CHAPTER #47

1.4K 25 0
                                    

XYRINE POV.

Hindi ko mapigilan ang mahiya sa sarili ko lalong lalo na kay Calix. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya kaya minabuti ko nalang na sa daan nalang tumingin. Bakit ganun kahit gusto ng isip ko napigilan sya kanina hindi ko magawa. Hindi ko rin alam kung bakit umuo ako ng  tanungin nya ako kanina.

Nagulat ako ng bigla syang pumreno. Kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Natatakang tanong ko. "Wala may naalala lang ako." sagot nya na hindi nakatingin sa akin. Saka na nya pinaadar ulit ang kotse.

Iniisip nya rin siguro ang nangyari  sa amin kanina. Buti nalang nagawa ko pang pigilan sya kahit na gusto rin ng katawan ko ang ginagawa nya.

"Nandito na tayo." Nandito na pala kami ang bilis naman hindi ko namalayan. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin.
Lumabas na ako sa kotse.

Wiw wieeeet sipol ng lalaking dumaan na naka bike. Na sinundan naman ng masamamg tingin ni Calix.

"Oh bakit ngayon lang kayo? Ano bang nakain ninyo at nag paulan kayong bata kayo hah. lalo kana alam mo namang sakitin ka." baling sa akin ni tita Delia. Noong bata lang naman ako sakitin pero ngayon hindi na.

"Oh sya pumasok na muna kayo sa loob."  Iniwan ko muna si Calix sa sala kasama si insan at tita dahil maliligo muna ako.

Sandali lang akong naligo pag katapos bumalik na ako sa sala.

"Calix sorry talaga kung pinag isipan kita ng masama. Nadala lang ako sa galit ko, alam mo naman Mahal na mahal ko yang Girlfriend mo." Paliwanag ni insan.
" Okay lang 'yon." Maikling sagot nya.

Ang sweet talaga ng insan ko. Lumapit na ako sa kanila saka umupo sa tabi ni insan.

"Calix iho mag kape ka muna para mainitan ang sikmura mo." Sabay abot ni tita ng dalang nyang kape kay Calix.
"Pasenya kana wala kaming damit na panlalaki dito. Gusto mo bang ihiram kita ng damit kay Gabriel? mukang magkasing katawan lang naman kayo."
Biglang naibaba ni Calix ang kanyang hawak na kape.
" Wag na po tita uuwi na rin  naman ako maya maya. "

Mukang nainis sya  sa sinabi ni tita.
"Ikaw ang bahala,  maiwan ko muna kayo." Saka na sya bumalik sa kusina.

"Nag away na naman ba kayong dalawa. Bakit hindi kayo nag papansinan? May LQ?"
" Hindi ha."
"Oh Bakit nag ba-blush ka insan?" Ang daldal talaga ng pinsan ko.

"Ano bang nangyayari sa inyo? ikaw nag ba-blush si Calix naman ang pula ng tenga." Sabi nya at saka tumawa.

Nagkatinginan naman kami ni Calix. Ang pula nga tenga nya.

"Doon ka na nga ang ingay mo." Pagtataboy ko sa kanya.
Sumunod naman sya nagtungo sya sa kusina na tawa parin ng tawa

Kami nalang dalawa ngayon ni Calix dito sa sala.
"Nababaliw na talaga." Bulong ko. Pag tingin ko kay Calix nakangisi sya. Nang mapansin nyang tumingin ako sa kanya agad nyang hinigop ang kanyang kape pagkatapos agad nya ring ibinaba sa maliit na lamesa.

"Xyrine yung kanina sorry."
"Wag na nga nating pag usapan 'yonn." Nahihiya kasi ako kapag naaalala ko yung kanina.

"Pero ang ganda ng katawan mo kanina." Saka sya ngumiti kaya nag iwas ako ng tingin nahihiya ako sa kanya kahit na sabihin pang boyfriend ko sya.

"Umuwi kana nga tingnan mo basang basa ka pa. baka magkasakit ka nyan." Pag iiba ko ng usapan.
"Okay lang na magkasakit may mag aalaga naman sa akin."
Sinamaan ko sya nang tingin.
" Umuwi kana nga"
"Ayaw ko nga"
"Isa"
"Dalawa" bilang nya.
"Tatlo hindi kapa uuwi ha.
"Oh masakit yan pangit ko." Angal nya ng makitang may hawak na akong walis timbo.
"Umuwi kana nga sabi eh ." Pag tataboy ko sa kanya. Nag aalala lang ako baka magkasakit sya hindi pa sya nakakapagpalit ng kanyang damit basa pa ito.
" Oo na eto na nga oh uuwi na."
Hinatid ko na sya sa labas.
"Ingat ka"
"Opo, miss sexy" sabay kindat nya.
"Sige na umalis kana." Pumasok na ako ulit sa loob.
Pag pasok ko sa kwarto nakita ko si Nicole na nakahiga tapos nakangiti habang nakatingin sa akin

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon