I am a NEET

74 0 0
                                    


NEET means Not in Education, Employment, or Training. Ganyan ako ngayon. Bakit? Hindi ko rin alam. Madalas ay buong araw akong nasa loob lang ng aking kwarto. 


Anong ginagawa ko?


Naglalaro. 


Kung itatanong niyo kung anong laro, edi computer games. Online, offline, kahit ano.


Pero ang pinakapaborito ko ay online games. RPG kung tawagin o Role-playing Game. 


Doon ay naeexpress ko ang saloobin ko sa pamamagitan ng paglalakbay at pakikipaglaban. Doon rin ako nakakaranas ng mga bagay na hindi ko nararanasan sa tunay na mundo: ang magkaroon ng sense of achievement at kakayahan na gawin ang mga ito. Mas matapang ako sa mundo ng RPG dahil doon ay nakakatanggap ako ng mga encouragement kahit mula lang sa program o sa mga NPC na nagkocongratulate sa akin pag nakakatapos ako ng mission o quest. 


Hindi ko kailangang isipin ang pakikisama, dahil mga NPC o Non-Person Character ang mga nakakasalamuha ko. Mga nakaprogram na ang mga sasabihin nila at hindi ko na kailangang mag-isip ng sasabihin o ng iisipin nila dahil hindi sila tulad ng mga taong may sariling isip na puro malisya at pagdududa ang laman ng isip. 


Sa tunay na mundo, nagpapanic ako kapag may kumausap sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot dahil baka maoffend sila. 


Kahit anung gawin o sabihin ko ay palagi silang may nasasabi kapag nakatalikod na ako. 


Nakaguhit na rin sa mga mukha nila na naghahanap lang sila ng butas sa akin at ng masasabi sa akin. 


Hindi tulad sa RPG, walang pakialam ang mga NPC. Hindi rin ako obligadong makisama sa mga kapwa ko player dahil kaya ko mag-isa at maging successful sa RPG kahit walang ibang taong tumutulong sa akin. 


Nagagawa ko sa mundong iyon ang mga gusto kong gawin ng walang alinlangan o takot. 


Doon ay tanggap ako. 


Doon ay malakas ako. 


Doon ay kinikilala akong kapantay nila. 


Yan ang pinagkaiba ng Fantasy World at ng Real World.


Ito lang ang masasabi ko tungkol sa kalagayan ko ngayon...


Sana ang Fantasy World na lang ang naging Real World. Ayoko sa mundong tinitirahan ko ngayon...

I want to live in a Fantasy WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon