo ng pormal ang hangarin kong pakasalan si Pippa. At igagalang ko po kung anuman ang desisyon nya.”
Hindi sumagot ang itay nya.
“Eh bakit mo ba gustong pakasalan si Pippa?” tanong ng kuya nya.
“Dahil ba buntis sya? Alam kong kailangan nya ng ama sa anak nya. Pero kailangan nya rin ng asawa.” Dugtong ng kapatid.
Naubo si Harry. Inabutan nya ito ng tubig at pinandilatan ang kuya nya.
“Pipilitin ko hong gampanan pareho.”
“Wala ka bang nobya? At mahal mo ba ang anak ko?” ang kanyang inay
“Wala ho. Marami hong uri ng pagmamahal at hindi ho mahirap mahalin si Pippa.”
“Ang pamilya mo? Alam ba nila ang nais mong pakasalan si Pippa?” tanong ng kanyang itay.
“Hindi pa ho. Pero sinisigurado ko po sa inyo na nasa wastong edad na ako at kaya kong panindigan ang mga desisyon ko. Hindi ko ho pababayaan si Pippa. Kung hindi po tapat ang intensyon ko kay Pippa, hindi ako makakaharap sa inyo ngayon.”
Tumango ang itay nya samantala nanatiling tahimik ang kuya nya.
“Tama na nga iyan, magdessert muna tayo.” inabutan nya si Harry ng pinya na tinanggap naman nito.
“Bueno, na kay Pippa ang desisyon.” anang itay nya.
“Mag iisip pa ako...” aniya nang mapako ang atensyon sa kanya.
Kinabukasan ay bumalik din sila sa Mamburao. Nang maihatid sya sa bahay ng tiyahin ay nagpaalam na rin si Harry na babalik na sa hotel nito upang makapahinga.
“Hindi ka ba muna kakain?” tanong nya
“Busog pa ako sa mais.” anitong tinutukoy ang baon nilang mais. “Ang sakit ng katawan ko sa pagdrive, gusto ko lang matulog muna.”
“Sige ingat ka. Dito ka maghahapunan?”
“Mamimiss mo ba ako kung hindi?” dumukwang ito at halos magdikit na ang mukha nila.
Itinulak nya ito at binalingan ang pintuan ng sasakyan upang lumabas. Ngunit bago sya tuluyang lumabas ay hinila sya ni Harry at walang sabi sabing dinampian ng halik ang labi nya. Napapikit sya sa naramdamang sensasyon at nahihiyang tinugon ang halik nito. Umungol si Harry at lalo syang hinapit. Akmang gaganti sya ng yakap nang huminto si Harry at bahagya syang inilayo.
“You’re driving me mad, Pippa.” bulong nito at muling dinampian ng halik ang labi nya. Agad din itong kumalas at hinaplos ang pisngi nya. “Baka magtaka na ang tiyang mo, kanina pa tayo nakahinto rito...” tudyo nito.
Namumulang binalingan nya ang pintuan ng sasakyan. Bago tuluyang bumaba ay muling tinanong si Harry kung doon maghahapunan.
“Sa hotel na lang siguro. Pagod na pagod ako, ang layo ng San Jose.” reklamo nito.
Ngumiti sya at tumalikod na.
“Nakaalis na si Harry, nakangiti ka pa rin. Halatang halata na talaga kita.” ani Adela na hindi nya namalayang bumalik sa kusina. “Ang gwapo naman kasi ano.” kinikilig na dagdag nito.
“Hindi ako kinikilig.”
“Bakit ba ayaw mo pang pumayag magpakasal sa kanya? Kung ako ang alukin nun, okay na ako.”
“Hindi naman kami nagmamahalan…”
Sandaling nag isip si Adela.
“Hindi mo nga ba sya mahal? Saka parang like ka rin nya eh. At kung magpapakasal ka kay Harry, may tatay ang anak mo. Gwapo, mayaman at matalino.” tila genius na pahayag nito.
“Mag iisip nga ako.”
“Basta ako, praktikal lang di ba. Saka sya naman nag aalok ng kasal. Hindi mo pinipilit, nagpapakipot ka pa nga eh…” sinundan nito ng malutong na tawa ang sinabi.
“Hindi naman ako mukhang pera.”
“Neng hindi lahat ng praktikal eh mukhang pera. Saka pag kasal na kayo, akitin mo ng husto, siguraduhin mong mahuhumaling sya sa alindog mo.”
“Adela, ano ba iyang tinuturo mo sa pamangkin ko?” ang tiyahin nya nang maupo na sila sa hapag upang maghapunan. “Hanggang dito eh naririnig ko ang boses mo.”
Inulit ni Adela ang pinagsasabi at binalingan sya ng tiyahin nya. “May punto naman pala.”
“At saka, kitang kita ko tiyang, gusto nya si Harry!” ani Adela.
“Sorry, di ko sya bet.” aniyang nakangiti.
“Imposible.” ani Adela na ikinangiti ng tiyahin. “Pupusta ako dyan...gusto mo sya. As in love!”
“Isama mo ako sa pusta mo.” anang tiya Emeng nya.
Nangingiting itinirik nya ang mga mata at hindi na nagreact. Mahirap ng kainin nya ang mga sasabihin nya.
Kinabukasan ay hindi rin dumaan si Harry. Tumawag lang ito at nagpasabing masama ang pakiramdam. Bagaman nakaramdam ng lungkot ay pinigil nya ang sariling puntahan si Harry sa resort na tinutuluyan nito. Nang sumunod na araw at nanatiling hindi nagpapakita si Harry ay hindi na nya natiis na puntahan ito.
Itinuro sya ng front desk receptionist sa pinaka dulong cottage. Akmang kakatukin nya ang pintuan ng cottage nang matawag ang atensyon nya ng tawanan sa tabing dagat. Nilingon nya ang pinanggagalingan at bahagyang kumunot ang noo. Kahit may kalayuan ay kilala nya ang bulto ni Harry ngunit hindi ito nag iisa. Ang kasama nito ay hindi nya sigurado kung pilipina o foreigner sapagkat maputi ang balat at mapula ang buhok. Humakbang sya patungo sa direksyon ng mga ito na hindi pansin ang presensya nya. Dalawang dipa na lang sya sa mga ito nang lumingon sa kanya ang kasama ni Harry.
“What is it?” tanong nito. Natitiyak nyang foreigner ang babae at napakaganda nito.
“Kaya pala hindi ka dumadaan sa bahay, enjoy na enjoy ka rito.” aniya kay Harry
“Hi, Pippa, this is Emma.” pakilala ni Harry. Tinanguan lang nya ang babae na hindi rin nag abalang ngumiti.
“Who is she, Harry?” tanong nito.
Gusto nyang sabihin na sya ang mapapangasawa ni Harry ngunit nakaramdam ng matinding insekyuridad. Ang babaeng kasama ni Harry ay litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na itim na two piece. Maliit ang mukha nito, berde ang mga mata, matangos ang ilong at maluwang ang bibig na tila yaong sa mga modelo. Litaw na litaw ang pagkamestisa nito, ang buhok nito ay namumula sa sikat ng araw at nanliliit ang pakiramdam nya. Hindi pa kaya nagbago ang isip ni Harry sa alok nitong pakasalan sya? Sa ganda ng kasama nito parang ang kapal naman ng mukha nya upang sabihin kay Harry na pag iisipan pa nya ang alok nito.
“Nobody.” aniya at tumalikod na. Hindi pinansin ang pagtawag ni Harry.
“Sa inyo ako maghahapunan.” habol ni Harry.
Nakakailang hakbang na sya nang makaagapay si Harry.
“Nagseselos ka ba?” tanong nitong may ngiting naglalaro sa mga labi
“O eh ano ngayon...” wala sa loob na sagot nya habang patuloy sa malalaking hakbang. “Balikan mo yung kasama mo, baka magalit.”
“Nagseselos ka nga!” tila tuwang tuwang wika ni Harry.
Huminto sya at hinarap si Harry. Ngunit bago pa sya makapagsalita ay hinawakan na nito ang mukha nya at mariin syang hinalikan.
“Bawal magdeny.” anito at hindi na sya nakaimik. At ang puso nyang hangal tinatambol tambol.
BINABASA MO ANG
Love And Lies (Harry And Pippa)
RomanceAng maid na si Pippa ay nagising na walang saplot sa katawan sa piling ng binatang amo. Ang puri nyang iniingatan ay hiniling na panagutan nito at nang tumanggi itong pakasalan sya, nagbanta syang magdedemanda. Upang "makapagisip" daw sya, kinidna...