Zai
Hindi ko alam kung paano kami nakabalik ng Manila ni Ginno. . buong byahe akong tulala everything becomes so hard for me now, ang Planner na tinutukoy ko ay may sulat ni daddy saakin… lahat ng bilin. Pangaral nakasulat doon.. in short minana ko pa iyon sakanya. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ba ito mararamdaman. Parang nawala ulit si daddy saakin.
“zai… we’re here. -untag saakin ni ginno na nagpabalik saakin sa reyalidad.
“oh. Thank you!- sabi ko at mabilis na bumaba sa kotse nito…
“teka zai! – habol nya.
“hindi mo man lang ba ako papasukin sainyo? ….
“I’m sorry…-sabi ko na hindi ko alam papano ipapaliwanag yung nararamdamang bigat sa dibdib ko. Hanggang ngayon kasi naiinis parin ako sakanya, ayoko man syang sisihin sa mga nangyari eh yun ang nararamdaman ko.
“oh. I get it! I’m so sorry babe. I know how tired you are.. next time… - eventually he said.. he kissed my forehead and mabilis na itong pumasok sa kotse nya sinilip pa ako and he just whispered “I love you”….
Mabilis lumipas ang isang buwan… araw-araw akong sinusuyo ni Ginno kaya nawala na din ang inis ko sakanya at syempre mahal ko yan.. ako pa ba magiinarte? .. sinabi nito saakin na binigyan ng trabaho ni Adrian sa resort nito ang binatilyong kumuha ng bag ko, sabi nito kaya nya iyon nagawa ay dahil sa kailangan ng pambili ng gamot ng tatang nya.. ang matandang lalaki na umampon umano sakanya. Tumatanaw daw ito ng utang na loob sa pagkupkop sakanya mula pa pitong taon nya.. Adrian investigates all about it.. ayokong maging nega pa ukol dito,.. I know everyone needs a second chance in life in fact bata pa ito para hindi ko pagbigyang magbago, naisip kong sobrang kailangan nya lang ng pera ngunit sa maling bagay nauwi ang paghahanap nya nito.. iyon ang dahilan ng pagpipilit nitong makapasok ng trabaho sa resort ang kumita ng pera sa paraang gusto nya, magaling itong lumangoy kaya isa ito sa mga lifeguard doon.. hindi ako nagtatanim ng galit sa kahit kanino, kaya madali ko na ding natanggap ang pagkawala ng planner ko.Nagtataka nga daw itong si Ginno dahil binigyan ng oras ni Adrian yung bata., and it’s very rare attitude of him. Siguro daw nagbago na si Adrian since mawala ang fiance nito dalawang taon na ang nakakaraan., ngayon na lang din naman daw sila nagkita nito. Oo nga pala, I didn’t say anything to Adrian after all what happened in his resort, twice nya na kong tinulungan,.. at palaging hindi ko sya napapasalamatan. Eh pano naman kasi bigla biglang sumusulpot kung saan. And hindi man lang nagpapakilala. Feeling close agad. Tsk! Anyway… sa ginagawa ni Ginno saakin this past few days, nawawala bigat ng loob ko sa pagkawala ng planner ko… and maybe may gustong iparating saakin ang daddy sa pagkawala nito, he wants me to be totally independent. Maybe? ?
Ngayon nga nandito kami sa isang restobar, may acoustic band na katulad ng sa coffee bar resto ko. sawa na daw ang bff ko dun sa bar ko.. medyo sumama loob ko sa sinabi nito but I know she’s always joking around… walang tigil ang bunganga nito kakasabay sa mga kanta ng banda… hahahaha namiss ko tong bruhang ito. Nakwento ko na sakanya lahat lahat dahil nandoon pala sya sa bahay noong umuwi kami galing batangas.. oo, kahit na hapong hapo ako eh pinilit nya akong magkwento. Di ba napaka walang hiyang kaibigan??? Kaya pinagsasabunutan ko muna bago maikwento lahat.
“bff!!! Sumayaw nga kayo nitong si Ginno!!! Bilis bilis!! – bigla nitong sabi saakin na pilit kaming itinatayo ni Ginno.
Eh? Slow songs?? Ano to? Prom night lang ang peg? Ganurn? Hahaha naku umandar nanaman pagkabakla ko. haha
“ano ba jonina!!! ?? tigilan mo kami ha! -bulong ko dito na nanggagalaiti at nagpipigil na sabunutan ito.
“ano ba yan zai? Sige na mukha akong chaperone nyo dito eh! Oh! Talaga nga palang chaperone nyo ako. Dahil magjowa nga pala kayo. Ang sama nyo. Hmmp! – sabi nito na himig nagtatampo and naninisi. Oo nga pala pinilit ko syang Isama dahil namimiss ko na nga din sya eh di ba? Hmmm….. kakulit!!!
“sige na zai.. para lapitan na ko nung guy na nasa kabilang table oh! Kanina pa nakatingin saakin eh. -biglang bulong nito at itinuturo ng nguso ang lalaki tatlong mesa ang layo saamin. Loka lokang babae ang layo nun ah pano nya pa napansin eh dim lights pa dito na red green orange??? Grabe sya. Hindi ko alam kung matatawa ko o maiiling, mas pinili kong umiling na lang..
“babe.. shall we? – Ginno offer his hand to me… I am shocked. Whoah!
“Ginno?? – kunot noo kong sabi dito.. but I can’t resist he’s smile… that smile tho. ~-~
“please babe.. – he beg. .Kaya wala na talaga akong nagawa kundi abutin ang kamay nito.. I am shaking Gosh!
“relax lang babe.. nagsasayaw lang tayo.. -he whisper into my ears at kinabig pa akong palapit sakanya kaya ang siste nakayakap na ako sakanya. Parang hindi naman na kami sumasayaw. His lips is in my ears kissing it.. kaya I feel so tense.. yung kanta pa…”all of me? By John Legend“… I bit my lower lip just to not make sounds… and say what is on my mind right now.. gusto ko na kasing umuwi at matulog na kasama sya. Hahahaha ihhhhh!!!!
“babe?..-nagulat ako sa tawag nya.
“ye-yes? – oh my G! zai? Nagbubuff ka?
“can we go somewhere else? Just the two of us… - sabi nito na hinarap ako at tinignan sa mata.
“hu-huh? Where? – sabi ko dito na may pagkalito.
“just come with me. – mabilis na hatak na nya ko palabas… nang bigla kong naalala si Joni! Hala si joni hindi ko pwedeng iwan.
“wa-wait!!! Wait Ginno! Si Joni… - pigil ko dito bago kami pumasok sa kotse nito.
“oh! I’m sorry. I forgot about her…- parang ngayon lang din sya natauhan sa mga pinagsasabi nya kanina at ginagawa. Hindi naman kami gaanong uminom ah kaya hindi ko masabing lasing sya… maybe he just want us to be alone..
“babalikan ko lang if uuwi na tayo? Ihatid na muna natin sya sakanila.. -sabi ko akmang babalik na ako sa loob ng pigilan ako nito.
“babe! Ako na lang ang papasok. – sabi nito at patakbong bumalik sa loob ng restobar kaya wala na akong nagawa.. pansin ko lagi akong walang nagagawa. Hahaha… pumasok na muna ako sa loob ng kotse habang naghihintay..
Nagulat ako dito ng biglang pumasok sa kotse…..
“where’s joni? – nagtaka ko wala ang bff ko.
“she’s with somebody right now.. she don’t want to go home yet. Maaga pa daw, bahala daw tayong mauna. So I let her. – sabi nitong balewala lang na hindi namin kasabay umuwi si joni.. but for me it’s not okay. Kaya mabilis akong lumabas ng kotse. Kung kinakailangan kong kaladkarin palabas si joni gagawin ko, kami ang kasama nya dumating dapat kami din ang kasama nya paalis, though kilala ko si joni na hindi magpapabaya sa sarili eh hindi pwedeng iwanan na lang namin syang mag isa dito.
“Jonina! – tawag ko dito ng makalapit sakanya, may kasama itong long hair na lalaki, hindi ito yung tinuturo nya kanina ah. Oh! I remember na! yung vocalist ng banda. Wow!
“oh?! Bff? Akala ko umuwi na kayo ni jowa?? – tang inang babae to. Lasing na yata. Namumula na eh. Mabuti at bumalik ako. Hinatak ko ang braso nito.
“excuse us.. thank you. – mabilis kong sabi sa lalaki at hinatak si joni palabas ng bar.
“wait. Wait! Zai! What are you doing??! Can’t you see? I’m with someone. Para ka namang tanga. – sabi nito with irritated tone. Nagpanting ang tenga ko. Ano? Ako? Tanga??? Hay nako! Pasalamat sya nakainom sya kung hindi sasampalin ko talaga sya.
“you’re drunk joni.. you need to go home with me.. with us.- mahinahon kong sabi ngunit madiin ang bawat salita.
“oh! Come on!! Zai ayoko pang umuwi.. ngayon palang nagsisimula ang gabi. Hindi ba?? Parang first time mo namang magbar? Eh may restobar ka nga din di ba? Tsss. -sabi pa nito, siryoso? Si joni ba ito? Parang may kakaiba..no she’s not my jonina marie…
“jonina. You have a problem do you? – tanong ko dito. Kakaiba ang kilos nya since last month pa. and I forgot to ask her dahil sa dami din ng iniisip ko. At hindi ako sanay na ganito sya.. wala syang nililihim saakin. Never syang naglihim.
“its nothing zai. Don’t mind me. Just go, I can manage. – sabi nitong tinalikuran na ako.
“see you tomorrow!!! – sigaw pa nito na tinaas ang isang kamay habang naglalakad papasok muli ng restobar.
“sigh. – that’s all I could say.
“oh?? Where is she?? – tanong saakin ni Ginno.. nagkibit balikat na lang ako. We have to go home, I’m tired….
“babe…
“hmmmm??? -nakatulog pala ako grabe.
“where are we? – takang tanong ko dito nang mapansin kong hindi saaming lugar ang pinaghatidan nya saakin.
“ahm.. we’re here at my rest house in tagaytay.. – he said
“whaat? ?- ganun ba ko katagal nakatulog? Bakit di nya ko ginising??
“calm down babe.. napansin ko kasing you’re so stressed this past few days, hindi ka naman nagenjoy nung nasa batangas tayo.. so I decided to bring you here.. para marelax ka ng konti…- he said na parang nahihiya dahil nakahawak pa ito sa batok.. that cute moves of him…
“and besides.. it’s our 2nd month anniversary now… - he sweetly said
“ohhh.. I’m sorry I almost forgot.. – sabi ko dito na talagang nakalimutan ko naman. Hindi ko alam na thoughful pala sya.. our first month is not that special because of what just happened in batangas....