Summoner's Skill

29 0 0
                                    

"Ok nakita ko na..." Salita ko habang nakangiti.


Nakapa ko ang guhit sa sahig na ibig sabihin ay natatanggal ang parte ng sahig na yun. Kelangan ko lang hanapin kung paano tinatanggal to. Saka ko na gagamitan ng pwersa kapag hindi ko nahanap. Kapa-kapa uli... hmm...


"Yun!" Nabulalas ko nanaman.


Nakapa ko ang butas sa gilid ng guhit na yun. Natatakpan lang yun ng parang papel na kakulay na sahig kaya hindi halata. Ok nahawakan ko na ang magkabilaang butas. Iaangat ko na... 


Nakita ko ang isang libro na nakatago sa ilalim nun. Mukha siyang summoner's book kasi may malaki siyang icon sa pabalat niya na parang isang seal na ginagamit ng mga summoner sa mga RPG na nilalaro ko. Pero pwede rin spell book ito. Ang pinakaimportanteng bagay ay kung magagamit ko ba ito. Paano ko malelearn ang isang skill? Sa paglalaro ko kasi dati, pinipindot ko lang ang mga skill book tapos click ang learn. Ganun din ba dito? Try nga natin kung pwede... Binuklat ko ang libro.


*Ting*


'Do you want to learn Tame? Y or N'


Wow! Ganito lang yun? So... Pipindutin ko lang ba ang letter Y na nasa notification o magsasalita na lang ako? Hmm... Pindutin ko na lang para mas tahimik...


'Skill learned'


"Skills." Command ko.


Skills:

First Aid Level 1 [Active]

Steal Level 1 [Active]

Abnegation Max Level [Passive]

Tame Level 1 [Active]

Dagger mastery Level 2 [Passive]

                 -Critical Strike (For Dagger weapon only)[Active]

                 -Dagger critical chance (17%)[Passive]

                 -Bleeding effect chance (13%)[Passive]


Click ko ang Tame...


'Tame Level 1 [Active]

-This skill allows the user to tame any monster which is below his level. After taming a monster, it will become a seal that will be imprinted on the tamer's skin. The monster will become level 1 after tamed. The user will have the power to summon and unsummon the monster. If the monster dies, its seal will be gone. If the user dies, all the monsters will die. You can tame only 1 monster for now.'


Hindi ko alam kung paano idedescribe ang expression ko ngayon pero maihahalintulad ko ang mga mata ko ngayon sa isang anime character na naging bituin ang mga mata dahil sa sobrang pagkamangha. Hindi ako makapaniwalang magkakaroon agad ako ng ganitong klaseng skill! Woooooowwwww! Walang sinasabing may percentage chance. Ibig sabihin, 100% matetame ko ang kahit anung monster basta mas mababa ang level sa akin...

I want to live in a Fantasy WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon