SIGNED, SEALED, SWEAR…YOU’LL BE MINE!
CHAPTER 1-
MISHKA’S POV
“Ok class, next month will be your final exam so kindly pay your balances and acquire your exam permit as early as now para hindi na kayo pumila ng pumila dun sa registrar” Announcement ni Ma’am Castillo bago pa kami dinismiss.
Ako pala si Mishka Ledesma, 3rd year college student ng Farrow University sa kursong BS Psychology. “Manang Emo” yan ang tawag nila sakin, mahilig kasi ako sa kulay itim. Mula sapatos hanggang sa pinakamaliit nabagay na meron ako lahat kulay itim.
Idagdag mo pa ang mahaba kong buhok at ang bangs ko na halos matakpan na ang kalahati ng mukha ko. Minsan din trip kong magsuot ng mahabang palda with matching black long sleeve at black leather shoes. Mamatay ang laahat ng maiinis sa trip ko, eh sa talagang ganito ang guto ko eh. Kakaiba!
“Mishka,tumigil ka na sa kangangatngat dyan sa kuko mo…magtira ka naman ng para bukas” Seryosong saad ni Carine Bartolome, bestie ko since elementary days. Same section nung highschool and same couse ngayong nasa college na.
Eh,sa ayaw naming mahiwalay sa isat’isa eh. Saka siya lang ang nakakasakay sa “kadiliman” ko…hehehe.
“Pano ba yan bestie, nagamit ko yung perang binigay ni Mamito para pambayad sa kulang ko sa tuition. Lagot na talaga ako nito kina Nanay.”
“Eh bakit ba kasi naniwala ka dun sa sinabi ng manghuhula na mananalo ka sa lotto, kaya nga hula dibah…pwedeng magkatotoo pwede ring magkaloko-loko, so san ka dun?”
Kung minsan gusto ko na rin kumalas sa friendship namin ni Carine eh, ang galing niya kasing adviser…nakakatulong ng sobra!
“Eh sino bang nagsabi sakin na seswertehin ako nung araw na yun base sa nabasa niya sa horoscope ko?”
“Pero di ko sinabing itaya mo lahat, ang sabi ko lang magiging maswerte ka pero di ko sinabing agad-agad”
Ay, ewan!nakakainis!. Panu ko ba aayusin to,pagagalitan talaga nito ni Mamito. Last week pa dapat ako bayad sa balance ko kung di lang nagpakatanga sa lotto-lotto at hula-hula na yan.
“Tulungan mo naman akong mag-isip bestie, 10K yung kailangan ko. San ko naman yun mapupulot sa isang araw?”
“Oh, akala ko ba 5K nalang kulang mo bakit naging 10K na?”
Di ko pa pala nasasabi sa kanya na yung unang bigay na 5K ni Mamito sakin eh dapat ipambibili ko ng libro at materials para sa final exam project ko.
Naku,patay na talaga ako nito.
Nakaupo kami ni bestie sa ibaba ng isang puno ng may lumapit saming isang babae. Nagsusumigaw ang kulay niya, magkahalong yellow,blue, purple at orange ang suot nito. Plus!hating-hati sa dalawa ang buhok nitong naka-braid na nilagyan niya ata ng glitters kung kaya’t mas lalong nakakasilaw.
‘Hi guys!” bati niya.
Siya nga pala si Sunshine Liwanag,oh dibah!pangalan na pangalan pa lang…mainit na. Di nga namin alam kung paano namin siya naging kaibigan basta tinulungan lang namin siya nung minsang nadapa ito dahil sa kalokohan ng mga “BALLERS SOCIETY” (which is makikilala niyo in a bit J). Tapos yun na yun,lagi na siyang bumubuntot samin ni bestie,lahat ng school events kami ang kagrupo niya. Sa katagalan,nakasanayan na rin namin.
“Hello Sunny” sabay naming sambit ni Carine.
“Graabeeehhhh!ang init naman today!...”Sunny at agad na nilabas ang icebag nito pagkatapos nilapat sa mukha niyang pawisan. “Gusto niyo”sabay abot ng icebag samin na agad naman naming tinabig.
“Ano kaba Sunny, pagkatapos mong ipahid yan sa mukha mo..ililipat mo naman samin…”Ako
Tumawa lang ito. Ang galing nuh!kung gano ako kadilim, siya naming liwanag nitong isa. Best buddies talaga ang grupo ko.
“Oi, alam niyo ba magtatransfer na pala ng school si Trixie. Hiniwalayan pala siya ni Thunder kaya yun,naglasing ang lola mo at nakita nalang ng mga guards ng compound nila na natutulog sa may basurahan…hahahaha”Carine
“OO nga,at saka balita ko galit na galit daw yung parents kay Thunder pero as usual walang paki siya dun just like all his past “things”…”itinaas pa ni Sunny ang dalawang kamay at dinemo ang thing symbol na yun.
Hay naku,panu ang hilig sa mga gwapo ayan tuloy…teka…..napapa-Andrew E. na yata ako nito ah,langyah!emo tapos nagrarap???...napangiti ako sa naisip kong kalokohan.
Marami pa silang pinag-usapan dalawa tungkol kay Trixie at Thunder pero wala ni isa sa mga yun ang pinakinggan ko. Paki ko dun! May mas malaking problema akong kinakaharap….10 thousand,LORD magpaulan ka ng 10 thousand promise magpapakabait na ako…
Mamaya pa’y may pumasok na kotse na siyang dahilan ng komosyon sa campus, actually more of emosyon! Panu ba naman lahat ng babaeng nasa labas kanya-kanyang retouch nung makita ang kotse na yun.
THUNDER’S POV
Papasok na ng Farrow University ang minamaneho kong kotse, gift to sakin ni Daddy nung naipanalo ko ang laro laban sa Waku University last season.
Ako nga pala si Thunder Romano, star player ng Farrow at isang certified CAMPUS CRUSH. Well,sila lang naman ang nagbigay ng palayaw na yun sakin…..silang mga fans namin sa Ballers Society. Fans club daw ng Farrow Giants yun, composed of thousand plus ladies hoping na maging isang Mrs. Thunder Romano someday….tsk!tsk!tsk!...
“Oh,andito na pala si trendie eh,,”salubong ni Mike, isa sa mga ka-team mate ko.
“So,Thunder kumusta ang reason behind Trixie’s drunkard scandal”saad ni Filo,
Tiningnan ko lang ito,alam ko kasing siya ang talagang may gusto kay Trixie. Pero anong magagawa ko eh ako ang pinili niya…ayun tuloy, naglasing!
“Guys, guys,guys…”putol ni Anton sa tila namumuong tensyon between me and Filo. “we’re brothers here right?...dibah Filo?...Thunder?”
Tumango nalang ako at umalis na sa harap nila, ayokong makinig ng drama nang ganito kaaga. Masakit pa ang ulo ko dahil sa sermon na natanggap ko kay Dad nang alas-3 ng madaling araw dahil kay Trixie tapos sumunod pa si Mommy na nag-emote rin kesyo kaibigan daw nila ang family ni Trixie, pinahiya ko raw sila ec. etc. blahblahblah!
As if naman ako ang nanligaw sa kanya…hmp!
Pupunta nalang ako ng gym,magpapawis!
-------------------------------------
Comment naman jan guys if ok ba ang pilot episode ko…hihihi…
till next UD ^_^
