How to Work an Art

22 0 0
                                    

Normal na araw— ay teka sandali, sa tingin n'ya, ito'y isang espesyal na araw.

Bumangon.
Inayos ang sarili.
Inihanda ang kanbas, pluma, at pintura.

Kinuha ang pluma at nagsimula nang gumuhit. Bawat paglinya at paghagod ay napakasuwabe—lubhang detalyado. Tagaktak man ang pawis ay pinilit na magpatuloy.

Binitiwan ang pluma.

Sinimulan nang bigyan ng kulay ang obra. Oras man ang itinagal, napawi ang pagal nang ito'y matapos na.

Binitiwan ang pintura.

Binuksan ang kuwartong puno na ng alikabok. Inihanay ang obrang natapos kasama ng iba pang niluma na ng panahon.

Isinarado ang silid na nagsilbing búkas na libro ng kanyang talambuhay.

At unti-unti na rin sumara ang mga matang napagod na sa pagmulat.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon