Level 16

14 4 0
                                    

"Kilala ko si Kiel, hindi nya gagawin ang bagay na iyon" wika ni Jane habang nakapikit.


"Hanga din ako sa inyo ah. Tiwala sa isat isa. Nays wan" ani Ember na ikinangisi ni Jane.

"Yun pa? eh mahal na mahal ako non"

"Sana ol mahal" asar ko.

"Mahal ka naman ni Josh" sagot niya.

"Psshh, eto namang relasyon na meron kami ay deal lang. Deal mga pre, deal"

"Oh ay ano? Atleast inrelationship kayo" wika ni Jane

"Pssh, magkakahulugan din kayo nyan. Trust me" ani Ember

"Ako? mahuhulog dun? imposible mga pre, atsaka may wifey na yun"

"Wifey? sinong wifey?" tanong naman ni Jane.

"Ewan, basta wifey"

"Hala, may asawa na si Josh?" tanong ni Cally na di ko namalayang nandito pala.

"Ewan ko"

"Hoy kayo, may pinagbigyan ba kayo ng number ko? ha?" tanong ko.

"Hmm, wala naman" ani Ember

"Wala" ani Cally.

Pare parehas kaming tumingin kay Jane na tumutulo na ang laway.

"Pssh, puyat pa" bulong ko at iling iling na pumunta ng banyo.

-

knock knock knock

"Babies? Tara na sa baba kakain na tayo" boses iyon ng nanay ni Josh.

"Opo tita, susunod na po kami" ani Jane na agad bumangon.

"Pukingina. Basta pagkain gising ang kupal"

"Gutom na ako eh--"

"Ano?! eh ikaw nga yung may pinakamadaming nakain kagabi!" ani Ember

"Eh gutom ako! magagawa nyo"

"Pfft, may baby ka ba sa loob ng tiyan mo Jane?" tanong naman ni Cally

"Huh? baby? bakit? pano?"

"Kase baka kaya lagi kang gutom, kinakain nung baby yung mga kinakain mo"

"Pffft, hindi noh! masama bang magutom? psshh tara na sa baba" wika niya at naunang lumabas.

"Kain ng kain di naman tumataba" bulong ko at sumunod sa kanila.

Sa aking paglabas sa pinto ay sya ring paglabas ni Josh. Agad niyang iniwas ang tingin niya at naunang bumaba ng hagdan.

"Problema non?" bulong ko at bumaba na rin.

-

"Oh, kain lang kayo ah! sana dito nalang kayo lagi!" pfft, ang cute ni tit-- mommy. Nakanguso kasi siya na parang bata.

"Nako tita, wag kayong mag alala. Baka sa bakasyon dito kami magbakasyon" ani Jane na ngumunguya pa

"Ayy, wala kami dito sa bakasyon.. Nasa Japan kami"

"Hala, tita kasama po ba si Josh?"ani Kiel na sumulyap pa sa akin.

Pssh, pake ko ba dyan. Kahit di na yan bumalik ayos lang.

"Its up to him kung sasama sya o hindi."

"Hindi ako sasama mom" mabilis na tugon ni Josh.

Levels of our lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon