Level 9

13 3 0
                                    

"O-Okay" kahit papaano, nakabawas naman Yun sa sakit sa paa. Ang layo Kaya ng nilakad namin.

"Boss, Hindi ka ba napapagod? Ambigat ko kaya"

"No" feeling ko, inaantok na ako. Konti lang yung oras na itinulog ko kanina eh.

"Boss, pwedeng matulog sa balikat mo? Pagod na ako e. Pero Kung pagod ka na, gisingin mo lang ako" Nang tumango sya ay isinandal ko na ang ulo ko sa balikat nya. Kahit pawisan na si boss, mabango parin sya. Nakakadistract tuloy.

ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz ZzzzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzZzz

Few minutes later

Hmmmm

Parang may naririnig akong parang lagaslas ng tubig? Iminulat ko ang Mata ko at..

"Woahh.."

Ang ganda ng ilog na to! Tapos napapalibutan pa ng mga puno ang buong lugar! Tapos yung mga puno may buhok ni Adan. Alam nyo ba Yun? Hihihi Yun Kasi tawag namin sa mga nakalawit sa puno. Ang ganda!

Napatingin ako sa katabi kong si boss, mahimbing syang natutulog habang nakasandal sa punong sinasandalan ko Rin. Napagod siguro sya, sa bigat ko ba naman eh.. sayang, Hindi ko mapipicturan ang magandang ilog na to, di ko dala ang cellphone ko. Ang ganda talaga dito, maaliwalas at awit lang Ng mga ibon ang maririnig mo.

"Hmmm.." gising na ata si boss.

"Hi boss! Good morning"

"Tss" umayos sya ng upo at tumingin sa ilog.

"Ang ganda dito boss, pano mo nahanap to?"

"I just see it"

"Ahh, dito ka lagi tumatambay?"

"Yeah"

"Sino kasama mo?"

"Only me"

"bakit mo ako dinala dito?" Inilibot ko ang paningin ko, ang ganda talaga, Parang paraiso.

"Why? You don't like it?"

"Ano?! Anong don't like it, ang ganda nga eh! Maaliwalas tapos ang ganda at ang tahimik." Kung pwede nga lang magtayo ng bahay dito ginawa ko na.

"Kung pwede lang talaga.."

"Alin?"

"May bahay ba dito boss?"

"Wala"

Sayang. Ang ganda pa naman tumira dito. Tahimik na buhay.

"Property pa ba to ng school boss?"

"No"

"Eh, kanino to?"

"It's mine"

"S-Sayo?!"

"Yeah" S-Sa kanya to?! Wow! Ang lawak neto ah. Dibale na, mayaman Naman sila. Hindi na ako magtataka kung may sarili na syang lupa.

"My mom bought this place for me." Ahhh, binili para sa kanya.

"Birthday gift"

"Ahhh, kailan ba birthday mo boss?"

"February 14"

"Ahh, febru-- February 14?!" HALA!

"Yeah, why?" HALA NGAAAAA!

Levels of our lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon