Level 14

14 3 0
                                    

Dixie's POV

Hindi pwede to.. dapat si Dexter lang.. si Dexter lang dapat

"Oh? bat bigla kang natahimik dyan? hmmm may gusto ka siguro sakin noh?"

"Ang kulit neto, hindi. nga. kita. gusto"

Parang naguilt ako sa sinabi ko kay Jayven dahil ewan ko, di ko alam kung totoo pero parang dumaan sa mga mata nya yung lungkot na parang nasaktan na napalitan naman agad ng sunod sunod nyang tawa

"HAHAHAHAHAH sus wag mo ng ideny"

"Psshh, ewan ko sayo"

Napakagat ako sa labi ko at mariing napapikit. 

Hindi pwede to Dixie, si Dexter lang dapat

-



Uwian na at katulad nga ng nakasanayan ko, lagi kong kasabay si Jayven.

"Uyy Dixie, tara naman dun sa coffie shop! labas naman tayo kahit ngayon lang!"

"Marami akong gagawin"

"Andamot ngayon lang naman eh"

"Marami nga ako--"

"Sige naa plsss?"

>_<

"Oo na!"

"Yes!"

Napailing nalamang ako habang nakatingin kay Jayven na parang batang nag tatatalon sa tuwa. 



-



Habang nag lalakad kami papunta sa coffie shop, pakonti na ng pakonti ang mga studyante. Napalingon ako sa park ng may makita akong pamilyar na pigura ng lalaki..

D-Dexter?

Pinilit kong aninagin at tama nga ako, si Dexter nga iyon. Kailangan kong malaman kung tama ang sinabi sa amin ni Angel.

"Tara Jayven! may kailangan tayong puntahan"

"H-Ha? saan?!"

"Basta! sumunod ka nalang sakin"

Mabilis akong tumakbo at hinabol sina Dexter na lumiko na pakanan. Sa bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat ang aking nararamdaman na tila isang masamang senaryo ang aking maaabutan doon. Umiling ako at pilit na inalis ang bagay na iyon sa isip ko.

Hindi ganon si Dexter.. tiwala lang

I bit my lower lip ng maalala ko ang unang araw na sinabi nya sa aking mahal nya ako. Napakasaya ng saya ko ng araw na iyon dahil sa wakas mahal din pala ako ng taong mahal ko.

Kaya wag ka ng mag alala Dixie, mahal ka nya okay?

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagtakbo.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may marinig ako na mga tawa. Tawa ng babae at lalaki. Kahit na kung ano ano ng pumapasok sa isip ko, pinilit ko paring wag isipin. Huminga ako ng malalim at sumilip--



"Dont look at them, masama ang tanawin sa lugar na ito"

Sa halip na makita ko ang buong ginagawa nila ay natanggap ko ang yakap mula sa lalaking kasama ko ngayon at sumubsob sa kanyang dibdib.

Levels of our lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon