K A B A N A T A 1
——————————
"Eleur! Tara na kasi. Di ka nga papansinin niyan, tsaka matanda na iyon." sabay hila sakin ni Sage.Nagtatago kaming dalawa sa likod ng puno at mga ilang kilometro rin ang layo nila sa pinagtaguan namin. Pumunta pa talaga kami sa building nila para lang masilayan ang anghel niyang mukha.
The way his thick eyebrows met when he's confused. The way his lips unconsciously pouted when he's bored. The way he smiles. The way he laughs. The way he talked. The way he clenched his jaw. I loved all of it.
Patuloy pa rin akong hinihila ni Sage papunta sa canteen. I am just a highschool sophomore while he's a senior. Age doesn't matter okay.
"Gutom na gutom na ako, Eleur!"
"Oo na, kakain na tayo. Ikaw ang umorder ako ang maghahanap ng upuan para sa'tin," I said.
She glared at me and then nodded.
Lunch na kasi ngayon kaya marami ang nandito. I roamed my eyes everywhere to find some vacant seat pero wala akong nakita. Maybe sa likod nalang kami ng canteen kakain, may wooden table and bench rin kasi do'n at tinatambayan rin iyon ng mga seniors.
Kaya naman umupo na ako do'n. Kinuha ko muna ang phone at tinext si Sage.
Eleur :
Nandito ako nakaupo sa likod ng canteen, tambayan ng mga seniors. Bilisan mo baka maabutan pa tayo ng mga iyon.
Mabilis pa sa alas kwatro ang reply niya. Naiinis na iyon.
Sage :
Oo na po, mahal na prinsesa. Papunta na po. Pakain ko sayo itong tray e, makita mo lang!
Napangisi nalang ako sa kabaliwan niya. Ilang segundo rin ang nakalipas ay nandito na rin si Sage.
"Thank you, Saggie!" nakangising pasalamat ko.
Tumingin siya sakin at umirap na tumawa rin pagkatapos. Nagsimula na kaming kumain nang bigla siyang nagsalita.
"Ba't kaba nagkagusto sa lalaking iyon, e matanda pa sayo iyon ng 5 years." pang ilang milyon na niyang tanong sakin.
Inirapan ko siya bago nagsalita.
"Wow! Nagsalita pa, excuse me lang ha, he's not that old okay, Age doesn't matter. Tsaka gusto ko iyong matured. Huwag ka nga magmalinis no!"
Magsasalita na sana siya pero may narinig kaming papalapit na tawanan. Nagkatinginan kami at mabilis tinapos ang pagkain.
Hinila ko siya,"Tara na! Sage, bilisan mo."
"Aray naman! 'Teka lang 'yung tubig ko. Hindi pa ako nakainom." bumalik pa siya sa mesa at kinuha ang tubig pero bago pa kami maka-alis ay tinawag na kami ng pinsan ko.
"Where do you think you're going, Eleur, Sage?" I was stunned when my idiot cousin Vali mentioned my name.
Sabay kaming humarap ni Sage at ngumiti, na parang walang nangyari. Deretso akong tumingin kay Vali at hindi mn lang dinapuan nang tingin si Ares na bored nakatingin sakin. Biglang tumigil ang paghinga ko nung hindi ko na talaga napigilang tignan siya. Oh god! He's killing me, seriously.
"Hey! Balita ko sinagot mo iyong manliligaw mo," asar niya sakin.
I looked at Vali and glared at him. Damn him! Pinapahiya mo ako sa harap ng crush ko.
"Hindi ko sinasagot ang mga manliligaw ko kaya tumahimik ka! Panget mo," I said while still giving him my deadly look.
Bumungisngis naman iyong mga kasama niya pati narin si Sage. Pero nakangisi lang si Ares. Kung sana pwede siyang titigan magdamag pero hindi pwede. Baka malaman pa niya na may gusto ako sakanya, maisip pa niyang parehas lang kaming mga babaeng nagkandarapa sakanya.
BINABASA MO ANG
Blemishing Beauty of Love (Cries of Affection#1)
RomanceCries of her affection will be the death of him.