IN YOUR FACE

26 1 1
                                    

EULA'S POV

Nasa sasakayan kami ngayon. Hindi parin kami naguusap ni Liam. Tinatantya ko pa kung galit ba sya sakin at narealize niya na accessory to the crime lang sya. Nakokonsensy tuloy ako.

Hihinaan ko na sana ang aircon kaso gumalaw din ang kamay niya pa gawin yun at nagtama ang mga kamay namin

"Sorry. Malamig kasi" pagdadahilan ko "hmm Liam.. Im sorry.." nahihiyang sabi ko

"It's okay. I always got your back, angel. " sabi niya at hinawakan ang kamay ko. SHEMAY. "And I am glad that I am the one who was there to rescue you"paliwanag niya

Mother of Zeus, Poseidon and Hades. Ayan na naman siya. Liam is such a good hearted person and he is always like that kaya naman nagulat ako kanina nung nakita ko yung pagiging sira ulo niya. Nakahawak padin siya sa kamay ko ngayon. LAKASAN ULI ANG AIRCON!!

Nakatingin lang ako sa kamay niya na nakaibabaw sa kamay ko

"Oh sorry." sabi ni Liam at inalis niya ang kamay niya

"O-okay lang, Li-Liam.. I am the one who should be apologizing.."paliwanag ko

Huminto ang sasakyan niya sa harap ng BO's COFFEE. Lumabas siya para pag buksan ako ng pinto. Pumasok kami sa loob at nagorder. Everyone noticed and looked at us. Kiber ko sa inyo.

5pm palang naman kaya medyo konti palang ang tao I am sure napanood na nila sa news yun nangyari kanina.

"Hey, you look worried." puna ni Liam as we sat down

"No I am not. Its just that.. everyone seems looking at us. Nahihiya ako" paliwanag ko sakanya

Humagalapak naman siya ng tawa "Ngayon ka pa nahiya. Our video will be shown on national TV at sa internet pagppyestahan yun!"

"Alam ko naman yun noh!" sabi ko at kinurot ko ang tagiliran niya

"Masakit, angel ko!" sabi naman niya

"buti nga sayo.." I stuck my tongue out at him

"Hey! Don't do that!" pagsita niya sakin

"Do what?" inosenteng tanong ko

"Yun ginawa mo kanina" sabi niya

"Alin? eto ba?" tanong ko and  stuck my tongue out again.

Pakshit!!! nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan habang nakalabas yun dila ko. PUTANG INA!

Nilayo niya ang mukha niya sakin at hindi ako makagalaw..

"See. I said do not do that again." banta niya at hindi parin ako makasagot. tanging pagtungo nalang ang nagawa ko sakanya

"So, ano ang plano mo ngayon sa gago mong ex?" seryosog tanong niya

"pervert ka!" kinurot ko uli siya at napangiwi siya sa sakit. "Bwiset ka. Bastos! Bastos!" sabay hampas sa braso niya ng sunod sunod. Pero shit.. sarap.. letse pati ata ako nahawa na sa pagiging pervert ni Liam. Natawa naman siya ng tawa

"sorry, angel but damn you're irresistable" paliwanag ni Liam

"Thank Younsa ginawa mo, Liam. sorry rin kung ginamit kita at nadamay ka pa." pagiiba ko ng usapan

"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya

"He became cold. As in parang hindi na nga kami. Gusto ko lang na siya mismo yung magsabi na break na kami. Buti pa ang media at mga artista alam na wala na kami pero ako HINDI. as in wala syang sinasabi" paliwanag ko kay Liam and he is listening attentively

"He left you hanging, I know." sagot niya

"How? What do you mean?" naguguluhang tanong ko

"Since the day that we dated, pinasubaybayan kita. And I found out everything. Lalo na ang panggagago sayo ng boyfriend mo. Hindi ko masabi sayo kasi ayokong panghimasukan ang private life mo. That is why I waited for the opportunity to spill it out to you pero mas maganda pa ang nangyari. " nakangising sabi niya

STATUS: SINGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon