Ikinasal sila ni Harry makalipas lamang ang dalawang buwan. Ang nais pa nga sana ni Donya Hilda, este, Mama Hilda ay sa katapusan ng kasalukuyang buwan iyon ganapin. Ang pagtatangka sa kanya ni Patrick at ang mga ipinagtapat nito ay tila naging dahilan upang tuluyang lumambot ang loob sa kanya ng matanda.
Si Patrick ay kasalukuyang nasa rehab at noong nakaraang binisita ito ni Harry ay pilit syang sumama. Humahagulgol na humingi ito ng tawad sa kanila. At hindi naman din sila perpekto para ipagdamot iyon. Ilang taon pa titigil sa rehab si Patrick at hindi sila nawawalan ng pag asa na tuluyan na itong magbabago.
Nanganak sya makalipas ang ilang buwan. The little girl looked like Mama Hilda at lalo na syang minahal ng biyenan. Makalipas ang isang taon ay muli syang bumalik sa unibersidad. She graduated with honors sa kursong Accountancy ngunit hindi na sya nakaattend ng graduation dahil kasalukuyan syang nasa delivery room para isilang ang pangalawang supling.
Minsan ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay ay isang baytang lang paakyat sa mas magagandang bagay na nakalaan para sa atin. Sa kabila ng mga pinagdaanan nya ay wala na syang anumang bahid ng pagsisisi ngayon na kumpleto na ang pamilya nya.
"Ang lalim ng iniisip mo..." untag ni Harry. Nasa bisig nito ang nahihimbing na bunso nila. Mag iisang taon na ito sa isang linggo at preparado na ni Mama Hilda ang party nito.
Pinigil nya ang mapabungisngis nang dumampi ang labi ni Harry sa likod ng tenga nya. "Gusto mo bang alisin ko ang mga isipin mo?" He whispered suggestively.
Natatawang lumayo sya rito. "May lakad kami ng mama..." bumagsak ang mukha nito. "Pero sa makalawa...sasamahan mo ako...sa OB..."
Napamulagat ito. "Are you...?"
Nakangiting tumango sya. "Kung hindi ako nagkakamali ay magdadalawang buwan.." humakbang si Harry palapit at masuyo syang kinintalan ng halik sa noo.
"Thank you.."
"For what? "
"For coming into my life and for our children..I love you so much..."
"I love you,too." Akmang aabutin nya ang labi nito nang mula kung saan ay patakbong yumakap sa beywang nya ang panganay na anak na si Jillian.
Nangingiting niyuko sila ni Harry at niyakap. She'll have the kiss later.
BINABASA MO ANG
Love And Lies (Harry And Pippa)
RomanceAng maid na si Pippa ay nagising na walang saplot sa katawan sa piling ng binatang amo. Ang puri nyang iniingatan ay hiniling na panagutan nito at nang tumanggi itong pakasalan sya, nagbanta syang magdedemanda. Upang "makapagisip" daw sya, kinidna...