CHAPTER 2 : Missions

752 46 2
                                    

helloooooo!!!! dedicated to youuuu... labyuuuuu...



First mission accomplished :)

SOPHIE'S POV

"Besh ang galing mo kanina ahh. Infairness, pati ako hindi ko alam 'yun. Saan mo ba nalaman iyon?" Tanong ko sa kaibigan kong si Alyssa. 


Hindi talaga ako makapaniwala sa mga kaganapan kanina. 'Yung una iyung napahiya kami sa hallway. Pangalawa yung pakikipaghandshake nung pogi na may-ari ng school kay Alyssa. Pangatlo yung sagutan kanina sa room namin. Tss.


"Ewan ko. Nabasa ko lang 'yon sa libro, hindi ko alam kung anong libro haha." Natatawang sabi ni Alyssa.

Hindi ko talaga maintindihan itong kaibigan ko. Ang seryoso sa classroom sa labas naman ay funny, and clumsy. Hay nako. 

Kahit na matalino siya hindi parin maikakaila ang pagiging clumsy niya. Kahit magkasama kami sa isang bubong. Wala man lang ako makuhang katalinuhan galing sa kanya. Ewan ko ba? Hindi ako nahahawa sa talino niya. Nakakahawa ba yun? Eishh! Whatever.

Palabas na kami ng gate dahil uwian na. Magtataxi kami pauwi sa apartment na nirerentahan namin. Habang naghihintay ng taxi, may biglang tumigil na napakagandang kotse sa harap namin. Oopxsz, oh no. 

KEVIN'S POV


Nandito na ako sa parking lot at saktong paaandarin ang kotse ko, pero may kumatok sa bintana ng kotse. At saka ko binuksan, nakita kong si Lin pala 'yung kumatok. 

"Why bro?" Nakakunot ang nuo kong tanong sa kanya.


"Tara sa bahay, movie marathon 'tsaka inom na rin." Yaya sa akin ni Lin. 


"Huwag muna ngayon may gagawin pa kasi ako ehh." Sagot ko at agad sinarado ang bintana ng kotse ko at pinaandar ito.

Palabas na ako ng parking lot ng school at malapit na ako sa gate ng mamataan ko si clumsy at saka yung kaibigan niya. Na parang naghihintay. Tumigil ako sa harap nila at tsaka ko binuksan ang bintana ng kotse.


Halatang gulat sila ng makita ako. Si Sophie na parang kinikilig. Si clumsy naman ay namumula ang mukha. 

I need to complete my mission. Gusto kong gumanti sa mayabang na 'to. Lahat ng may kasalanan sa akin pinaparusahan ko in different ways. This is the first time na babae ang lolokohin ko.


I'll make sure that everyone, will pity you.



Missions :

1- be friends with her

2- make her fall In love with me

3- iwanan siya ng walang dahilan.

You'll fall to my trap Alyssa galvez


And para hindi ko makalimutan ang mission na ito, at para may remembrance ako kapag tapos na ang mission. Isinulat ko ito sa isang maliit Na papel at isiningit sa upuan ng passenger seat. Now that's settled.


I think this mission will be easy. But it will probably make her heart turn to pieces.


"Hi girls, saan ang punta niyo hatid ko na kayo?" Request ko sa kanila. This is it. Magsisimula na ako sa first mission, 'Be friends to her'. 

Possessive Boyfriend (TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon