CHAPTER #44

1.2K 22 0
                                    

CALIX POV.

Pag gising ko agad kong tiningnan ang aking wrist watch 5:00pm na pala. Nagugutom na ako kaya agad akong bumangon at bumaba para makakain  at ng malamnan ang aking tiyan.

Habang pababa ako sa hagdan may naririnig akong kausap ni mom at mukang pamilyar ang boses nya sa akin. Ano naman kayang ginagawa ng babaeng ito dito sa bahay namin.

"Hi Calix" bati sakin ni Fiella. Pagbaba ko sa hagdan.

Nadito ngayon si Fiella at kausap si mom, kung bakit sya nandito ay hindi ko alam.

"Anong ginagawa mo dito?" Deretsong tanong ko.
"Nalaman ko kasing umuwi na pala sila tita kaya binisita ko. ikaw ha, di mo man lang sinabi sakin na nakauwi na rin pala sila."

Kakilala ng pamilya ko si Fiella dahil nga kaibigan ni dad ang mga magulang nya. Isang rin kasing business man ang dad nya. Pero ako malayo ang loob ko sa kanya.

"Kailangan mo pa bang malaman yun?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Calix" saway sakin ni mom.
"Nagugutom na 'ko kakain muna ako."paalam ko at dumeretso na sa kusina.

"May dala akong ulam baka gusto mong tikman, masarap yan."  Hindi ko namalayan na sumunod pala sya sa akin.

Umupo sya sa kaharap ko kung saan ako naka upo. Kung minamalas ka nga naman wala pang lutong ulam kaya wala akong choice kundi ang ulam na dala nya, na kaldereta ang uulamin ko.

"masarap diba? Ako nag luto nyan." Pag mamalaki nya.
"Pwede na rin sa taong gutom."

Kung hindi lang ako gutom hindi ko naman kakainin ang ulam na dala nya malay ko ba. baka may lason o di-kaya  gayuma ang pagkaing dala nya.

"Wag kang mag alala walang lason yan." Mukang nabasa nya ang nasa isip ko.


Makalipas ang isang oras.

Nandito ako sa aking kwarto. Ayaw kong makipag usap kay Fiella sana naman umuwi na sya. Nagpasya na akong bumaba baka wala na sya saka uuwi na rin ako sa aking condo.

Pagbaba ko "bakit nandito kapa?"
"Hindi ako makauwi malakas  ang ulan." Sagot nya
Sumilip ako sa bintana umuulan nga sa labas.

"Saan kapupunta?" Tanong ni mom ng makitang lalabas ako.
"Uuwi na sa condo ko" sagot ko.
"Anong uuwi, hindi ka uuwi nakita mo na ang lakas lakas ng ulang bata ka!"

"Tsk!, Ikaw hindi kapa ba uuwi!"baling ko kay Fiella
"Calix!" Saway  ni mom sa akin .
Nakita ko sa mga mata ni mom na galit na sya sa ginawa kong pag trato kay Fiella.

Hinayaan ko nalang sila bumalik nalang ako sa aking kwarto para matulog ulit. Ang lakas pala ng ulan sa labas dapat pala kanina pa ako umuwi sa condo ko.

Namimiss ko na si Xyrine kahit na nakasama ko palang sya kanina. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sya.

"Hello! Pangit ko i miss you"
"Miss agad magkasama palang tayo kanina."
" kanina pa yun eh iba ang ngayon, ngayon hindi naman kita kasama ."
"Miss you too"

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko hindi ko nalang nilingon baka ang kambal lang.

"Anong ginawa mo ngayon pangit ko? Kumain kana ba?"
"Oo kakatapos ko lang ngang kumain eh" sagot nya.
"Good"

Nagulat ako ng may lumapit at tumabi sa akin sa higaan. Si Fiella " anong ginagawa mo dito?"

"Sino yang kausap mo?" Tanong ni Xyrine na nasa kabilang linya.
"Ah wala." Sagot ko.

Lalo pang lumapit sa akin si Fiella Kaya napabangon ako. "Lumayo ka nga sa akin!" Naiinis na sabi ko saka inilayo ko ng konti ang cellphone ko.

"Ugh! ugh! Ugh faster babe. Nagulat ako sa mga sinasabi nya. Kaya bigla ko syang tinulak napalakas ata ang tulak ko dahil na laglag sya sa kama.

"Walang hiya ka kala kong mahal mo ako sino yang kasama mo at talagang pinarinig mo pa sa akin ang kabastusang ginagawa nyo! Mag sama kayo nyang babae mo!"
Rinig ko sa kabilang linya,

"Xyrine hindi totoo yan  mali ang mga narinig mo"
"Wag kanang mag singungaling rinig na rinig ko ang babae mo! Break na tayo!. Tot tot tot.

Bigla akong naghina sa narinig ko mula sa kanya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Biglang tumulo ang mga luha ko.

Hindi pwede! Sigaw ko nanginginig kong tinawagan ulit ang number nya pero cant be rich na.   Paulit ulit ko pa itong tinawagan pero hindi ko na talaga ma contact. Sa sobrang inis ko sinuntok ko ang pader.

Kailangan ko syang puntahan kailangan nyang malaman na mali ang nasa isip nya hindi yun ang nangyari.

"Anong nangyari dito? Anong nangyari sa inyo? Okay kalang iha?" Sunod sunod na tanong ni mom pagpasok nya ng kwart ko.

"Calix magsalita ka anong nangyari sa inyo? Anong ginawa mo kay Fiella? Nag aalalang tanong nya. Nasa sahig kasi si Fiella dahil sa pagtulak ko sa kanya kanina.

"Kuya dumudugo ang kamay mo!" Sigaw ni Dexie nandito na
rin pala sila sa kwarto ko hindi ko sinagot ang mga tanong nila.

Tiningnan ko ng masama si Fiella   kung nakakamatay lang ang pagtingin ko ng masama malamang kanina pa patay ang babaeng 'to.

"Itanong nyo sa baliw na babaeng yan!"

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa  ibabaw ng cabinet gamit ang kamay ko na puno ng dugo saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Calix saan ka pupunta?" Sigaw ni mom. " dere deretso lang ako sa pagbaba.
""Isa! Kinakausap pakitang bata ka" sumunod  sya sa pagbaba ko.
"Kay Xyrine" sagot ko.
"Hindi pwede, kita mo ng ang lakas ng ulan sa labas aalis kapa."

"Kailangan kong makausap si Xyrine."
"Xyrine! Xyrine! Xyrine! na naman kaya nga nawawalan ka na ng oras sa amin dahil sa Xyrine na yan.
Nagulat ako sa sinagot ni mom   baki ganyan nalang ang pagsasalita nya kay Xyrine.

"Mom hindi nyo 'ko naiintindihan naki pag break si Xyrine sa akin dahil dyan sa babaeng yan!."sigaw ko saka ko tinuro ang pababa na ng hagdang si Fiella.

"Mom kailangan kong puntahan si Xyrine hindi ko kayang mawala sya sa akin mahal na mahal ko si Xyrine mahal na mahal." Umiiyak na paliwanag ko habang yakap ako ni mom.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to"
"Calix tama na babae yan nasasaktan na sya" mahigpit parin ang pagkawak ko sa braso nya.
"Sorry hindi ko sinasadya bitawan mo nako"
"Sorry? Sa tingin mo maayos pa ng sorry mo ang relasyon naming sinira mo! tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya!"

"Calix tama na" nasasaktan na sya sa ginagawa mo"
"kuya Calix tama na po" awat ng kambal  habang umiiyak.

Napansin kong umiiyak na ang kambal pati na rin si mom kaya binitawan ko na sya.




NICOLE POV.

Patuloy parin sya sa pag iyak hindi ko alam kung paano ko sya papatahanin awang awa ako sa pinsan ko.
"Insan tama na yan wag mong sayangin ang luha mo sa maling tao."

"Ang sakit sakit, bakit nya nagawa sa akin ito hindi paba sapat ang pagmamahal ko na binigay sa kanya kaya nakuha nyang pang mambabae."

"Insan hindi totoo yan, hindi ikaw ang nag kulang kundi sya, sya dahil hindi sya nakuntento sa  pagmamahal mo."

Kung alam ko lang na ganito ang gagawin ni Calix sa pinsan ko edi sana noon palang hindi ko na sya hinaayang manligaw sa kanya.

"Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan ng ganito hindi ba ako pwedeng magmahal at maging masaya sa buhay pag ibig. Ano bang mali sa akin!" At bigla syang humagulgol ng iyak.

"Insan  walang mali sayo tandaan mo yan. Sila ang mali dahil hindi nila pinahalagahan ang pagmamahal mo."

2:00AM
naalimpungatan ako ng makarinig ako ng pag iyak.

Insan Tawag ko. "Anong oras na hindi kapa ba matutulog?"

"Hindi pa ako inaantok" sagot nya. Umiiyak na naman sya.
"Hindi ka ba giniginaw? Tanong ko sa kanya  ang lakas pa naman ng  ulan ngayon umabot pa hanggang madaling araw. Mukang ito na ang sinasabi sa balita na paparating na bagyo.

Kumuha ako ng jacket sa cabinet at binigay sa kanya.
"Isuot mo para hindi ka ginawin. Tahan na matulog kana."

"Madaling araw na pala, gusto mo ng kape ipagtitmpla kita? Sandali lang hah magtitimpla lang ako." Hindi sya sumagot lumabas na ako sa kwarto pala magtimpla ng kape.

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon