NATAPOS ang ang klase namin sa 21st century at naghanda na kaming pumunta sa canteen.
I really need to eat, kumakalam na talaga yung sikmura ko, at ito ang epekto ng hindi ko pagkain ng almusal.Pero kasalanan ito ng pesteng iyon. Asan na daw yun? Ang kapal kapal ng muka nyang mang akyat ng bahay at talagang tinayming nya pa talagang Gabi at oras ng pahinga ko. Peste sya, sana naman wag nya na akong guluhin pa. Sana!
" Huyy!! " Nagulat pa ako ng bigla akong gulatin nitong si yanyan. " Ang lalim nanaman ng iniisip mo ahh, kanina pa yan habang nagkaklase nahahalata ko. "
Tinitigan nya ako ng nakakunot ang nuo na para bang isa akong libro na kailangan nyang pagaralan at tuklasin.
" Ohh, asan na si Shane? " Umiwas ako ng tingin sa kanya at iniba narin ang usapan. Pero sana makalusot, knowing yanyan, Hinding Hindi titigil yan hangga't nakakaamoy yan na may itinatago kang isang sikreto.
" Si Mark yan ano? "
"Huh?" Napabaling ako dito sa pagtataka, pano napasama dito sa Mark? Sa pagkakaalam ko ay nananahimik yung taong yun at hanggang ngayon ay wala paring balak na pansinin ako.
"Ahaaaaaaa! I knew it!" Parang isang bumbilya ang umilaw sa utak nya, " iniiwasan ka nya ehh, LQ kayo ano? "
" What? " Napasigaw ako sa gulat sa kanya. Samantalang sya ay ngiting ngiti lang.
" LQ kayo, lovers quarrel. "
" Alam ko yong ibig sabihin ng LQ,... but the heck yanyan, Anong LQ LQ yang pinagsasabi mo? "
" Ehh kasi, napansin ko lang, this past few days ay parang Hindi ko na kayo nakikitang magkasama and ...." tiningnan nya muna ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi, " and as I observed ay parang sobrang affected ka,......look, anlaki ng eyebags mo."
Tinuro turo nya pa yung eyebags ko na patunay ng nanyare kagabi. And fuck, ano bang pinagsasabi nya?
" Huyy, ano bang pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami nun at wala ng iba pa. " Kasabay nun ay binitbit ko na ang bag at iilang libro ko at nauna ng maglakad para lumabas ng room.
" Uyyy, Hindi nga?........Yung totoo? Magkaibigan lang talaga Kayo? " Ang kulit nya, Ewan ko ba Kong Panong naging kaibigan ko ang isang gaya nya.
Huminto ako saglit sa paglalakad at hinarap sya.
" Yanyan, we're not,... ok? Magkaibigan lang talaga kami. period! " At nauna nanga akong maglakad papunta ng canteen, nagugutom na talaga ako, baka maya itong bruhang kaibigan ko pa na ito yung makain ko dito.
-----------------
Pagpasok na pagpasok namin sa canteen ay hinanap kaagad ng mga mata namin si Shane, at tama nga ang hinala namin, Itong bruhang kaibigan namin ay masayang naka upo at kumakain na sa isang sulok na lagi naming pinipwestuhan.
Ang GALING GALING! Hindi man lang kami inalala." Huyy Bruhilda ka! " Sinugod agad ito ni yanyan sa pwesto namin at inagaw ang canned juice na dapat ay iinumin na sana nito.
" Yanyan Naman! " Pagrereklamo naman nitong isa.
" Ikaw Bruhilda, Hindi ko alam kong kaibigan kaba namin ehhh.. ang sarap sarap na ng Kain mo dito samantalang kami ito mamatay matay na sa gutom! "
" Tsss! Akina nga yan, bumili ka nalang ng sa iyo. " Hinablot naman kaagad nito pabalik ang canned juice mula sa pagkakahawak ni yanyan.
Hysss, kahit kelan talaga mga walang eteketa itong mga ito, Hindi ko alam kong talaga bang anak ito ng mga magulang nila. Ipinanganak na mayaman Pero parang nasa palengke kong kumilos.

YOU ARE READING
YOU'RE MINE
FanfictionI'm Andynalyn Deguzman and this is my story. I met a guy who's full of confidence on himself, he is the only man who intend to tell me that i'm his. His Deep brown eyes, pointed nose, and kissable lips is my favorite part, but ofcourse, Keep Quite! ...