Chapter Nine

2.3K 55 2
                                    

Wala agad nakapagsalita sa mag asawa ng dalhin sya ni Harry sa mansyon at ipaalam sa mga ito ang pagdadalang tao nya.
“Nagmamahalan ba kayo?  Bakit hindi na lang natin sustentuhan ang bata, why marry her? Paano si Meg?” ang donya nang matagpuan ang boses.
“Please, Hilda.” Saway ng asawa nito.  Napayuko sya kasabay ng pagpisil ni Harry sa kamay nya.
“Matagal na kaming hiwalay ni Meg, mama.  At ayaw kong lumaking bastardo ang anak ko.” Ani Harry.  Muli natahimik ang mag asawa.
“Hindi pwedeng ganyan ang itsura mo, pipintasan ka ng mga kakilala namin.” anang donya pagkalipas ng sandaling katahimikan.  Hinagod sya ng mapanuring tingin nito. “Magbihis ka at pupunta tayo sa salon.”
Nagkibit balikat si Harry at tinanguan sya.  Walang magawang nagpatianod sya.
Hindi lang sya sa salon dinala ng donya.  Ipinamili rin sya nito ng mga damit at sapatos sa kabila ng pagtutol nya.
“Anong sasabihin ng mga kakilala namin kung makikita ka sa mga damit mong iyan.  Walang wala iyan sa mga sinusuot ni Meg.” anito nang tumanggi sya sa isang evening gown na pinapasukat nito.  Marami ng bitbit ang driver na si Mang Gusti ngunit tuloy pa rin sa pamimili ang donya.  At hindi sya sanay sapagkat pawang mamahalin ang kinukuha nito.  Pati mga pambahay at pangtulog na binili nito ay hindi basta basta.  Ang mga underwears nya ay pinakialaman din nito.
“Tama na po siguro ito.” tutol nya nang muling pumasok ang donya sa isang boutique.
Tinitigan sya nito na tila may nais sabihin ngunit hindi nagsalita.  Tumango ito at nagyayang kumain.
“Bukas may darating kang coach.  Tuturuan ka kung paano magsasalita at kikilos ng maayos.” anito bago sila tuluyang pumasok sa mansyon.
Walang imik na tumango sya.  Ani Harry ay mas madali nyang makakasundo ang ina nito kung hindi sya makikipagtalo.
Ang inookupa nyang silid ay ang kay Harry at ito naman ay sa katabing guestroom na pinagawaan nito ng daan patungo sa dating silid nito.  Nang makapanhik sa silid ay excited na humarap sya sa salamin.  Parang gumanda ako, bulalas nya.  Ang buhok nyang lampas balikat ay tila kay lambot at sunod sa uso ang gupit na may side bangs.  Ang kilay nya ay inayos upang lumutang ang kabuuan ng mukha nya at tinuruan din syang mag apply ng tamang make up.  Bukod sa facial treatment ay pinascrub din ng donya ang buong katawan nya at pakiramdam nya ay kumikislap ang kutis nya.
Nang masatisfied sa itsura ay binalingan nya ang mga pinamiling damit at sapatos.  Excited na sinukat nya ang iba.  Ang gusto pa ng donya ay bumili na rin sila ng maternity dresses na tinutulan nya.  Katwiran nya ay masyado pang maliit ang tiyan nya.  Nang mapagod sa kasusukat ay nahiga sya at hinagod ang tiyan.  Sa makalawa ay nakaschedule silang magpacheck up ni Harry sa doktor.
Nagising sya nang katukin ni Nana Ebeng at sabihing maghahapunan na in thirty minutes.  Mabilis syang nagshower at isinuot ang bagong biling printed maxi dress.  Tinernuhan nya iyon ng flat sandals.
“Is that you, Pippa?” si Harry na kasalukuyang inilalapag ang hooded jacket nito.  Agad sya nitong sinalubong sa pagbaba sa hagdanan.
“Mukha na akong mamahalin?” biro nya.
“You’re beautiful.” ani Harry.  Muling hinagod nito ng tingin ang kabuuan nya.  Hinapit sya nito at akmang hahalikan nang isang tikhim ang nagpalingon sa kanila.  Hindi binitawan ni Harry ang beywang nya nang lingunin si Patrick.
“Well, well.. anong meron?” tanong nito.  Hinagod sya ng tingin at malisyosong ngumiti.  Galing ito sa Subic dahil sa isang kliyente at ngayon lang ito nakabalik.  Nagkibit balikat si Harry at mabilis na ikwinento ang nakatakda nilang kasal at ang pagdadalang tao nya. Tumawa si Patrick.  “Napabuti ka naman pala, Pippa.  At mas maganda ka ngayon ha.” anito.  Hindi nya tiyak kung may malisya sa sinabi nito.
“Yeah, my soon to be wife, Patrick.” ani Harry.  May warning sa tono nito na hindi pinansin ni Patrick na nagpaalam na aakyat na ng silid.
Tahimik silang naghahapunan nang dumating si Meg na may dalang cake.  Matalim syang tiningnan nito nang ilapag ang cake sa mesa.
“So it’s true, magpapakasal na kayo?  Ano bang pinakain mo kay Harry?” baling nito sa kanya.
“Meg, kung manggugulo ka rito ay mas magandang umalis ka na lang.” ani Harry.
“Masama bang magtanong.” maktol nito na tumayo.  “Or mas tama sigurong sabihin na anong gayuma ang ginamit mo kay Harry?” wika nito bago tuluyang umalis.
“Don’t mind Meg, Pippa.  Masama lang ang loob non.” ani Sir Fidel.
Hindi na sya nakasagot nang maupo si Patrick sa tapat nya.  Nginitian sya nito bago naglagay ng pagkain sa plato.  Gustuhin man nyang gumanti ng ngiti ay hindi nya magawa.  May malisya syang nararamdaman sa tuwing tinitingnan at nginingitian sya ni Patrick. 
Nang hindi makatulog ay bumangon sya at binuksan ang pintuang nag uugnay sa silid nila ni Harry.
“Harry?” tawag nya sa nakahigang bulto nito.
Umungol lang ito.
“Tulog ka na ba?” tanong nya
“Not yet...come here, Pippa.” lumapit sya at tumayo sa may paanan nito.  “Anong kailangan mo?”
“Hindi kasi ako mapakali...” hindi nya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
“Can’t sleep?  Gusto mo rito sa tabi ko?” tudyo nito.  Naupo ito at sumandal sa headboard  Wala itong pang itaas at kumot lang ang nakatakip sa kandungan nito.  “May brief ako...” anito nang tila mahulaan kung ano ang naglulumikot sa imahinasyon nya.
Natawa sya at paluhod na naupo sa paanan ng kama nito.  “Wag na lang kaya nating ituloy ang kasal.  Pumapayag naman akong suportahan mo ang bata.”
Hindi nagsalita si Harry.
“Para kasing sa halip na matahimik e lalong nagiging magulo...”
“This is what you want noong una pa lamang…”
“At sa Mindoro pa lamang ay sinabi ko na sa iyong nagbago na ang isip ko...”
“Gaya ng sabi ko kanina, ayokong lumaking bastardo ang anak natin.  Sana isipin mo rin ang kapakanan ng bata, Pippa.”
Hindi na sya sumagot.  May punto naman si Harry.  Kailangang isaalang alang na nya sa mga desisyon nya ang magiging anak nila.  At bagaman may nakapang lungkot na talagang ang bata lang ang dahilan ni Harry para pakasalan sya ay matipid syang ngumiti.
Umunat sya at tinangkang tumayo ngunit agad na nahawakan ni Harry ang kamay nya.  Nagtatanong ang mga matang tinitigan nya ito.  Ngumiti lang ito at hinila sya paupo sa tabi nito. 
“Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong nya.
Bahagya syang napahiya ng tumawa si Harry.  Tinangka nyang kumawala mula rito ngunit agad na humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.  Mabilis na dinampian nito ng halik ang labi nya bago muling nagsalita.
“Wala akong gagawin na hindi mo gusto.” kumikislap ang mga mata nito.  Ang mukha nito ay kaylapit sa kanya at ang mabangong hininga nito ay naaamoy nya.  Wag ng idagdag pa ang hubad na katawan nitong nakadikit sa kanya. 
“Sobrang tumatumbling ang puso ko sa nerbiyos, Harry…” hindi nya alam kung handa na ba syang muling ipagkaloob ang sarili rito.  Sa pagkakataong ito ay hindi sila lasing. 
“Ngunit hindi ka pa handa…” konklusyon ng lalaki.  Puno ng pang unawa ang gwapong mukha nito.  “Hindi kita minamadali, Pippa…hindi ko ipipilit.  Gusto kong mangyari iyon sa panahong pareho tayong handa.”
“Hindi ka pa rin handa?”
“Physically, I am.” Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito na ginantihan nya ng irap.  “Pero mas gusto ko na handa tayo emotionally…”
“Ano iyon?”
“Basta magulo, baka di maabot ng IQ mo…” biro nito at muli syang siniil ng halik habang inihihiga.
“Harry…”
“Matutulog lang tayo…goodnight kiss lang naman iyon, masyado kang nerbiyosa.”
Kinurot nya ito sa tagiliran na ginantihan nito ng yakap.  Ipinikit nya ang mga mata nang maramdaman ang marahang pagdampi ng labi nito sa noo nya.
Nang makatulog si Pippa ay marahang inayos ni Harry ang kumot at minasdan ang maamong mukha nito.  Pippa is getting prettier each day, he thought.  At sino ang niloloko nyang kailangan nyang maging handa emotionally?  Well, alam nya kung ano ang nararamdaman nya kay Pippa.  Kung araw araw itong gumaganda sa paningin nya at ayaw nyang nawawalay ito sa tabi nya ay malinaw na nahuhulog ang puso nya rito. 
Nang iwanan sya nito sa isla ay ilang araw pa syang nanatili roon sa labis na pangungulila rito.  Nang marealized nya ang nararamdaman nya sa dalaga ay natakot syang aminin iyon sa sarili.  It took time for him to accept na walang kulay ang kanyang buhay kung wala si Pippa.  At nagkunwa syang naguguilty. At nang malamang nagdadalang tao ito ay sinamantala nya ang pagkakataon na umaayon sa kanya at inalok ito ng kasal.  Nagbuntong hininga sya at muling hinapit ang dalaga.  Umungol ito at lalong sumiksik sa dibdib nya.  I can’t bear to lose you gaya ni Olivia…

Love And Lies (Harry And Pippa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon