Chapter Twenty Eight

2.1K 92 15
                                    

DAVE SALVADOR

Ilang araw na ang nakalipas simula ng magsimula ang pasukan, at Graduating student na ako ngayon. Ilang araw na rin ang nakalipas ng mag birthday ako.

Flashback

Kagigising ko palang at saktong pumunta ako sa kalendaryo na nakadikit sa pintuan ko at nakita ko ang naka bilog doon 'June 4'. Maligayang kaarawan Dave Salvador, bati ko saaking sarili.

Lumabas na ako nang kwarto para mag almusal, dahil ngayon din ang simula nang klase namin. Pagkalabas ko ay ni isa wala man lang walang may bumati saakin, sanay na pala ako kahit na noong mga nakaraang birthday ko ay ganito na sila. Si ate Janine lang naman yung bumabati saakin eh, imbis na maging malungkot ay isinintabi ko nalang ito. Ayokong masira ang araw ko at first day ngayon ng klase kaya dapat sa masaya lang.

Nang matapos ako sa pag almusal, ay agad na akong nag ayos dahil baka ma late pa ako sa unang araw ng klase. Nang okay na ang lahat ay aalis na sana ako ng "Nak? Happy Birthday" bati ni mama, ngumiti ako at nilapitan siya at niyakap ng mabilis "Thank you ma." At ngumiti ako, "Una na po ako, baka ma late pa po ako eh." At umalis na ako sa bahay.

Buo na araw ko, dahil binati ako ni mama. Nang makarating ako sa classroom ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko.

"Happiest Birthday, Dave!" Bati saakin ni Von.

"Salamat tol," sagot ko at bigla akong grinoup hug ng mga kaibigan ko "Binata na yung kaibigan natin hahahaha."

"Haha mga baliw, pero salamat sainyo," sila ang mga naging kaibigan ko simula ng first year ako. Si Von, Mark, Vincent, Meaia, Akime at Jeleinah.

Gaya ng sinabi ni Mrs. Corazon ang science teacher ko noong 1st year ay ililipat niya ako sa higher section pag naging maayos ang participation ko sa klase, kaya hindi ko sinayang yung opportunity na 'yon kaya ginawa ko ang lahat nang paraan para mapunta uli sa higher section gaya ng gusto kong mangyare.

Naging kaklase ko ulit si Edrian yung kaklase ko noong elementary na natalo ako as valedictorian at sinabi niya saaking "Minsan na kitang natalo Dave, at magagawa ko ulit 'yon ngayon."

Naguguluhan ako, dahil bakit tinuturing niya akong ka kompetensiya? Bakit? Hindi ko siya maintindihan.

End of flash back

Nagsimula na ang aming klase at gaya ng dati magkakatabi kami ng mga kaibigan ko, ngunit dahil nasa gilid ako ay may isang bakanteng upuan sa tabi ko, nagpatuloy sa pag discuss si Mrs. Acosta about sa mga bad effects ng paninigarilyo.

*Knock knock*

Biglang may kumatok sa pinto, kaya agad itong binuksan ni Mrs. Acosta, "Good morning Maam." Bati ng isang babae? Boses babae kasi ei, hindi ko siya makita.

"Oh? You must be the transferee? Am I right?" tanong ni maam, "Yes, po." Sagot nito.

"Come in, okay class. I forgot to announce it. Meet Ms?" Tanong ni maam,

"Athena Chua."

Ang ganda niya sobra, para siyang anghel.

"She's the transferee, and she's your new classmate. Okay Ms. Chua please sit down, beside to Mr. Salvador."

Saakin? Naguguluhan siya, kaya tinuro ko na ang bakanteng upuan na nasa tabi ko at agad din siyang umupo rito.

"So okay, lets continue. So class, can you give some bad effect of using cigarette  in our health?"

Bad effect? Actually ang daming bad effects ng paninigarilyo sa katawan natin.

"Yes, Mr. Salvador?" Biglang tawag saakin ni maam, wala naman akong nagawa kaya tumayo na ako.

"Smoking badly affects our blood vessels and heart, causing coronary heart disease. Blood vessels can also become thicker and narrower due to smoking, it then increases the heart rate and blood pleasure; thereby forming clots in the blood. If the blood flow is blocked by the clot or rupturing of a blood vessel, stroke can take place. The blockage can also reduce the blood flow toward our skin and legs."

"Okay, thank you Mr. Salvador," sagot ni maam.

"Also, smoking leaves hazardous effects on our lungs and can also damage the tiny passageways for gaseous exchange in lungs." Biglang sagot ni Edrian,

"Good Mr. Cruz. So anyone? What do you think is the reason, why people are still using cigarette?" Maam asked,

Biglang tumayo si Athena, "Oh, yes? Ms. Chua?"

"I think the main reason is, cigarrete is their stress reliever. Well marami na kasi yung na meet kong ganyan, and according to them, smoking is one of their stress reliever. So that's why they're continuing using cigarrete." Sagot ni Athena,

Tumayo ulit ako at "We all know that cigarette is very dangerous in our health, so Ms. Athena? What do you think of it? Why they're still smoking?" tanong ko,

Biglang tumaas ang kilay niya, "Why are you asking me that kind of question? I don't know mister. Because I'm not one of them, all I know is smoking is their stress releiver, that's all."

Ang sungit haha,  nagjo joke lang naman ako.

"Okay Ms. Chua and Mr. Salvador, enough."

'Dave ha? Dyan yan nagsisimula'
'Naku dumadamoves na yung isa'
'Eses, Salvador'

Bulung-bulungan ng mga kaibigan ko. 'Psh mga loko talaga'

Nag simula na ulit mag discuss si maam, at ito namang katabi kong babae. Sobrang sungit sa tuwing tinitignan ko 'psh ang seryoso naman nito'.

Lumipas ang mga oras at natapos na yung klase namin,

"Dave? Sama ka saamin?" tanong ni Akime,

"Hindi na muna siguro sa ngayon, kayo nalang may pupuntahan din naman rin ako." sagot ko

"Sigurado ka?"

"Oo sige, kayo nalang muna. Ingat kayo."

Nagsimula na akong maglalakad hindi muna ako sumama sa mga kaibigan ko dahil balak kong pumunta ng park, wala lang gusto ko lang mapag isa.

GRADUATION (Dave Salvador Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon