Jazz Pov
"CHEERS." Sabay sabay na sabi namin nila.
Nandito kami sa Sand Bar ngayon. Yes Boracay's Station 1. Magkakasam kami nila Eula, Kass at Lauren
"So.. Kamusta naman kayo, girls?" sabi ko pagtapos inumin ang Margarita sa harap ko
"Happy. I guess" mapaglarong sabi ni Eula
"Asus palibhasa masaya ka sa yakap at halik-" hindi na nasabi p ni Kass ang susunod dahil pinalo na sya ni Eula
"Tumigil ka nga Kass." kinikilig na sambit ni Eula
"Landutay ka! So anong latest?" tanong ni Kass
"Well.. M.U kami ni Liam. Masaya ako pag kasama ko siya. At mukang masaya rin naman siya." Masayang sabi niya
"MU? MU palang? E sa TV halos parang kayo na talaga." sabi ko naman
"pero teka.. paano na si Rich? Narinig ko kasi si Tito Henry at si Liam na pinapull out ni Liam lahat ng sponsors ni Rich." sabi ni Lauren
"yeah ginawa nga nya yun kaya muntik na syang masuntok ni Rich nung nasa Tagaytay kami" Paliwanag ni Eula "E kayong tatlo.. bakit sabay sabay kayong dumating sa airport kanina? " nagtatakang tanong ni Eula pgtapos uminom ng JW
"E kasi si Lauren nagpasundo kagabi sa ancestral house nila sa Cavite." sabi ko naman
"Oo nga. Nangako ka samin na ikkwento mo pag kumpleto na tayo." dagdag pa ni Kass
"Okay.. Fine.. Nagpasundo nga ako kagabi kasi ipapakilala na ni papa sakin yung magiging asawa ko.." paliwanag ni Lauren
"OMG!!" sabay na sabi namin
Naikwento rin ni Lauren ang nangyari sa kanila ni Frantz at ang tungkol sa babae na sumagot sa phone niya the other day
"Alam niyo girls, wag muna tayong magconclude nang kahit na ano. Until wala pa tayong ebidensya..diba RULE NO.8 natin yun, Jazz?" pagtatanggol ni Kass
"Ano ka ba Kass.. Nung college pa yun aah.. Naalala mo pa..?" sabi ni Eula
"Oo nga noh. Nakalimutan ko na yun iba pang commandments natin sa mga lovelife natin.."sabi ni Lauren
"Jazz ano nga yun?"sabi ni Kass after drinking her JD
May set of rules kasi kaming ginawa nung mga high school pa kami. 10 commandments ang tawag namin dun. nangyari yun nung nagkaroon kami ng crush na senior namin.. Si Lester Gatmaitan. Kaso lang.. walang nangyari.. nagkagirlfriend din siya
"1. Wag ikaw ang unang gagawa ng move.
2. Wag kang aasa.. kasi masasaktan ka lang.
3. Wag maglalagay ng kulay sa mga bagay bagay, hindi ka pintor" natatawang sabi ko
"Hahaha.. naalala ko si Lester Gatmaitan, Jazz ano ba yan.." natatawang sabi ni Kass
"Oo nga.. Nung sabay sabay pa tayong umiiyak dahil sinagot na sya ni Liza Alejandra. Grabe yun pagkacrush natin dun." sabi ni Lauren
"Oo at yung pangliligaw nya pa sana sa akin. paasa!" naiinis na sabi ni Eula
"Kaya nga diba.. 4. Hindi porket mabait, e gusto ka na. " sabi ni Jazz
Nagtatawanan lang kami at nagiinuman ng marinig namin ang kanta na gustong gusto namin noon.. Pare Ko by Eraserheads
"o Diyos ko, ano ba naman ito di ba tangina.. nagmuka akong tanga.. pinaasa niya lang ako.. letseg pag ibig to.." sabay sabay na kanta namin
Hindi naman porket kami ay magaganda ay wala na akming heartbreaks meron parin naman. Syempre High School days pa iyon. Hahaha
"5th Rule Frustrate him. hindi porket type mo siya e para kang globe na go lang ng go hayaan mo syang maghintay at mag isip.
6th rule Love yourself. Magtira para sa sarili mo. Wag paikutin ang mundo sa kanya para kung magkasira man kayo hindi ka wasak na wasak" sabi ko pa
"at eto ang paborito ko.. 7th rule 7bs Books before boys because boys bring babies ang lupit ng rule na yan.. Grabe nung college ilang beses kong inuulit ulit yan. " natatawang sabi ni Kass
"Hahaha syempre nangako tayo na magtatapos tayo ng pag aaral noh,." sabi ni Lauren
"Yeah.. naalala ko na naman yung itsura ni mama nung maagang nabuntis si Yna. Pero happy na sya ngayon sa buhay niya sa Dubai." paliwanag ni Eula
"Nakakamiss si Ate Yna. kaya nga db rule no.8 wag magcconclude agad.. Ang problema kasi minsan satin mga babae may marinig lang conclude na agad. Buti nga hindi naghiwalay si Ate Yna at si Gabe dati dahil sa mga tsismis sa school." paliwanag ko
"Correct ka jan pero kung huling huli na tas magpapalusot pa..Aba ibang usapan na yun.." sabi ni Lauren "Hindi ako magpapakatanga para sa kanya"
"Wow #Hugot ka doon girl aa." sabi ni Kass
"Loka ka talaga, Kass. Ingat ka dyan kay Lauren.. Gusto manugod niyan.." pangaasar ni Eula
"Girls, Chill nandito tayo para mag enjoy. Rule 9. Enjoy life. YOLO nga tayo diba.. at syempre rule 10??!!" tanong ko
"FRIENDS FOREVER.." SIGAW NAMIN AT TUMAYO PARA TAHAKIN ANG DANCE FLOOR..
"Party Harder"
BINABASA MO ANG
STATUS: SINGLE
Teen Fictionlove comes in different ways.. ganun din sa mga babeng ito na may ibat ibang experiences and views when it comes to love but whatever it is.. TRUE LOVE WILL ALWAYS FIND ITS WAY TO YOU