Chapter 32

71 3 0
                                    

"Birthday Surprise for Jungkook".

Joyce's POV

Maaga kaming nag dinner dahil gusto nilang makapagpahinga kami ng maaga. Pero ang totoo niyan ay balak naming surpresahin si Jungkook mamaya. Dahil sa magkakasama si Jin at Jimin sa iisang kwarto ay kailangang muna nilang hintaying makatulog si Jungkook. Sinadyang pagurin siya para makatulog agad.

Nagtipon tipon kaming lahat sa kwarto na tinutuluyan ni Bang Pd-nim maliban kay Jin Jimin at Jungkook. Mamaya kasing 12 ay susugurin namin ang kwarto nila Jungkook para dun ganapin yung surpresa. Kami ni Jimin ang bahala sa cake. Silang bahala sa pa confetti at wine. Nagpahinga muna kami saglit at nagkanya kanya muna ng pasok sa kwarto. Maaga pa naman, obligado si Jungkook na gumising ng mga 11 o'clock kasi mag vvlive siya.

IIdlip muna ako saglit at magpapagising nalang. Bago ako natulog ay nagse-set up na sila ng camera.

Nagising ako maya maya ng May yumugyog sakin. Napamulat ako at nakita kong nandyan na yung mga cameraman at si Jimin ang gumigising sakin. Agad akong tumayo at inayos ang damit ko. Inayos naman ni Jimin yung buhok ko. Tinanong ko siya kung May dumi ako sa mukha umiling naman siya.

"Where's the other?" Tanong ko.

"They are all in Pd-nims room."

"Jungkook?" Tanong ko

"Doing his Vlive on our room ."

"Okay, let's go." Inalalayan niya pa ako sa bewang habang nakasunod samin yung cameraman. Pumasok na kami sa kwarto ni Pd-nim na naghihintay na sa amin. Inabot sakin ni Jimin yung cake tapos humarap kami sa camera.

"Our mission for Tonight is to surprise Jungkook-shi. Are you ready?" Lingon niya sakin

"Ready" sagot ko naman. Lumapit na yung iba samin at napag-usapan na yung gagawin. 11:57 palang , saktong 12 ay papasok na kami sa kwarto nila.
Ng nag go signal na si Pd-nim ay pumasok na kami sa kwarto ni Jungkook na siyang kinagulat niya.

Happy Birthday to you 🎶
Happy birthday to you 🎶
Happy birthday Happy birthday 🎶
Happy birthday Jungkook-shi 🎶

"Sangeil Chukhamnida Jungkook-shi"


Sabay sabay naming sigaw . Natawa naman siya at di alam kung saan titingin. Kung sa Vlive ba o sa cameraman sa likod namin.

"Jungkook-shi make a wish" sabi ni Jimin sa kanya. Tumawa lang siya tapos hinipan na yung kandila.

"Wooooooo!!!! Sangeil Chukhamnida Jungkook-shi" sigaw ulit namin at ako naman ang bumawi sa kanya ngayon. Pinahiran ko siya ng frosting sa mukha. Nagtawanan silang lahat at nakigaya narin. Pati ako nilagyan nila ng frosting.

Naghi rin kami sa Vlive at nakisali rin. Di makapaniwala yung iba na kasama ako sa nag-surprise kay Jungkook. Nag-thank you lang kami saglit sa kanila at hinayaan na namin si Jungkook sa Vlive niya. Dumeretso kami sa kanya kanyang banyo at naghilamos dahil sa frosting sa mukha namin. Tumambay muna kami sa kabilang kwarto. Sa kwarto nila J-hope. Pagkadating ko dun nakahilata na si Suga at Jimin sa iisang higaan. Habang nakaupo lang si Namjoon at Jin sa gilid ng kama . Si J-hope naman nakaupo lang sa couch. Walang nakapwesto sa isang kama kaya ako ang humiga dun.

"What are we going to do next?" Tanong ko sa kanila.

"Just stay up." Sagot ni Jimin

BEAUTIFUL DISASTER 🖤Where stories live. Discover now