tres (narrative)

1.1K 16 0
                                    

"Ay may inom?" Nagtataka akong nakatingin sa mga kaibigan ko. Nakangisi naman sila. Napabuntong hininga ako dahil ang pinunta ko rito ay ang pagre-review namin tapos biglang naglabas ng bote at pulutan. Akala mo walang pasok bukas.


"Konti lang naman, hindi naman mauubos." Sambit ni Vanie. Napailing naman ako kasi hindi iyon totoo. Kulang pa nga ang isang bote sa amin.

"Akala ko ba magrereview." Nilabas naman ni Erika yung notebook niyang may notes.

"Oh Ayan. Pulutanin mo yan, Delos Reyes! Aral na aral ah." Inirapan ko naman siya saka kinuha ito. Kailangan ko kasing bumawi sa isang subject ko. Hindi maganda yung mga scores ko sa quizzes. Naupo ako sa tabi noong bintana at nagsimulang mag-aral habang nagsimula naman na silang mag-inom. Problemado kasi si Erika sa lovelife niya kaya nag-aya. Sumama ako kasi mabait akong kaibigan.


"Anu ba yan, Jaycel?! Taga-nood ka lang namin?" Reklamo ni Vanie, medyo namumula na siya. May tama na 'to. Mabilis siyang tamaan pero matagal naman bago magwala.

"Pumunta ako para mag-aral, hindi para mag-inom. May pasok bukas!" Ngumisi lang sila.


"Isang bote lang, it won't harm us kaya mag-inom ka na rin." Napailing ako. Hindi naman sila bad influence, kilala ang dalawang ito na magaling sa klase kaya walang problema kung mag chill sila minsan.

"Bibili na lang ako ng light drinks." Paalam ko, nagpasabay naman sila ng pulutan at isa pang bote. 'One bottle won't harm us pala huh' napailing ako sa naisip ko. Bahala sila sa hangover nila.

~~~~~~~~

"Gagooooo" sigaw ni Vanie habang pagewang-gewang na naglalakad para kumuha ng yelo. Tatawa tawa naman si Erika habang kumakain ng pulutan. Napailing naman ako dahil parehas na silang may tama. Kakaunti na lang din yung drinks ko.

"Hindi ko kayo gigisingin bukas." Banta ko. Ngumisi naman sila saka tumawa.

"Makakabangon kami, Hang-over who!" Sigaw ni Vanie. Tumawa naman si Erika na may luha na sa mata. Maya-maya ay nagsimula na siyang humagulgol.


"Hoy!" Sigaw ko saka nilapitan na siya. Para namang nagising si Vanie at inalo siya. She keep on cursing her ex naman. Di ko nga masabi kung ex kasi ka-MU niya lang tapos naGhost siya. Hinayaan naman namin siya tapos nung mahimasmasan ay pinatulog na namin. Nagsimula na rin akong magligpit nung mga kalat nila.

"Matulog ka na rin." Tukoy ko kay Vanie na inuubos pa yung natira sa ininom nila.


"Mamaya na." Saka siya naupo sa harap ko. Hinayaan ko naman siya at nagpatuloy sa pagKopya na doon sa notes ni Erika.

"Creepy mo. Huwag mo akong titigan." Asik ko. Ang lalim kasi nung tingin niya habang umiinom. Nakakailang kasi crush ko siya lol.


"What happened to you and Yumi?" NapaKunot naman yung noo ko.


"What do you mean?" Nagkibit balikat ako at nagsulat ulit.


"Tss. It's too obvious, Jaycel. Laging kami na ang kasama mo. Hindi na kayo nagpapansinan samantalang dati ay kung nasaan ka ay naandun siya."


"Sht happened." Napa-aray naman ako nang batuhin niya ako ng yelo.


"Lasing ako pero di ako tanga, bakit kayo nag-iiwasan."


"Nagtatampo lang ako, akala ko lalapitan niya ako para tanungin kung bakit." Sagot ko saka napainom sa inumin ko.


"Jowa ka ba?!" Sunod-sunod na pag-ubo naman ang ginawa ko, nabulunan kasi ako sa sinabi niya.


"Lasing ka na nga! Matulog ka na." Asik ko. Ngumisi naman siya.


"Maganda ba siya?"


"Vanessa." Sambit ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.


"Tinatanong ko lang naman. So maganda ba si Yumi?"


"Syempre." Lumawak naman ngiti niya.


"Matalino siya"


"Oo naman"



"Friendly"


"Oo naman"


"Gusto mo siya."


"Oo nama-Teka!" Bumulalas ng tawa si Vanie sa harapan ko saka umiling.


"Gusto mo?" Umiling naman ako. Napabuntong hininga siya saka binato ako ng yelo.


"I have this theory na gusto mo siya kaya ka umiiwas. I also saw your madrama tweets, Jaycel. Feeling ko unreciprocated siya dahil mukhang straight yun."


"So?" Sambit ko dahil I can feel the pain again from my heart. Hindi ko na nga masyadong pinapansin iyon kahit ilang beses na nagtatagpo ang landas namin sa klase.

"Wala lang pero don't waste your friendship dahil lang sa nararamdaman mo. Sayang tatlong taon niyong pagkakaibigan." Nanatili naman akong tahimik sa sinabi niya. Vanie got a point pero paano ang puso ko, I don't want to grow this feeling more kapag kasama ko siya.


"You can like her from afar and as friend. I mean yes, save your heart pero save your friendship too." Bumulalas naman ako ng tawa.


"You should sleep na. Iba na lumalabas sa bibig mo." Inirapan naman niya ako.


"Indenial. Wag ka sanang magkaLove life." Ngisi nito sa akin saka umalis na sa harapan ko. Naglinis siya saglit tapos tumabi na rin kay Erika na mahimbing na natutulog.


Napabuntong hininga naman ako. Siguro ang selfish ko rin sa desisyon kong lumayo sa kanya just to save myself sa bagay na di naman niya sinadya--di naman niya sinadyang mahulog ako sa kanya, nakalimutan ko na may friendship kaming nagkakalamat na.

...
Lol saan 'to papunta.

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon