K A B A N A T A 2
——————————Seven ng gabi na kami naka uwi dahil gumagawa pa kami ng report. And sinabihan ko narin sina mom at dad na late ako makauwi.
Mommy:
Go home early, Eleur.
Daddy:
The time, darling.
I sighed in frustration.
"Chat tayo, Sage. Ingat!" ngiting sabi ko sakanya pagbaba nang sasakyan nila.
"Thank you, una na kami, Eleur." she said, giving me a flying kiss.
I laugh at her stupidity, but I find it sweet though. Pumasok na ako sa bahay at nadatnan si Daddy at Mommy na naguusap. Walang bahid na tuwa at seryosong seryoso ang paguusap.
Lumapit ako sa kanila, "Hi, Mom." nagmano rin ako kay daddy. "Hi, Dad."
Napatigil sila sa paguusap at nasa akin na ang atensyon ngayon.
"You are late, Eleur." kalmadong sabi ni daddy.
Tumingin sila sakin at umiling. I smiled sadly at them. They looked disappointed lalong lalo na si Mommy, and I hate it.
"I'm sorry Mommy, Daddy. Gumagawa pa po kasi kami ng report. But, don't worry hindi na po ito mauuli-"
Mom interrupt.
"You have your curfew right? Dont you know how to read a time? How many times did I tell that you must be home at 6:00 PM! Magagawa niyo naman ang project dito diba or baka lumalandi ka kaya ka nalate."
Hinawakan ni daddy ang balikat ni mommy at hinawi niya naman iyon. Napayuko ako sa kahihiyan. She couldn't hide her disappointment and it hurts me."What's happening?" Kuya said na kakarating lang.
Makikita mo talaga na galing pa siya sa trabaho dahil naka white long-sleeved siya na nakatupi at black pants.
Nagmano muna siya kay Mommy at Daddy bago bumaling sakin. Nagtagisbang bagang niya nang nakita niyang basa ang pisnge ko.
"Hey," he said softly.
Niyakap ko siya. I missed him.
"Hey, lil princess." namamaos ang boses niya na parang kakagising lang.
I bit my lip.
"Kuya," I know I'm over reacting but naiiyak ako. Pinigilan kong humikbi.
"Iyang kapatid mo, Everick! Kakauwi lang niyan. Pagsabihan mo yan.
." sabi ni Mommy at umalis.I heard him sighed.
"Dad."
"I'm sorry for that, honey. May problema lang yung mommy mo. Maaayos din to." sabi ni daddy.
Tumango lang ako at nakayuko parin.
I feel like I do not belong in this family. Ramdam ko naman yung pagalala nila eh, but I feel like I am not loved. Siguro may pagmamahal sila, katiting pagmamahal na sa puntong nakakasakal na. I want my freedom, my freedom to choose.
But, I understand them. They can't tolerate my behavior. Their just concern na baka may mangyaring masama sa kin.
"H-hindi na po mauulit daddy. I am very sorry." I said between my sobs.
Daddy hugged and kissed my forehead. Kami nalang ni Kuya ang nandito dahil sinundan na ni daddy si mommy.
Bumaling ulit si kuya sakin.
"Its okay, Eury. We can make mistakes sometimes. Nagaalala lang sila para sayo, just don't be mad at mom. We are family remeber?" he said while wiping my tears.
Tumango ako.
"Sorry, K-kuya. I will not do it again."
He chuckled and pat my head.
"Stop saying sorry. Now, go to your room and change." he said.
Tumingala ako.
"Huh? Where are we going ba?" nagtatakang tanong ko.
Kuya looked everywhere na parang ayaw niyang may makarinig sa sasabihin niya. I chuckled, he looked like a kid.
"Carnival." he winked at me.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Really? That is our favourite place!
Napawi ang ngiti ko at tinignan ang relo. It's already 8 PM. Plus, pinagalitan na nga ako, gagala parin.
"Don't worry, hindi ko sinabi kay mommy. I already asked your permission to dad." nakangiting sabi niya
Oh god! How I missed that place so much.
"Thank you, Kuya!" nagmamadali akong umakyat at nagbihis.
Jacket, short and sneakers lang ang sinuot ko dahil komportable ako dito. Lumabas na ako at madaling pinusod ang buhok, just a messy bun. I heard mom and dad arguing inside their room. May balak pa sana akong makinig pero tinawag na ako ni kuya.
I closed my eyes, trying to calm myself. I'm disappointed with myself, ako pa yung dahilan na nag-aaway sila.
"Eleur, are you okay?" nag-aalala na sabi ni kuya pagkatapos buksan ang pintuan ng sasakyan.
Tumango ako at tipid na ngumit.
He sighed and did not ask again. He knows me well and alam ko na hindi siya nakontento sa sinagot ko.
Pumasok na rin siya sa sasakyan at tumulak na kami. Pumili ako ng kanta sa cellphone ni kuya. Puro, Side A yung nasa playlist niya. Pinili ko yung closer you and I kasi 'yon ang isa sa paborito ko.
Nagkantahan kami at walang hiyang bumirit pa si kuya. Alam ko namang gumawa siya ng paraan para paga-anin ang bigat sa dibdib ko. And at least, nabawasan naman. I am very happy that someone cares for me, and he is my hero.
Sometimes, I get insecure when mom always pay attention to kuya, na para bang si Maverick lang iyong anak niya. But I did not get mad at him, not even once. Tahimik lang ako at naghihintay na pansinin nila.
Hindi ako nagagalit o nagtanim man lang kasi hindi ko kaya na dahil sa galit ko paglayuin kami. Tingin ko nga si kuya lang ang may paki at nagmamahal sakin eh.
"Malapit na tayo," kuya said.
Natanaw ko ang iba't ibang ilaw, mataas na Ferris Wheel, at mga batang masayang naglalaro. It was elated to see it from here.
The euphoria I am feeling right now is unstoppable. Last time I felt this happy was my thirteenth birthday. Dinala rin ako ni kuya noon.
Nang nakapag park na si kuya ay nagmadali akong lumabas. Narinig ko pa nga ang pagtawag ni kuya sa akin pero di ko na inalintana pa iyon. All I need is to have fun while I'm here!
I closed my eyes, reminiscing the happiness I left here.
Pagmulat ko ng mata ay ang nagaalalang mukha agad ni kuya ang tumambad sakin. I chuckled and ignored his worried face.
"Come on kuya, let's enjoy!"
Hinila ko ang kamay niya at pumila kami para bumili ng ice cream pero hinila niya ako para mag dinner raw muna. Oo nga at hindi pa pala ako nakakain.
"Thank you for bringing me here, Kuya."
I smiled at him genuinely.
"Of course. I don't want to see my li'l princess crying." then he pat my head.
BINABASA MO ANG
Blemishing Beauty of Love (Cries of Affection#1)
RomanceCries of her affection will be the death of him.