"It seems to be a serious problem....- sabi ko sa sarili ko..
Shit! Hindi ako makatulog sa mga paguusap na nangyari saamin kanina ni tita sol, she's so dear to me...to us. Her loyalty,.. hindi dapat ako naghihinala sakanya ng masama..- pero bakit ganito na lang ang pag-aalala ko sakanya, sa galit na nakita ko sa mga mata nya though sandali lang ang pagtitig ko sakanya kanina nakita ko ito at natatakot ako....- natatakot ako sa pwede pang bagay na matuklasan ko....
*Sigh....
JONI
Tinanghali nanaman ako ng gising dahil sa inistorbo ako ng isa kong talent. Kinukulit akong bigyan pa sya ng mas malaking project, duh?!!! E ilang bigtime project na ba ang pinalagpas ng gunggong na yun!!! Nakaka P***NG*NA na lang. Nakakastress grabe!!! Pero masaya ko..- totoo!! Masaya ko sa trabaho ko sa ibang mga talent lang naman ako nasstress eh, yung mga nagkaka-hydrocephalous???!!(tama bang spelling ko??correct me if i'm wrong hehe). Yung tingin nila sa sobrang dami ng fans nila e hindi na nila kailangan ng manager na tulad ko. Haays!!!! Wag ko na nga munang pagiisipin yung mga yun!! Ke bata bata ko pa baka malosyang ako bigla maging zai ako.hahaha wag kayong maingay ahh!!! Speaking of zai,. Tinawagan nya rin pala ako kagabi at dito sya nakitulog saakin., - Yes. Saakin, i have my own pad near to my office para madali akong mahagilap ng mga talents ko... anyway ayun nga isa din ang bff ko sa dahilan kung bakit ako tinanghali ng gising at shocking!! Tulog pa din ang bruha until now??!!! It' s 11am??!! Impossible!!! Early birds to ehhh.. hmmmm somethings wrong with her... is she??? Ohhh my... wait.
"Zai? Wake up na. Tanghali na wala ba kayong date ni Ginno ngayon? O hindi ka ba pupunta sa shop mo to work??? Oi zai?..."- sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kumot na nakabalot sakanya. Kahit kelan talaga tong babaeng to hindi pwedeng walang kumot pag tulog...aba! Ayaw nyang pang bumangon? Nakapagluto na ako ahh.
"Zai!!!! Gising na!!!! May sunog!!!!!!- aba ayaw pa din.
"Zai!!!! Buntis ka ba??!!! Ha????!!! Umamin ka!!!- sigaw ko sakanya habang mahinang hinahampas dito ang malaking unan ko. Akalain mo tinanggal yung kumot nya ng bahagya sa ulo at masamang tumitig saakin??? Hahahahaha. Epic ang face ni zai.
"Bruha ka. San mo naman yan napulot? Ganyan na ba kadumi isip mo Jonina?- sabi nito na malumanay pero may diin. Oops! Napikon haha alam ko naman na hindi nya gagawing ibigay agad agad ang bataan kay Ginno... kaya lamang nagtataka ako ng bigla itong tumawag at sabihing makikitulog sakin. At pag dating naman sakin akala ko magkwekwentuhan kami... e hindi.- nanuod kami ng movies til 4am. And kapag yan nanunuod e super focus, wag na wag mong iistorbohin dahil ninanamnam nito ang bawat eksena sa movie... o diba?? Ang saya saya ng life nyan. Hahaha..
"Ehhh??? Ano ba kasi? Bakit ka ba dito nakitulog?? Bihira lang to sa blue moon ahh. Hindi naman kita matanong tanong kagabi dahil sa siryoso kang nanunuod."- sabi ko at umupo na sa kama.
"Mamaya ko na ikkwento. Kain na muna tayo.. ano naman niluto mo para sa bff mong minsan lang sa blue moon makitulog sayo??"- sabi nitong biglang alis sa kama dahilan para mahulog ako.- aba't maldita talaga tong bff ko hmmmmmp!! Kundi lang to matanda sakin nwrestling ko na to e! Choz! Haha kakapikon lang. Pero labs ko yan haha loka loka.
" aray!! Bigla bigla ka naman! Masarap niluto ko noh! Maghilamos ka muna nga lalabas na ko at sumunod ka na sakin sa dining! Sakit ng balakang ko ahhh!! Gagantihan kita humanda ka!! Hmmp!! " sabi ko na hahabulin ko pa sana sya bago ako lumabas kaya lang mabilis itong pumasok sa banyo. Grrr....
ZAI
Pigil ang tawa ko sa bff ko habang pinakikinggan ang mga pinagsasabi nito habang akala nito ay tulog pa ako. Ang totoo hindi ako nakatulog sa iniisip ko mula pa kagabi kaya naisipan kong bulabugin tong bff ko.. hahaha hindi ko mashare kay Ginno ito dahil hindi sya makakarelate sa feelings ko. At siguro medyo nahihiya pa ako dito... pagkatapos kong maghilamos at mag mumog lumabas na ko ng kwarto ni joni actuallt may guest room sya ayoko lang dun matulog at kagabi ay ayokong mapagisa. Gusto kong magisip isip with distructions i know it's kinda weird but that is me... Pag stress ako dinadaan ko sa movie marathon ang lahat. Focus kunwari sa panunuod pero may malalim na iniisip. Ganun ako.
"Aray!- reklamo ni joni dahil sa hinatak ko yung buhok nya nung nakita ko ang pinagluluto nito.
"Anong masarap pinagsasabi mong niluto mo??? E puro instant 'tong nasa lamesa mo?!!!ganyan ka ba sa bff mo na MINSAN LANG SA BLUE MOON MAKITULOG SAYO???!!!_ - sigaw ko pa dito. Aba e ang nakahain ba naman e instant noodles???? At pancakes ng fast food??!! Grabe talaga tong babaeng to katamad magluto. Nakakapagtaka dahil ang mga magulang nito ay mga sikat na chef sa bansa kaya nga may fine dine resto sila e. Actually di naman talaga ako nagulat kasi expected ko na na hindi nya ko mapagluluto hindi dahil sa hindi ito marunong kundi wala itong hilig magluto. May alam sya sa pagluluto pero tamad talaga ito sa gawaing iyon. Ako ang mahilig magluto saamin, gusto ko lagi sa pantry area nila kami every weekends dahil pinagmamasdan ko lahat ng cook nila kung papano magprepare ng lahat ng menu nila sa restaurant nila na sya namang laging natutulog sa counter area kaya laging naiinis ang mommy nya dito. Kahit ganun man, magkasundong magkasundo kami nyan...
"Eh alam mo namang tamad ako magluto at yang noodles na yan masarap yan galing yan sa japan. Pasalubong ng isa kong talent, nung nagconcert sya dun. Kaya kumain ka na, buti nga dinagdagan ko pa ng pancakes e, alam ko naman kasi na matakaw ka.- sabi nito na halatang namimikon lang din.
" tse! Tumigil ka na dyan. Kakain talaga ko noh! - at kumain na nga ako at knwento ang mga nangyari saakin kahapon lahat mg detalye sinabi ko dito.
***
Oha oha. Bumalik na ko!!!! Readers??? Meron ba??? Paramdam naman oh isa lang. Apir!! Haha
Enjoy reading lang po ahh.. salamat sainyo kahit iilan lang.. :) salamat!!! Mwah mwah tsup!!!
-Itsmeabby33