The Power of the Demon Slayer Dagger

22 0 0
                                    

Nakaupo lang ako sa paanan ng kama at nakasandal dito na siyang hinihigaan ni Nana. Nakapikit at pinapakiramdaman ang paligid. Mas lumawak nanaman ang field of vision ko sa perception skill ko. Mukhang naglevel up nanaman ito. Ngayon ay may night vision na ako dahil sa effect ng level 3 perception skill. Pero kahit naman wala ito, makikita ko pa rin ang kalaban. Tsk!


"Master!"  Salita ng Demon Slayer Dagger na nasa inventory ko.


"Ano?" Sagot ko gamit ang isip ko dahil may connection kami sa isa't isa na nagmula sa bond.


"Gusto kong lumevel!" Sabi ng Dagger.


"Hinihintay ko ang mga assassin na darating. Doon kita gagamitin para lumevel ka." Sagot ko.


"Ako rin! Ako rin!" Biglang sumabat ang Fire Fist Monkey.


Nag-uusap kaming tatlo sa loob ng conciousness ko.


"May naisip ako na plano." Sabi ko na nakahawak sa baba ko at nakangiti ng nakakatakot.


Nakatutok sa akin ng tingin ang dagger na nakaspirit form na hugis bata at ang Fire Fist Monkey.


"Ang tawag ko dito ay... Experiment Idle Grinding." Sabi ko.


"Experiment?"  Tanong ng Fire Fist Monkey.

"Idle Grinding?" Tanong din ng Dagger.


"Makinig kayong mabuti..." Lumapit sa akin ang Fire Fist Monkey at ang Dagger para makinig na masinsinan sa plano.


"WOW! MUKHANG MAGANDA YAN!!! GUSTO KO YAN! GUSTO KO YAN!" Tuwang tuwang sigaw ng Fire First Monkey na lumulundag sa tuwa.


"Paano kung mamatay ka?" Tanong ng Dagger sa Fire Fist Monkey.


Huminto ang Fire Fist Monkey sa paglundag at napatingin kay Dagger.


"Hindi siya mamamatay. Nakikita ko ang nakikita ni Fire Fist Monkey kapag nagconcentrate ako dahil Summon ko siya. Nakikita ko rin ang Health Bar niya at kung anung kundisyon niya. Pwede ko siya iunsummon kapag nasa panganib siya para bumalik siya sa kamay ko." Paliwanag ko.


"Yeeeeeeeyyyyyy!!!" Nagpatuloy ang Fire Fist Monkey sa paglundag at pagsayaw.


Unggoy nga lang talaga siya.


"Ikaw naman Dagger, batay sa description mo, kusa kang lelevel habang lumelevel din ako. Ibig sabihin, sa tuwing nakakatanggap ako ng experience points, nagkakaroon ka din kahit hindi kita ginagamit. Pero sa pagkakataong ito, ikaw ang pinakaprimary weapon ko habang minamaster ko ang Dagger Skills ko pero depende na rin sa sitwasyon kung magustuhan kong matuto ng ibang skill ng mas maaga. Pero hindi na yun mahalaga dahil lelevel ka pa rin kahit nakastock ka sa inventory." Mahaba kong salaysay.


"Pero boring kapag nakastock lang ako... Ilang daang taon akong nakastock at palipat-palit ng tao pero ngayon lang uli ako nakahanap ng karapat-dapat gumamit ng kapangyarihan ko." Sabi ng Dagger.

I want to live in a Fantasy WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon