sais

723 18 0
                                    

Ayumi Furukawa (online)

Congratulations! 🎉

Oooy, Jaycel! Thank you talaga.

Saan?

Sobrang laki ng tulong mo, mula sa Bibliography hanggang sa defense namin.

Wala iyon, Friends ko kayo e.

Yeah, friend 😊
(Seen)

.....

Jaycel...

Yes, Yumi?

I'll treat you kahit anung gusto mo.

Wag na, Yumi. I insist that help.

Pero...

Fine, just a matcha ice cream and I'll be okay na.

Sure, I'll treat you tomorrow. Thank you ulit.

😊

(Seen)

........

"Fck." Mahina kong bulong, hindi matanggal iyong ngiti sa labi ko habang binabasa ang pag-uusap namin.

'anu ba Jaycel, tinamaan ka na talaga? Pwede ba itigil mo iyang pagngiti mo dahil sobrang rupok mo.'

Napabuntong hininga naman ako. Tama naman iyong ginawa kong pagtulong at hindi ako humihingi ng anumang kapalit lalong lalo na sa kanya. Tama, tulong kaibigan lang iyon.

"Hoy pokpok!" Napitlag naman ako nang biglang sumulpot si Erika sa harapan ko.

"Bwisit ka aatakihin ako sayo!" Bumulalas lang naman ito ng tawa. Dapat talaga tigilan ko na ang pagkakape, hindi maganda sa kalusugan.

"Bakit ka nandito?" May bitbit naman itong box ng pizza na inilapag sa harap ko. Umusog naman ako para makaupo siya.

"Samahan mo akong kumain, ang lonely ko e." Tumango lang naman ako at nilantakan na yung bigay niya.

"Ang harot mo!" Komento niya dahilan para mapatingin ako ng masama sa kanya.

"Girlfriend duties lang, Delos Reyes. Rupok mong hayop ka!" Akmang babatukan niya ako nang harangan ko siya.

"Akala mo ba hindi ko alam na may landian kayo noong nakaraan. Sa daan pa talaga nag-kiss."

"Gago, yakapan lang iyon!" Asik ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Ang puso mo ay iyong alagaan, Delos Reyes. Pakakatandaan mo, Straight iyang si Furukawa." Napabuntong hininga naman ako at tumango.

"Alam ko naman iyon at hanggang kaya ko ay itatago ko na itong nararamdaman ko. Ayaw ko lang na masira kami ng tuluyan. Ayaw kong masira ang tatlong taong pagkakaibigan namin." Tumango naman siya.

"Ayan, mabuting nagkakalinawan tayo. Jowain mo na lang si Vanie." Masama ko naman siyang tinignan.

"Seryoso ka ba?" Bumulalas siya ng tawa.

"Syempre hindi, puro away lang gagawin niyo saka baka masira thesis niyo. Si Kiara na lang mukha namang bet ka nun."

"Clingy lang yun at teka sigurado ka bang nagnaName drop ka ng mga babae sa akin?" Sagot ko naman. Ngumisi lang siya.

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon