Christmas Eve 🌲

84 5 0
                                    

Joyce POV

    Lumipas ang mga araw at Christmas na. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. Aalis na ako bukas at wala talaga akong lakas para magpaalam sa kanila. Nakausap ko si Bang Pd-nim kahapon. Tinatanong niya ako kung wala ba talaga akong balak sabihin sa kanila, di ako nakasagot sa kanya. Ang sabi niya ay naiintindihan niya naman ako. Pero sana daw ay hindi ako magsisi sa gagawin ko.


Busy kami ngayon kaayos ng sarili namin. Medyo hapon na at dapat 3 o'clock palang ay nasa amusement park na kami dahil siguradong maraming tao na dun. Ngayon ko lang ulit na-realize na mabuti at pinayagan sila ni Bang Pd-nim na gumala gayung alam nilang maraming tao na pwedeng makakilala sa kanila. Nakasuot naman kami ng mask at cap. Naka-jacket rin kami kasi medyo malamig dito. Siguro wala narin namang makakakilala sa amin nito. Agad na kaming nagsisakay sa Van. Si  Jin ang nagdrive. Pagkarating namin doon ay pumasok na kami.

Tuwang tuwa naman si V at Jungkook na agad akong yinaya pumasok ng Horror House.

"Yah, aren't you two out of your mind?" Tanong ko sa kanila na ngiting ngiti lang. "We just arrived here ang that's the first thing you want to try? Your unbelievable.

"Why Joyce, do you want to try it on the evening?" Tanong naman sakin ni Suga.

"Aniyo, never I'm too afraid to try it later." Sagot ko naman ng maisip ko yun. Na-imagine ko palang na pumasok ako dun ng sobrang dilim tapos madilim rin paglabas. Huhuhu, wag na.

"Then let's try it now. I want to try all the rides and booth here. Then let's all start with the Horror House." Suggest Naman ni Jimin. Kung maka suggest naman akala mo hindi matatakutin.

"Let's go?" Pag aaya sakin ni Suga.

"O-okay."

At pumasok na nga kami. Unang pumasok si Jungkook at nasa likod lang ako nila J-hope , Suga at Jimin. Sila Jin at Namjoon maging si V ay nasa likod ko. Pagkapasok ko palang parang gusto ko ng lumabas. Sobrang dilim dito. Pumasok kami dun sa isang pinto at agad kaming napasigaw ni J-hope ng may biglang nalaglag na kung ano.

"AHHHH! Oppa!"sigaw ko habang nakakapit sa damit ni Jimin at Suga. Tawa ng tawa naman si V tapos si Jungkook. Nag lakad na ulit kami at napadaan kami dun sa May bandang may kabaong. Sumiksik na ako kila Suga at pati narin si J-hope.

Nagulat pa kaming lahat ng bumukas yung kabaong at May lumabas na tao dun. Mas lalo pa kaming nagsigawan ng bumukas rin yung isang cabinet tapos May lumabas na white lady. Si Jin ngayon ang May pinakamalakas na sigaw. Di ko alam kung matatawa ako o matatakot sa pinaggagawa naming walo.

Nag takbuhan kami ng may nakita kaming gumagapang papalapit sa amin. Muntik pa nila akong maiwan mabuti nalang ay nahila nila Suga at Jimin dahil sila yung nasa unahan ko. Nagpatuloy ang sigawan namin sa tuwing bigla biglang May sumusulpot sa harap namin kaya ang ginawa namin ay minadali naming makalabas ng Horror House. Nang makalabas kami ay hingal na hingal pa kaming nagtitigang lahat. Maya maya ay isa isang tumawa na para bang mga tanga.

"I will never try that booth again." Sabi ko sa kanila. Natawa pa sila at Sumang ayon rin sa akin si J-hope.

"Yeah, I think we will never gonna try it again. Never!"

Nang makahinga na kami ay nagsimula na kaming maglakad at naisipang kumain muna kami at magpahinga bago itry yung ibang rides.

"What should we try next? Tanong ni Jungkook

"Let's try the extreme tower." Suggest ko. Napatitig sila sa akin na para bang sinusuri kung totoo bang ako yung nag sabi nun. "What?" Tanong ko ng di parin sila kumikibo.

BEAUTIFUL DISASTER 🖤Where stories live. Discover now