CHAPTER 16: Tipsy

252 19 0
                                    



Kevin's PoV

 Nandito ako ngayon sa bahay at tina-try kong tawagan sina Lin at Daryl. Dahil sobrang tagal na simula noong nakausap ko sila. Hindi kasi kami allowed mag-cp sa bahay lalo na't kasama namin sina daddy. 

Fix Marriage na walang kinahinatnan.

Hinihintay ko rin si Mommy dahil nasa province daw siya simula noong umalis kami. Kasama niya doon si Lalaine sa hindi alam na dahilan. Dati ay gusto daw niyang magpaiwan.

" Mom!" Agad akong pumunta kay mommy at niyakap siya. 

" Oh, sa wakas nandito na ang baby boy ko" sabi ni mommy saka ako niyakap ng mahigpit.

Habang kayakap ko si mommy ay nakita ko si Lalaine na dere-deretso paakyat.

" She's kind of different " I said saka tumingin kay mommy.

" Oh yeah, Ewan ko ba diyan anong nangyari sa kanya. Basta after niyong umalis nagkaganyan na rin siya." Sabi ni mom. Agad akong napaisip kung ano pa ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan.

" Maybe because sa pianist na yon" sabi ko. 

" You mean yung kasama niyang nag-perform noon?" Tanong ni mom. " Basta hayaan mo na muna yon. Kumusta ka na anak?" umupo kami sa may sofa at doon nagkamustahan.

Sophie's PoV

Nandito ako ngayon kina Alyssa dahil nagyayaya siyang uminom sa roof top nila.

" Hay nako nagyayaya na naman uminom yan. Jusko, kumusta na kaya yung liver niya?" tanong ni Lin. 

" Hindi ka na nasanay. Ang dalas na niyang uminom since last month." sabi ko saka tumawa.

" Ikaw ba naman ma-coma ng tatlong taon. Syempre mami-miss mo yung alak Haha" sabi niya.

" No, hindi siya masyadong umiinom dati. Maybe, because of adulting" sabi ko. saka napaisip. 

Pagkarating namin doon ay agad kaming pumasok dahil alam naming bad trip na'yon ayaw niyang nale-late kami. Ewan ko ba kung bakit naging ganyan siya. Baka dahil sa heartbreak. 

Ang daming idinulot ng heartbreak niya. Sobrang daming nagbago. halos hindi mo na nga siya makilala ehh. Sa ugali palang hindi mo siya makikilala. Lalo na yung mukha niya. Jusko, akala ko yun na yung ganda niya. Ang ganda na niya dati mas lalo pa siyang gumanda.

Naiwan na talaga ang beauty ko. Ako lang naman walang pinagbago ehh. Saka ako biglang napatawa.

" Tinatawa mo diyan?" siniko ako ni Lin.

" Ngayon ko lang napansin na ang pangit ko pala Haha" tumawa ulit ako.

" Weh? Bakit ngayon mo lang nalaman? Diba matagal ko nang sinasabi sayo? Ayaw mo kasing makinig ehh." Sinapak ko agad siya. 

" Tama na yan naghihintay na yun sa taas" sabi ni Tita Carmela/ Mommy ni Ysa habang nakangiti.

Tumango kami at saka agad tumayo at pumunta sa taas. 

Alyssa's PoV / Maria Isabelle's PoV

Habang inaayos ko yung mga pagkain namin dito sa taas ay may tumakip sa mga mata ko at alam na alam ko kung sino 'yon. 

" Daryl i know it's you" pagkasabi ko ay agad niyang inalis yung kamay niya saka tumawa. 

Nagulat ako ng may bulaklak siyang ibinigay. Kinuha ko 'yon at saka hinila siya paupo.

Possessive Boyfriend (TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon