Chapter SEVEN

164 10 0
                                    

Gale's POV

"Tweeen gumising kana dyan. Baka malate pa tayo."

"..............................." -ako. 

"Hoyyy, gumising ka na kasi, Ayy, naku ang mantika talaga matulog nang babaeng to.Sakit sa ulo. Tsk."

Kanina pa ko ginigising nitong best bitch friend forever ko at kanina na din siya nagrereklamo. Kung di nalang kaya niya ko gisingin para di na din sumakit ulo niya, noh?. Tsss.. Actually, kanina pa talaga ako gising at nagtutulog-tulogan lang kasi ayaw kong pumasok ngayon. Eh di ba nga ang hirap gisingin nang taong nagtutulog-tulogan lang? Magdusa siya. Hahahahahahaha

".............................." -me.

 "Ahh ganun? Ayaw mo talagang gumising maghintay ka't kukuha ako nang isang baldeng yelo para ibuhos sayo.Tingnan lang natin kong di ka pa magising nyan." Pagbabanta niya.

Narinig ko nalang ang yabag niya papaalis at pagsarado ng pinto. Ano to Ice Bucket Challenge? Bumangon nako at pumunta sa banyo para magayos. Saktong paglabas ko sa banyo ay ang pagpasok ni Yvonne na may dala-dalang isang balde ng yelo. Aba't tinotoo talaga niya?

"Bruhaaa ka .. pinakuha mo pa ko ng isang balde ng yelo ta's babangon ka lang din pala. Langyaaaa ka talaga." Inis niyang litanya pero di ko na siya pinansin. Wala talaga ako sa mood ngayon. Halata naman di ba? Di kasi ako nag co-conyo. Umupo ako sa couch ko na Eiffel Tower ang design sa may bintana.

"Anong drama yan, tweeennnn?" tanong niya at tumabi sakin.

"Pumasok ka na lang, tweeennnn, baka malate ka pa." sabi ko na nakatingin parin sa labas ng bintana. Maganda sana ang panahon ngayon, ako lang talaga ang ang di maganda ang gising. Paano naman kasi.. Aisshhhh. Kainis. Kahiya.

"FYI, lagi kaya akong nalelate. Spill it na. Ano ba kasing ine-emo mo dyan?"  Hay nako wala talaga akong kawala sa babaeng to.

Bigla nalang akong naiyak at humarap sa kanya. Huhubells talaga. Eh, sa ang babaeng ito di marunong magcomfort kahit yakap man lang eh. Binigyan lang niya ako nang tissue. Langyaaa talaga. -_____-

"Tumigil ka na nga sa pag iyak dyan. Ang pangit mo na. Aga-aga nagda-drama ka." Maldita talaga tong babaeng to. Kita mong nage-emo na ko dito wala man lang support. 

Ikinwento ko nalang sa kanya yung  nangyari nong first meeting namin nung nerd partner ko. Yun nga ang iniiyakan ko. Yung nakita niya ko na may laway sa mukha. Sa lahat ng tao ba't siya pa na member ng News Paper Club? Huhubells. Baka kasi pinag pi-pyestahan nako sa school. Ayaw ko nang mabully noh! Ang babaw ba? Eh ganito kasi talaga ako, iyakin.  Di din yun mababaw para sakin dahil pagkumalat yun sa school, goodbye popularity nako at pag nalaman yun nang butihin kong mommy lagot talaga ako. Huhubells T_________T

Alam niyo ba anong ginawa nang bitch tweeennn ko? Tinawanan lang ako kesyo nakakadiri daw ako at nakakahiya. Naiyak tuloy ako lalo. Huhuhuhu :'(

"Hayy nako ang babaw mo talaga tweennn magbihis ka na dyan at pupunta tayong school. Malay mo namang wala lang pala yun, ang paranoid mo lang talaga. Magbihis kana dyan. Mas papagalitan ka ni Tita kong a-absent kang babae ka ta's madadamay pa ko. Ayusin mong sarili mo. Di ba nga sabi mo maganda ka kahit may muta ka o nangungulangot ka. Panindigan mo yun. Laway lang naman yun." Sermon niya at umalis na.

Black Stars University: The QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon