Trese (Narrative)

666 17 1
                                    

"Uhaw na uhaw kayo ah." Komento ko sa mga kasama ko. Naubos na kasi namin yung isang bote ng the bar na 'mojito'. Hindi ako masyadong umiinom kasi lasang gamot na pampapurga. Nilalagyan ko rin ng maraming yelo yung baso kapag natapat sa akin.

"Gaga tatlong buwan rin akong hindi nakainom." Umiiling na sabi ni Faith na para bang inaalala ang masalimuot na nakaraan.

"Sml?"

"Tangina mo, Erika!" Saka sila nagbangayan na naman sa harapan namin.

"Ang ingay niyo! Mahiya nga kayo kay Yumi." Saway ni Janel sa kanila. Hindi naman sila pinapansin nito dahil nakikipagkwentuhan siya kay Joan. Random fangirling lang hindi naman ako nakikisali basta masaya akong nakikihalubilo siya sa mga kaibigan ko.

"Hoy, Vanie magtimpla ka na. Slice ka n rin ng lemon." Utos ni Sofia. Nagbangayan din sila bago sumunod ang gaga.

"Laro tayo mga bakla." Aya ni Erika sabay labas ng uno cards niya. Inaasar naman namin na parang bata. Nagalit naman ang gaga at pinaliwanag ang consequences kung saan magtatanong pero  kayong dalawa lang ng kapartner mo ang makakaalam. Kami ni Sofia partner tapos sila ni Joan.

"Lasing ka na ata. Matulog ka na!" Bulyaw ni Sofia sa kanya. Inirapan naman niya ito at nanghamon pa ng one on one. Akala mo talaga malalakas uminom.

Bumalik na si Vanie at nagsimula na kaming maglaro. Umiikot yung baso habang naglalaro naman kami, unang natalo si Erika at Faith. Nagbulungan sila tapos binanggit niya name ni Vanie. Curious kami pero bawal magtanong.

"Talo ka, Ayumi!" Bulalas ni Janel. Nagsimula naman na silang magbulungan ni Joan tapos ay binanggit niya si Sofia. Ngumisi naman si Joan tapos tumawa habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Anu na naman kayang tinanong ng babaeng iyon.

"Hoy talo ka, Jaycel!" Sigaw ni Faith na may tama na dahil namumula na siya. Bumulong naman na si Sofia sa akin.

"Sinong mukhang di naligo?" Tawa naman ako ng tawa sa tanong niya tapos tinuro ko si Erika then mukha kaming tanga na tumatawa lang.

"Mga baliw ampota. Ibang laro naman." Then naglabas siya ng drinking game app sa cp 'yung King's cup (legit 'to) na kung saan may pipiliin kang card tapos may rule na nakalagay doon like: 'Mahuling magtaas ng kamay ay iinom or lahat ng girls ay iinom etc.'. Nagsimula kaming laruin iyon tuloy tuloy lang dahil enjoy naman ang game mayroong May topic tapos bibigay kayo ng mga sagot na under sa topic na yun ang walang maisagot ay iinom pero mas lalo kaming tinamaan nung May drinking buddy na rule kung saan kapag uminom yung kaBuddy mo ay iinom ka rin. Mga gaga itong kasama ko lagi akong pinipili na drinking buddy nila kaya ilang oras lang ang nakalilipas ay tinamaan na ako.

"Ay pota." Bulong ko noong pagtayo ko para umihi ay parang nayanig ang mundo ko. Hindi naman sila blurred pero hilong hilo na ako.

"Kaya pa?" Tanong ni Janel. Tumango  naman ako saka umalis. Pagbalik ko ay ay mas maingay na sila. Dinaldal na nila ng sobra si Ayumi at kung anu-anong tanong na ang sinasabi.

"Kailan mo ba kami ililibre ng donut?" Vanie asked. Tumawa naman si Ayumi at sinabi na bukas na bukas ay bibigyan niya ito. Hindi ko na maintindihan yung mga tanong nila dahil nakadapa na ako sa kama sa sobrang hilo.

"Ay gagu. Dalhin niyo yan dito!" Sigaw ni Faith. Hinila naman ako ni Sofia.

"Okay ka lang?" Namumula naman akong tumitig sa kanya. Hindi yun blush, lasing na talaga ako. Gandang ganda talaga ako sa babaeng ito kahit alam kong bawal at hindi pwede. Mukhang lasing na siya pero hindi ganun kalala, isa pa. Uuwi pa ito kaya hindi masyadong pina-Inom.

Gusto ko sanang sumandal sa kanya kaso baka mailang siya kaya kay Sofia na ako sumandal tapos nagkukwento na ako tungkol sa mga halaman. Inaasar naman ako ng mga gaga na namumula na rin dahil sa pagkalasing.

"Hoy Jaycel!" Nakapikit naman akong sumagot kay Vanie.

"Gaga ang ingay mo!"

"Sabihin mo na."

"Pota ang alin."

"Ulul pakyu. Umamin ka na!" Shet lasing na talaga ito kung anu anu na ang sinasabi.

"Anung aaminin ko?!" Naiinis kong sagot dahil baka makahalata si Ayumi. Ayoko na maging awkward na naman kami.

"Erika usap tayo." Nagtaka ako sa yayang iyon ni Ayumi kay Erika pero hindi ako nagsalita kasi wala akong karapatan. Pinanuod ko lang silang lumabas sa pintuan.

"Tangina. Ang daldal mo." Inis kong sambit. Pagtingin ko bagsak na si Janel at Joan. Si Faith naman nakadukdok sa mesa at mukhang nagpapawala ng tama.

"Ayaw mo pa kasing sabihin. Magkaalaman na."

"NagMoMove on na ako!"

"Panget mo! Tss." Inirapan ko naman siya tapos nagUsap lang ulit kami ni Sofia, this time tungkol naman sa mga bacteria.

"Oooy bumalik na kayo!" Bulalas ni Vanie tapos tumakbo kay Erika. Kinalabit niya si Ayumi na natatawa sa kanya.

"Paano kapag may nagkagusto sayo? Tapos kaibigan mo?" Bigla naman akong kinabahan sa tanong ni Vanie pero at the same time hinihintay ko yung sagot niya.

"Vanie anu ba. Matulog ka na nga!" Saway ni Erika.

"Okay lang, sasagutin ko." Low-key nagising yung tropa ko tapos nakatingin sila sa akin. Hindi naman halata ang mga gaga diba!!

"I can't offer anything. Friendship lang muna dahil mas magtatagal iyon." Nakatitig lang naman ako sa kanya. Baka dahil sa tama ng alak hindi ako nasaktan sa friendship na offer niya.

"Kahit gusto mo?" Tanong ni Sofia.

"Oo, hindi ko pa talaga kayang magTake ng risk lalo na kapag kaibigan ko. Hanggang friends lang talaga. Saka kapag friends ko friends ko lang." Magtatanong pa si Vanie pero pinigilan na siya ni Erika at sinabi na ihahatid na niya si Ayumi para makauwi na. Isa-isa na siyang nagpaalam sa amin.

"Sorry, hindi kita maihahatid. Nahihilo na ako." Ngumiti naman siya pero tipid lang.

"Sorry rin, Jaycel." Um-oo lang ako kahit deep inside alam kong double meaning iyon. So alam na niya? Ramdam ba niya o dahil lang madaldal si Vanie?!

"Manahimik muna kayo rito!" Sigaw ni Erika saka umalis na sila.

"Hoy group hug para kay Jaycel!" Sigaw ni Sofia tapos ay niyakap nila ako at sinabing okay lang iyon.

"Tanga, hindi naman masakit!" Sigaw ko. Tinapik naman nila yung ulo ko. Noong binitawan nila ako ay gumapang ako kay Joan tapos niyakap niya ulit ako at pinaglaruan yung buhok ko.

"Okay lang yan. Atleast alam mo na ang sagot niya." Tumango naman ako at naidlip.

"Tara uwi na tayo sa dorm mo. Doon kami ni Sofia matutulog." Aya ni Joan sa akin. Niyakap naman ni Erika tapos hinatid na sa elevator, hindi ko alam na nakasunod pala yung iba at niyakap ulit ako. Akala ata nila ay iiyak ako na parang bata.

"Salamat guys." Bulong ko. Pagdating namin sa dorm ay dumiretso higa na ako.

'Hinang hina ako ngayong gabi.'

Patawad, Paalam (Jaycel DelosReyes x Ayumi Furukawa) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon