Ugh...
Nawalan ako ng malay? Idinilat ko ang aking mga mata at nasilaw ako sa liwanag ng araw. Iniharang ko ang kanang braso ko para harangan ang sinag ng araw na sumisilaw sa mga mata ko. Umupo ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa paligid. Nasa damuhan ako... Isang malawak na damuhan. Wala akong makitang tao sa paligid. Puro damo at bulaklak lang...
Huh?
Napansin kong iba na ang suot kong damit. Isang manipis na damit na pangit ang tela at makati sa balat. Para akong pulubi sa hitsura ng damit ko ngayon. Kahit ang pantalon ko ay ganun din.
*Ting*
Waaaaahhh!
Nagulat ako nang biglang may lumitaw na notification window sa mismong harap ko kaya napagulong ako pabalik. Agad naman ako nakarecover at tinignan kung ano ang lumitaw na yun. Unti-unti akong lumapit...
'WELCOME TO FANTASY WORLD! DO YOU WANT TO GO TO TUTORIAL WINDOW BEFORE DOING ANYTHING ELSE? Y OR N'
Huh? Natatouch screen ba to o voice command? Try ko nga.
"Yes." Salita ko.
Lumitaw ang isang panibagong window sa ere.
'TUTORIAL: THIS IS THE FANTASY WORLD, THERE ARE MANY POSSIBLE WAYS TO LIVE. THIS WORLD WAS MADE FOR MYSTERIOUS PURPOSES. THE ONLY INFORMATION YOU MAY KNOW IS THAT THE CREATOR OF THIS WORLD IS BORED AND IN NEED OF SOME ENTERTAINMENT FROM SOMEONE. HOWEVER, ALL THINGS THAT WILL HAPPEN HERE WILL ACTUALLY HAPPEN. FOR EXAMPLE, IF YOU DIE, YOU ARE DEAD FOR ETERNITY. THIS TUTORIAL IS ONLY TO INFORM YOU, DAIRREN, THAT THE CREATOR WANTS YOU TO FIGURE OUT EVERY SINGLE THINGS IN THIS WORLD BY YOURSELF. YOU ARE ON YOUR OWN. YOU LIVE YOUR LIFE THE WAY YOU WANT. ONE THING IS FOR SURE: YOU REBORN TO THE WORLD YOU WERE WISHING FOR.'
Napangisi ako sa nabasa ko. Mukhang exciting ang mundong to.
Kung hindi ninyo naitatanong, above average ang comprehension ko pagdating sa english language. Sa tunay na mundo, bago ako maging NEET ay NERD ako noong nag-aaral ako. Obvious naman diba? Kaya nga naging ganito ang tingin ko sa mundong yun. Ano ang napala ko sa pagkakaroon ko ng matataas na marka sa school at mataas na honor sa graduation? Wala. Ang mundo ay laging nakabatay sa kung sino ang may lakas, may hitsura, may kapangyarihan, at may kakayanan. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon sa tunay na mundo na makabangon mula sa mga malakas at makapangyarihan na araw-araw tumatapak sa aking pagkatao at kahinaan. Simula ng mamatay ang pareho kong magulang, hindi na ako nakadama ng tunay na malasakit ng isang kapamilya. Ang tita at tito ko na nag-aalaga sa akin doon ay siguradong naghihintay na lang ng pagkakataon na maangkin ang pamana sa akin ng mga magulang ko. Alam kong nilalagyan nila ng kung anung chemical ang pagkain na pinapakain nila sa akin na unti-unting nagpapahina sa akin. Naririnig ko sila palaging nagbubulungan. Ang pagkakamali lang nila ay minaliit nila ang kakayahan kong mag-imbestiga at makahalata. Ngayon, magsisimula muli ako. Sisiguraduhin kong sa mundong ito, walang kahit sinong makakabully sa akin.
Humiga muna ako sa damuhan at pinagmasdan ang langit.
BINABASA MO ANG
I want to live in a Fantasy World
FantasyIsang binatilyong may Social Anxiety Disorder ang nangangarap na mabuhay sa isang Fantasy World kung saan ay kaya niyang mamuhay ng normal at maisagawa ang mga bagay na hindi niya magawa sa tunay na mundo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isan...