Kyla's POV
Wednesday ngayon at nagbibihis na ako ng damit para sa school.Ang ganda ko hihihi.Tumawag sakin kanina si Mama,sabi niya hindi na daw siya muna makakapagpadala sa akin sa kadahilanang hindi daw maganda ang mga pananim.Baka nagtataka na kayo kung bakit mag isa sa apartment,bale ang apartment na ito ay sa tita ko sabi niya daw dito na muna ako tumira at mag aral dahil sa bahay talaga namin sa bukid ay walang eskwelahan kaya napilitan akong lumuwas dito sa Maynila at dito mag aral.Swerte ko Naman dahil may tiya akong may pinauupahang apartment na malapit lang sa school at libre pa.Habang nagbibihis ako ay biglang tumunog yung phone ko "Meet me in the library" sino naman to? Eh hindi ko naman binibigay ang number ko ah except kay besty at kay Mama.Hmm hinayaan ko nalang.Nang matapos akong magbihis ay pumara na ako ng tricycle papuntang paaralan,mahirap na baka malate pa ako't mapadetention ng wala sa oras teka? may oras ba dapat kung pupuntang detention? Pagdating ko sa school ay agad kong nakita ang mga mean na babae,may pangalan sila eh...alam ko na! Meanies ata? Ay ewan! Hayaan nalang natin. "Yuck!tricycle girl" nandidiring sabi ng leader nilang sobrang kapal ng makeup at nagmumukhang espasol. "Yuck tricycle girl,espasol" pabulong kong sabi."what did you say?!" nanggagalaiting tanong niya."Wala sabi koang ganda niyo Meanies,mukha kayong si Minnie mouse" binulong ko nalang ang huling salita. "Alam namin,right girls?" paflip hair sa sabi ng leader nila sabay tingin sa mga kamembro niya na mukhang pinagtripan ang harina sa sobrang puti ng mukha.Pito yata sila.Umalis na sila at nagbayad ako sa driver.Nandito pa pala 'to?.Kaaga aga nambubulabog sila.Lumingon ako sa likuran ko dahil may narinig akong tumawag sa pangalan kong maganda chos! "Kyla!" paglingon ko si Chrissa lang pala. "Mukhang badtrip ka ah?" sabi niya sabay akbay sa akin. "Eh ano pa ngaba?Ikaw ba naman,makita mo ang mga babaeng nahiya ang harina sa puti at nahiya ang makeup sa dami ng layers?" tinawanan lang ako. "Hayaan mo na sila,wala silang magawa eh"sambit niya. "Tara na nga!" sabay hila sakin.
Pagkarating namin sa room ay agad nagsimula ang Math Class....hayss...
Problem dito,problem doon...
Nakakainis na!
Yang X na yana ah ang landi,Playboy din ata eh akala ko si ano lang yung Playboy.
.........
Pagkatapos ng dalawang oras ng paghahanap kay X ay nagbreak na kami ni besty.Break na kakain ha!,hindi yung pag bebreak na ginagawa ng magjowa!
Habang kumakain kami ay naalala ko yung message kaninang umaga.
"Bes my nagtext sakin kanina meet me in the library yung nakalagay" pagsusumbong ko sa kaniya."Ah siguro si Dexter yan!" sabi niya."Whaaaaat?!" sigaw ko sa kaniya."Ah eh hiningi niya kasi sakin number mo kaya binigay ko hehehe"nagpeace sign pa siya."Bes naman eh" may pag alalalang sabi ko."Ayaw mo non? textmate na kayo yieee" pantutukso niya.-_- "Bes hindi ako natutuwa" pagseseryoso kong sabi. "Sorry naman Bes para daw sa English niyo eh" sabi niya na nagkakamot ng batok. "Wala na tayong magagawa,nabigay mo na eh" sabi ko na parang wala ng pag asa. "Bes yung sa English nga pala binigyan tayo ni ma'am ng oras bukas nalang daw yung presentation at kayong dalawa ang unang mag pepresent" nakasmile niyang sabi. "Ahh ganun ba sige dederetso na akong library bye bes!" kumakaway na sabi ko. "Sige Bes ingat,enjoy!"nag up and down pa yung kilay niya. " Baliw" bulong ko.
......
Habang naglalakad ako sa hallway ng library ay nakita kong pinagkakaguluhan si Dexter sa isang silya ng library.Natutulog ata ang mokong aba!
"Ang cute niya talaga pagnatutulog sabi ni girl 1.
"Gaga mas gwapo siya pag gising" pabulong sa sabi ni girl 2.
Mga malalandi babae -_- pabulong nila itong sinabi pero sakto lang sa pandinig ko dahil malapit lang ako sa kanila.
Pumasok akong library at ginising ko si Dexter."Dexter" sabay alog sa kaniya."Dexter!" pag uulit ko.Sa wakas ay nagising na siya.Tumingin ako sa gawi ng mga babae,kinukuhanan pala nila si Dexter ng picture dahil may hawak silang cellphone at ang isang babae kinikilig pa sa mga pictures na nakuha niya.Tss.
Tinitingnan ako ng masama ng dalawang babae,siguro dahil sa paglapit ko Kay Dexter hehehe mainggit kayo.
"Finally you're freaking here one hour din akong naghintay" sabi niya sa malamig na tono. "Pasensya na hindi ko naman kasi alam na ikaw yung nagtext" sabi ko habang nakatingin sa sahig.
"Let's start,para matapos na hindi ko kayang tiisin pag matalgal akong nakakakita ng panget na mukha."sabi niya na nakapagpakulo ng timpla ko.Easy lang self kaya mo yan.Tiisin mo lang muna dalawang oras lang 'to...Dexter's POV
Nakakatuwa naman Ang babaeng 'to.Pinapakalma niya ang sarili niya,nag e enhale exhale eh.Ayaw matanggap na panget siya hahaha.Btw ako nga pala si Dexter Cua Perez.Nasa library ako ngayun ay dalawa pala kami ng panget na 'to.Kanina habang naghihintay ako ay naidip ako ng kaunti pag gising ko nandito na siya.Habang naghahanap ako ng libro at naglalakad ng patagilid ng biglang may bumunggo sa akin,tiningnan ko ito at nagulat ako na ang panget ko palang kapartner.Natumba siya,ang liit niya kasi,matangkad ako eh. "Sorry" sambit niyaat dahan dahang tumayo,ako?bumalik sa paghahanap.Bahala siyang tumayo,may sarili siyang katawan.Nang makita ko ang hinahanap ko at siya din sabay kaming pumunta sa table namin ay tinapos na namin agad Ang aming gagawin.Nang matapos namin ang aming ginawa ay agad kaming umalis sa library ng walang kibuan.
Kyla's POV
"Suplado!Antipatiko!Feeling gwapo!kainis! pero infairness gwapo naman talaga siya hehehe" paguusap ko sa sarili ko hmp! kainis talaga ang lalaking yun! "Oh besty bakit mukhang pang biyernes na yang mukha mo eh miyerkules pa lang ngayon?" nakarating na pala ako sa room?di ko namalayan. "Eh pano kasi ang lalaking yun sinabihan nanaman akong panget, kainis!" tinawanan lang ako ng magaling kong best friend naku!......
Pagkatapos ng klase ay lutang pa rin ako...himala ngang nakauwi pa ako eh.Nakakainis talaga yung Perez na Yun!!! Nakakainis na araw!!! Arghhhh!
Author's note:
Hehehe guys this is my first story here in Wattpad hope you like it...every Friday po ako mag uupdate.Every Friday dalawang chapter ang I uupdate ko hehehe happy reading...hope y'all guys support me. :-)-k-
YOU ARE READING
Unlimited limits(Ongoing Story)
Teen FictionThis story is all about a girl na mayroong crush sa isang lalaki na medyo masungit.Medyo lang naman.Base sa totoong buhay pero parang hindi hahaha gulo.Unlimited limits hope you like it...