LAUREN'S POV
Nandito ako sa isang business meeting ng biglang tumunog ang cellphone ni Tito Henry.. Henry Honra..
"Uhh Sandali lang muna, Excuse me." sabi ng matandang lalaki at tumayo para sagutin ang kanyang cellphone.
"Oh, Liam.. What is it? Oo.. sponsor ang isa sa mga company ko.. WH-AT??!! Are you sure about that, Liam? Yun artista na si.. hmm.. Fredeluces?" sabi niya
Agad naman akong napatingin sakanya ng marinig ko ang pangalang Liam at Fredeluces alam kong may nangyari na naman kay Eula. Hindi ko na nasundan kung ano ang pinausapan nila dahil nakinig na ko sa business project na gagawin namin sa Davao. Mukang seryosohan na ata sila Eula at Liam. Samantalang ako, Eto mamamatay na sa kakaisip kung bakit ba hindi na ko kinakausap ng boyfriend ko.
Natapos na ang meeting at hintay parin ako ng hintay sa anumang tawag o text pero walang hiya.. WALEY. Simula nung sinabi ko sa kanya na iaarrange marriage ako ni papa, nagbago na siya.
Bumalik ako sa aking opisina at naupo sa swivel chair. Hindi ko maiwasang mafrustrate. Ano ba to?!!
Hindi ko na natiis at kinuha ko na ang cellphone ko and I quickly dialed his number. Ring ng lang ng ring.
"The number that you have dialed is currently unavailable."
Halos maibato ko ang cellphone ko sa harapan ng table ko. Ilang beses na ko tumawag pero wala. Nasan ba ang Palawan? Sumama na ba ito sa Atlantis at lumubog sa ilalim ng dagat kasama ni Jules Verne? Bwiset. Bwiset.
Para palipasin ang oras ko binuksan ko ang computer sa harapan ko at tinignan ang Facebook account ko.
I scrolled down till something caught my eye
Franz Eldric Hernandez.
Punyeta anong ibig sabihin ng video na ito?
Ilang ulit kong piniplay. Halos manlamig ang buong katawan ko sa nakita ko.
ANG BOYFRIEND KO, AT ANG MALANDING BESTFRIEND NIYA NAGSASAYAW SA ISANG BAR.
NAGGRIND SA ISA'T ISA. TANGINA.
Halos manuyo ang lalamunan ko sa banta ng mga luhang gustong gustong bumagsak mula sa mata ko. Tang ina naman. Bat ganiang kayonh mga lalaki. When the cat is away, the mouse will play! Mga walanghiya.
Tumayo ako mula sa swivel chair at tinawagan ang aking secretary
"Jean, padala nga ng JD dito. " sabi ko na pinipigilan na mapiyok ang pagsasalita ko
"May problema ba, ma'am?" tanong ni Jean.
"Wa-wala naman. "pagkasabi ko nun ay binaba ko agad ang telepono.
Maya maya pa ay dumating na ang secretary ko dala dala ng isang Black Label na Jack Daniel's
"Aga niyan ma'a ahh" sarkastikong sabi ni Jean sakin
"Jean, wag nagyon please. Wag muna ngayon. Gusto kong mapag isa." seryosong sabi ko sakanya.
"Okay. You do not have any meetings naman na. " sabi ni Jean at lumabas na ng opisina ko.
Buong araw akong nagkulong sa opisin ko at lumaklak ng lumaklak ng alak.
Patuloy na nagpplay sa isip ko ang video na nakita ko sa facebook. Bakit Franz? Minsan kung sino ba ang mga taong mahal na mahal mo sila pa yung mga taong mananakit sayo ng sobra sobra.
Iyak lang ako ng iyak. Franz is a good man. Napakaseryoso niya sa trabaho. Mabait. at marespeto. But still my very perfect father does not approve of our relationship. Because I must.. I must marry a man who my father wants me to marry.
Kaya minsan natatawa nalang ako sa mga taong nagsasabi na sana daw naging sila nalang ako. Haaay guys, be careful what you wish for. Oo mayaman kami. Mayaman na mayaman but the hell, Everything is chosen before you. Maraming mga bagay na nakahanda na. Well-planned and you can't say no. Lahat ay parte ng business and tradition.
I am the only daughter of the Great Ferdinand Samuel Honra - De Millo. Who can say no. Si papa nalang ang kasama ko. My mother died 5 years ago since then mas lalo kaming nagkaroon ng gap ni papa. He was expecting a boy then I came. Isang babae. Simula palang mukang disappointment na ko para sakanya. I always live up to his expectations and I know that I did great. I did well. dahil ngayon ay ako na nag namamahala ng company namin habang si papa ay abala sa iba pa naming business. Kaya naman halos wala kaming panahon para pagusapan ang relasyon namin ng hayop na Franz na yun.
7pm na at nandito parin ako sa opisina. Nagpapababa nalang ako ng tama ko. Kakatapos ko lang magshower. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa table ko parin.
Kinuha ko iyon and I dialed his number again.
"Hello.." sabi ng babae sa kabilang linya
"Na-nasan si.. Franz" maluha luha kong sabi sa telepono
"He is still taking a bath. Call later." sabi ng babae.
BINABASA MO ANG
STATUS: SINGLE
Teen Fictionlove comes in different ways.. ganun din sa mga babeng ito na may ibat ibang experiences and views when it comes to love but whatever it is.. TRUE LOVE WILL ALWAYS FIND ITS WAY TO YOU