CHAPTER #34

1.2K 26 0
                                    

XYRINE POV. 

"Sya si Ms. Fiella Cruz  isa sya sa mga  stakeholders ng companya." Paliwanag ni Calix mukang nahulaan na nya kung anong iniisip ko.

"Scan this papers," abot nya sakin ng mga sandamakmak na mga papel. "At Paki check na rin kung free ako sa mga meeting and appointment ko today."Dagdag pa nya tska nag abot ulit sakin ng mga papel.  Patay ako nito hindi ko pa.
kabisado ang mga schedule nya. 

"Sir pwedeng kunin ko muna yung schedule mo sa baba hindi ko pa kasi nabasa yun, kaya di ko  pa kabisado. Alam nyo naman sir kasalanan talaga nang boyfriend ko to eh hindi ako pinapasok kahapon." Sabi ko sa kanya habang natatawa.  Samantalang sya hindi man lang sya natawa sa sinabi ko kinunutan lang ako nang noo. 

"Okay!" sagot nya.  Tumayo na ako at naglakad palabas ng office nya dala ang mga papel na inabot nya sakin.  "Ingat ka." pahabol nyang sabi. Ingat daw ako eh sa first floor lang naman ako pupunta.  Nakita ko si Ms. Fiella nakakalabas lang sa isang office na katapat ng kay Calix.  Kasabay ko sya ngayon habang nag lalakad hindi ko alam na papunta rin pala sya sa  first floor.

 Nasa loob  kami nang elevator ngayon at  tulad ng kanina kami lang dalawa ang tao.  "Gaano kayo ka-close ni Calix at nagawa mo syang ganun ganunin nalang, samantalang isa kalamang Secretary nya?" Walang emosyong tanong nya.  Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, ang talim ng mga tingin nya sakin kaya yumuko nalang ako. 

"Tandaan mo secretary kalang nya at kung may gusto kaman sa kanya, wag kanang umasang magugustuhan ka rin nya. Dahil di hamak naman na magugustuhan nya ako kaysa sayo." Nagdagdag pa nya.  Gusto ko sanang sagutin sya kaso baka  lalo lamang syang magalit sakin, hayaan ko nalang siguro na si Calix ang magsabi nang tungkol saming dalawa. Tsaka alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Calix at yun ang pinanghahawakan ko ngayon.  Pag bukas nang elevator agad na syang lumabas. Sumunod naman ako at nagmadaling pumunta sa office ko.  Pag pasok ko nakita ko si Calix na nakaupo sa may chair ng table ko. Bakit sya nandito?  saan sya dumaan? Ang bilis nya naman  ang alam ko naiwan sya sa kanyang office sa taas. 

"Hello sir," nakangiting bati ko sa kanya. Nakita kong ngumiti rin sya sakin ang gwapo talaga ng boyfriend ko lalo na kapag ngumingiti.

"Wag mo nga akong tawaging Sir tayo lang naman dalawa dito." Anong trip nito kanina kung kausapin nya ako para bang hindi nya ko kilala na parang bagong secretary nya lang.
"Okay " sagot ko nalang.

  Tumayo  sya "Upo kana." Kaya umupo na  ako at agad na inilapag ang dala kong mga papel tska tiningnan ang kanyang  schedule. Sya naman umupo sa isang chair sa harap ng table ko.  Pag angat ko nang tingin sa kanya nakatingin lang sya sakin kinindatan pa ako nang loko  "Wala ka namang meeting at appointment today, bukas naman may appointment ka kay Mr. Oliveros at kay.....

"Yung ngayon ang tinatanong ko." sabi nya kaya natigil ako sa pag sasalita. "Okay ang sungit naman ng boss ko." Bulong ko.  bagay na bagay talaga ang tawag ko sa kanya na sungit ko kasi lagi syang masungit.

 "So makakapag date tayo ngayon?" Tanong nya na may malapad na ngiti sa kanyang  labi.  Ano to araw araw date.   Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming dalawa ni Calix.  Si Ms. Fiella pala pumasok sya at  lumapit sa amin. Tska sya ngumiti kay Calix.  Pag katapos tumingin sya sa akin.

"Ibili mo  nga kami ng lunch  para sa aming dalawa nang Sir Calix mo." Utos nya sakin. 
"No kakain kami sa labas." sabat ni Calix.  "Talaga sa labas tayo kakain?" Excited na tanong nya kay Calix. Tska tumingin sa akin.  Sabay pala silang kakain ng lunch at sa labas pa.  

"Tss! Hindi ikaw, sya ang kasama kong mag lu-lunch mamaya." Sagot ni Calix.  Kaya nawala ang ngiti nya at napalitan ng lungkot, mukang na disappoint sa narinig nyang sagot ni Calix.  Ako naman natuwa sa narinig ko kala ko  talaga kay Ms. Fiella sya sasabay mamayang lunch. 

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon