The Elf Assassin

25 1 1
                                    

Sumunod din sa akin ang Great Swordsman na kalbo. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang kaniyang pangalan, nakikita ko ang pangalan niya sa itaas ng ulo niya. Heto ang effect ng upgraded Perception Skill ko na naglevel up nanaman. Kite ang pangalan niya. So, sa hinaharap, tatawaging siyang 'Legendary Berserker Kite'.

Malayo-layo pa lang ako ay natanaw na ako ng mga usher at usherette ng bahay-panuluyan. Nakikita kong mga bago sila at natanggal na yung mga unang nakita ko. Pero sa expression nila, parang kilala nila ako. Siguradong kagagawan iyun ng may-ari ng bahay-panuluyan. Kahit ang may-ari ay lumabas ng dali-dali mula sa loob upang salubungin ako sa pasukan ng bahay-panuluyan.

"Ginoo! Maligayang pagbabalik! Gagamitin mo na ba ang espesyal ng serbisyong isang linggo na inihanda ko?" Nakangiti at energetic na bati sa akin ng may-ari.


"Pag-iisipan ko pa. Sa ngayon ay mananatili lang muna ako ng panandalian dito para kausapin ang ito." Sabi ko sabay sulyap sa likuran kung nasaan ang limang alipin na nakakadena pa rin.


Tahimik lang ang limang alipin at naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Ang elf naman at si Nana ay halos hindi nagkakahiwalay ng tingin sa isa't isa. Ang titig ni Nana sa elf na nakadena ay parang nagpapahiwatig na magtiwala batay sa aking nakikita ayon sa perception skill ko. Ang apat na alipin ay mga mapanglaw pa rin ang mukha at nag-iisip kung ano nang mangyayari sa kanila sa kamay ko. Yun ang nakikita ko sa mga mukha nila.


"Ihatid niyo ang Ginoo sa isa sa pinakamalaking silid dito at dalhan niyo sila ng walong damit na pamalit!" Utos ng may-ari sa mga tauhan niya.


Agad naman silang kumilos at sinundan ko ang tauhan na magdadala sa akin sa pinakamalaking silid. Napansin kong dumaan kami sa isang malawak na sala na hindi ko pa nakikita nung una. Iba ang mga gamit doon. Ang bawat gamit doon ay pawang mga gamit sa isang palasyo. Sa isang bahagi ng sala na iyon ay may nakita akong mga mandirigmang kawal ni prinsesa Eleina. Doon siguro banda ang tinutuluyan niyang kwarto. Mukhang kasalukuyan siya narito sa bahay-panuluyan kaya bantay-sarado ang bawat sulok ng sala na ito. Sila pala ang nakita ko sa perception skill ko kagabi na mga nakahandang lumaban pero naghihintay lang ng pag-atake.


"NASAAN SIYA?!" Narinig kong tinig ng isang babae.


Lumingon ako sa direksyon ng boses at si prinsesa Eleina pala iyon. Nakita kong itinuro ako ng kawal na kasama niya at agad naman siyang tumingin sa direksyon ko. Nang makita niya ako ay parang nagliwanag ang mga mata niya na nagsasabing: 'Kailangan kong makuha ang tiwala ng taong ito'. Iyan ang nababasa ng perception skill ko batay sa expression at aksyon niya. Yamang siya na mismo ang nagsabi na may lakas ako na wasakin ang buong hukbo nila, hindi na ako magtataka kung gusto niyang mapalapit sa akin. Hindi ko alam kung ang iniisip kong lakas ay iba sa ibig sabihin ng lakas na sinabi niya nung araw na yun. Hindi ko maimagine na kaya kong magwasak ng isang kaharian sa lakas ko ngayon. Siguradong hindi bababa sa level 50 ang mga pangunahing mandirigma nila. Level 20 pa lang ako ngayon. Kung hindi lang dahil sa Abnegation Skill ko na Max Level ay hindi nila ako mapagkakamalang eksperto. Hindi pa ngayon.


"Ginoo! Narito ka rin pala. Mabuti naman at narito ka. Hinahanap kita simula nung umalis ka agad nung nag-usap tayo. Ang bilis mo maglakad kaya di ako nakahabol. Buweno, magpapakilala uli ako. Ako si prinsesa Eleina ng Southern Kingdom. Nais ko sana malaman ang pangalan at pinanggalingan mo, kagalang-galang na ginoo!" Nakangiting tanong ng prinsesa.


"Uhhh..." Bago pa ako makapagsalita ay sumingit ang kalbong Great Swordsman.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I want to live in a Fantasy WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon