CATCH UP (Jazz)

41 0 0
                                    

“Since everyone of us are sharing.. hahaha I think .. YOU…” sabay turo sakin ni Kass “Jazztine Francine should do the same” natatawang sabi niya

“Para naman kayong bago ng bago sakin.. ganun parin ako.. Nothing has changed..” sabi ko naman saabay inom ng Jager

“The Ice Queen” sabi ni Lauren

“Hey don’t be mysterious aryt? Di mo bagay girl. Alam naman naming lahat na ikaw ang may pinakabatong puso satin.. at nasa loo bang kulo mo.. hahah” sabat naman ni Eula

“I’m not mysterious, missy.. “ sabi ko naman habang kumuha ng chips para ibato kay Eula

“E ano nga ba.. may nagpapatibok na ba jan sa puso mo? Masyado ka kasing masikreto ngayon, Jazz..” May nagpalambot na bas a mala.yelo mong puso..” sabi ni Lauren

“Wala.. AYOKO” mariin kong sagot sa kanila

“Jazz, hanggang kealan?” tanong ni Lauren with her soft facial expression.. Ito ang hirap pag matagal na kayong magkakaibigan e.. lahat alam nila sayo.. wala kang maitatago

“Hey hey.. we are not here for a drama.. ano ba kayo.. naka.move on na ko..” sabi ko naman

“yeah right, we buy it, Jazz” sabi naman ni Eula

“samin ka pa ba magtatago, Jazz?” natatampong tanong naman ni Lauren

“Naka.move on na ko.. it’s been three years na din naman.. pero.. iniiwasan ko lang naman na maulit uli ang pangyayari nay un.. baka pag naulit pa hindi ko na kayanin.. “ sagot ko naman sa kania

Flashback

Minulat ko ang mata kong mugtong mugto sa kakaiyak kagabi.. agad kong tinignan ang cellphone ko na may pag asang may magandang balita sa kalagayan niya.. at binuksan ko naman ang message ni Kuya Marvin

Jazz, Wala na siya..

Parang biglang huminto ang ikot ng mundo.. biglang huminto ang oras kasabay narin ng pag hinto ng puso ko.. wala na siya.. halos manghina ako at hindi makapaniwala sa menhase na natanggap ko. Parang kagabi lang magkatext pa kami.. yun na pala ang huli. Wala ako sa sariling nagpunta sa banyo para magbuhos at nagpunta ako agad sa ospital kung saan siya naka.confine

Habang naglalakad ako lutang na lutang ang isip ko.. sana masamang panaginip lang to.. o joke lang ito ni Kuya Marvin o ng kanyang asawa na si ate Rachel para magmadali akong magpunta sa ospital.. Ganito pala yung feeling na lahat ng inaapakan mo parang biglang gumuguho kasabay ng mga luhang hindi mapigilang bumagsak mula sa mata mo

Nang makarating ako doon agad na bumungad sakin ang yakap ng mga parents niya,… at  doon mas lalong sumabog ang emosyon ko.. masakit.. nakakatakot.. nakakalula.. hindi ako makapagsalita basta nararamdaman ko lang ang luha na gumagapang pababa ng pisngi ko..walang effort silang tumutulo

Niyaya nila ako kung saan naroon siya at iniwan nila kami doon..

Tinignan ko ang muka niyang napaka.amo.. yung muka niyang minahal ko ng husto.. agad koi tong hinaplos

“ang daya mo.. ito na pala yun.. mas uunahan mo pa pala ako.. kala ko ba.. sasamahan mo ko lagi.. pero.. nasan ka na.. iniwan mo na ko..” naluluhang sabi ko

“Mahal na mahal kita, Leo.. Nakikita ko na nga ang sarili ko na ikakasal sayo.. pero.. hindi pala matutuloy.. Isang buwan nalang Leo.. isang buwan nalang ikakasal na tayo e.. ang daya mo talaga.. pano na ang mga plano natin.. mawawala nalang pala sila.. Leo.. “ di ko na mapigilan ang paghagulgol ko..

Naaksidente si Leo.. Car Crash habang pauwi mula sa fitting ng kanyang tuxedo na isusuot sana niya sa kasal naming next month.. at doon.. doon tumigil ang puso ko na magmahal..

May mga bagay talaga na akala mo yun na.. akala mo meant to be na.. yun pala trial version.. may expiration.. Simula din nang araw na yun.. hindi na ko naniwala sa forever.. pano pa magkakaroon ng forever e mas nauna na siya sa forever..

 

Oo.. namatayan ako ng fiancée.. fiancée na minahal ko simula pagkabata namin.. mahal na mahal ko si Leo at alam kong hanggang ngayon, natatakot padin akong ibigay ang puso ko ng buong buo.. natatakot akong maiwanan uli.. Kaya simula nun mawala siya.. puro pagpapaasa nalang ang ginagawa ko sa mga lalaki.. date date.. tas pag natatapat na sila.. umaayaw na ko… mahilig ako sa unofficially yours..  walang commitment.. o kaya sandal lang.. para hindi ako ma.attached sa kanila.. mawala man sila.. di ako mawawasak..

Bigla akong natigilan at nakabalik sa realidad ng maramdaman ko ang yakap ng mga kaibigan ko

“Jazz, Kaya mo yan.. mahahanap mo din ang the One mo.. “ sabi ni Kass

Napangiti naman ako.. haaay kung wala siguro ang mga bruha na ito, naloka na ko.. hahhah

“Alam niyo girls.. sabi ko nga kanina.. we are not here for a drama.. kaya tara na!!! PARTY!” masiglang sabi ko sakanila

“Tama.. tama ka jan, Girl..” pag sang ayon naman ni Lauren

“Hmmm sige papayag akong magparty party na uli tayo.. pero Jazz.. Give me your latest hooked up” natatawang sabi ni Kass.. bwiseet talaga ang isang to…

“TERRENCE BUENVIAJE” pag aanunsyo ko sakanila

“WHAT????!!!” sabay sabay nilang sabi..

Terrence Buenviaje is a pilot and a businessman.. may ari ng airport and planes.. YES.. yumminess siya.. but damn he is overly possessive

“The pilot, Jazz? Seriously, the HOT PILOT??!” tanong naman ni Eula

“Yup” cool na cool kong sabi

“time frame..” sabi ni Kass..

“2 months” kibit balikat kong sabi

“Wow.. He has the looongest .. hahahaha” sabi naman ni Kass

Si Terrence na yun pinakamatagal kong ka fling.. dati kasi days or weeks lang

“What is he like?” tanong naman ni Lauren

“Overly POSSESSIVE.” Inis na sagot ko

“Mukang nakahanap na ng katapat ni Doktora.. hahaha” natatawang sabi ni Eula..

“I agree..” sabi ni Lauren at nakipag high five pa kay Eula .. mga baliw talaga itong mga to

“I second the motion..” sabat naman ni Kass

STATUS: SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon